Muling nagpakilig si Vice Ganda, 44, sa mga tagahanga nila ng boyfriend na si Ion Perez, 29, sa Instagram nitong Lunes, August 3.
Kahit throwback photo lamang ang kanyang ibinahagi, kinakiligan pa rin to ng Vice-Ion fandom, tawag sa mga tagahanga ng dalawa.
Kuha ang larawan sa bakasyon ng dalawa sa Japan noong February 2020.
Sabi ni Vice sa caption, “Sa alaala muna tayo rumampa.
“Libre na safe pa. Basta kasama ka!!!
“Saaaaavehhh! Talandi tong vaklang twooohhh!!!”
Nagkomento rito si Ion gamit ang “princess” at dalawang “two hearts” emojis.

Nag-iwan naman ng maraming mensahe ang kanilang mga tagahanga sa komentong ito ni Ion:



Ang close friend ni Vice na si Karla Estrada, sinabihan ang kaibigan na tumigil na sa paglalandi.
Komento nito, “Tama na nga ang harot pls.”
Tugon ni Vice, “@karlaestrada1121 hihinto akong magharot pag huminto kang kumain.”

Normal na biruan na lamang ito ng malapit na magkaibigan.
THE VICE-ION LOVE STORY
Halos dalawang taon na ang relasyon nina Vice at Ion.
Inamin ng comedian-TV host ang relasyon nila ni Ion sa selebrasyon ng ika-10 anibersaryo ng It’s Showtime noong October 26, 2019.
Pero bago pa ito, madalas na silang makitang magkasama dito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.
Napakilala na rin nila ang isa’t isa sa kani-kanilang pamilya.
Nitong bago manalasa ang COVID-19 pandemic sa bansa, nagbakasyon pa ang dalawa sa Amanpulo bilang pagdiriwang ng Valentine’s Day.
Dumiretso sila sa Japan matapos ang engrandeng Amanpulo getaway.
Sa ngayon, magkasama pa rin ang dalawa sa It’s Showtime na napapanood sa Kapamilya Channel at online platform ng ABS-CBN.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
