Vice Ganda on PhilHealth officials allegedly involved in P15B fund fraud: "Ikulong! PAGDUSAHIN."

by Arniel C. Serato
Aug 6, 2020
Vice Ganda condemns alleged P15B fund irregularities in Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth): "Pagsama samahin ang lahat ng laway ng mga may sakit at ipainom sa kanila."
PHOTO/S: Noel Orsal

“Parusahan ang mga magnanakaw sa Philhealth. Ikulong! PAGDUSAHIN.”

Ito ang hatol ni Vice Ganda sa mga opisyales ng Philippine Health Insurance Corporation na nagwaldas at nambulsa diumano ng pera na nakalaan para sa pagpapagamot ng taong-bayan.

Sa kanyang Twitter kagabi, August 5, nanggigil ang It’s Showtime host sa paunang resulta ng imbestigasyon sa Senate Committee on the Whole sa mga katiwalian sa PhilHealth.

Sa nasabing pagdinig, ibinunyag ng isang dating opisyal ng ahensiya na umabot daw sa P15 billion ang naibulsa ng ilang opisyales ng PhilHealth.

Diin pa ng 44-year-old TV host-comedian, hindi dapat pakitaan ng awa ang mga sangkot sa katiwalian.

“Pakainin ng t*e ang mga fotaen*ng yan!

“Pagsama samahin ang lahat ng laway ng mga may sakit at ipainom sa kanila.

“Walang kompa-compassion sa mga demonyo!”

Birada pa niya: “Mga ulul!”

Continue reading below ↓

THE PHILHEALTH ALLEGED FUND FRAUD

Sa pagdinig ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso noong Martes, August 4, isiniwalat ng dating PhilHealth anti-fraud legal officer na si Thorrsson Montes Keith na mayroong "sindikato o mafia" sa loob ng ahensiya na nagsasagawa umano ng mga ilegal na transaksiyon.

Tinawag pa nga niyang “crime of the year” ang mga katiwaliang ito sa ahensiya.

Sabi nito sa ulat ng CNN Philippines, “Naniniwala po ako na ang perang winaldas at ninakaw ay humigit-kumulang P15 billion.

“Naniniwala po ako na ang dahilan kung bakit hindi natatapos ang korapsyon sa PhilHealth, at naging kultura na po nito, ay ang pagtatalaga ng mga sindikato o mafia ng kanilang kasamahan, kasabwat o kapwa sindikato sa mga matataas na posisyon na nakakatulong sa kanilang iligal [na] operasyon."

Ayon naman kay PhilHealth board member Alejandro Cabading, may ilang opisyales ng ahensiya ang nagmamanipula upang hindi matuloy ang mga balak na imbestigasyon ukol sa mga nangyayaring corruption sa loob.

Continue reading below ↓

Kabilang daw sa mga opisyales na ito sina Atty. Rodolfo del Rosario (Senior Vice President of the Legal Sector), Corporate Secretary Jonathan Mangaoang, Dennis Mas (SVP for Management Services Sector), at Renato Limsiaco (SVP for the Fund Management Sector).

Sinabi ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) commissioner Greco Belgica na may natukoy na silang 36 opisyal ng ahensiya na namagitan sa diumano’y “overpayments” sa mga ospital.

Naipasa na raw nila ang mga pangalang ito sa opisina ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang daw sa rekomendasyon nila sa Pangulo para sa mga hindi pinangalanang opisyal ay pagkatanggal sa trabaho at ang pagsasampa ng mga reklamo sa Office of the Ombudsman.

Pahayag pa ni Belgica sa ulat na lumabas sa GMA News online, “Ang bulk ng problema diyan sa PhilHealth, yung mga ospital claim nang claim ng receivables nila na sobrang taas na hindi nila bina-validate.

“Ito namang PhilHealth, parang ATM na bayad lang nang bayad. Para tayong siningil sa restaurant pero hindi natin tiningnan yung [bill]."

Continue reading below ↓

Ang PhilHealth ay pinamumunuan ng retired army general mula sa Davao City na si Ricardo Morales.

Itinalaga siya ni Pangulong Duterte bilang chief executive officer ng PhilHealth noong June 2019, wala pang isang buwan pagkatapos siyang i-appoint ng Presidente sa Board of Trustees ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Sa kabila ng mga alegasyong katiwalian sa PhilHealth, buo pa rin daw ang tiwala ni Duterte kay Morales.

Ito ay ayon sa dating special assistant to the president na si Senator Bong Go.

“As of now, nabanggit niya [Duterte] sa akin na malaki pa ang tiwala niya kay Gen. Dick Morales. Sa kanyang integridad,” pahayag ni Go sa isang virtual press conference noong July 27.

Pero, ayon din kay Go, hindi raw mangingimi ang Pangulo na sibakin si Morales kapag napatunayang may kinalaman ito sa katiwalian sa PhilHealth.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda condemns alleged P15B fund irregularities in Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth): "Pagsama samahin ang lahat ng laway ng mga may sakit at ipainom sa kanila."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results