Aminado si KC Concepcion na naapektuhan siya nang husto nang mabiktima siya ng body shaming.
Iyon ang mga panahong pine-pressure niya ang sariling maging kasing payat ng tipikal na babaeng Asyana.
Pero ngayon, sa edad na 35, ibang-iba na raw ang pananaw ni KC sa kanyang katawan.
Ipinagmamalaki na niyang isa siyang Pinay na nabiyayaan ng “Latina curves.”
Ramdam ang bagong kumpiyansa ni KC sa sarili sa Instagram post nito noong Miyerkules, August 4.
Sa post, ibinahagi ng aktres ang isa sa latest photos niyang kuha habang nagbabakasyon sa isang health-and-wellness resort sa Batangas.
Suot ang ternong cropped top, kitang-kitang mas fit ngayon si KC.
Nag-uumapaw sa body positivity ang bungad ng kanyang caption:
“Making my Portuguese curves shine everyday... in case someone’s been living under a rock, curves are in, curves are NOW, curves are TIMELESS and having this ultra feminine shape?? I wouldn’t have it any other way!”
Pag-amin ni KC, naging biktima siya ng body-shamers noong namahinga siya sa showbiz sa loob ng tatlong taon.
Binabatikos daw siya “for not having that Asian, stick thin body.”
Aniya, may negatibong epekto sa kababaihan ang ganitong mga pagpuna.
“I used to get body-shamed when I went on my 3-year hiatus for not having that Asian, stick thin body…
“and many women like me get affected by this mentally, emotionally and physically.”
IMPORTANT REALIZATION DURING PANDEMIC
Pero nitong mga buwan ng pandemic, napagtanto raw ni KC kung gaano kahalagang ina-appreciate ng mga tao ang kanilang sarili.
Na-realize din ni KC kung paanong hinayaan niya ang sariling magdusa sa eating disorder gayong puwede naman siyang magbawas ng timbang sa tamang paraan.
At kung paanong ikinumpara niya ang sarili sa iba, gayong dapat proud siya sa kanyang "fire feminine hips and that booty."
Ang ibang babae nga raw ay gumagastos pa para magkaroon ng curves, na natural nang taglay niya.
Saad sa post ni KC: “Going through a pandemic and realizing the big picture issues of the world, I realized life is to be celebrated, and enjoyed...
“Like, why would I choose to develop an eating disorder over losing all the extra weight healthily?
“Why choose to lock myself up comparing myself to everyone else, when I could be dressing up for these fire feminine hips and that booty (that some girls even pay to have by the way)?
“Celebrate LIFE. Tomorrow is not promised.”
Tinapos ni KC ang kanyang post sa pagbibigay-pugay sa mga tulad niyang “FILIPINA with LATINA CURVES.”
WEIGHT LOSS: A CONSTANT BATTLE
Sa nakalipas na mga taon, ilang beses na sinopla ni KC ang body-shamers na nagkokomento sa kanyang Instagram posts.
Kabilang sa mga salitang ginamit ng netizens kay KC ang "taba," "malaki," at "walang balakang."
May pagkakataon pang kinailangan niyang magpaliwanag dahil napagkamalan siyang buntis ng ilang netizens.
Dumating pa sa punto na maging ang ina ni KC, ang singer-actress na si Sharon Cuneta, ay kinailangang dumepensa sa kanya.
Si KC ay anak ni Sharon sa dating asawa, ang aktor na si Gabby Concepcion.
REASON BEHIND WEIGHT GAIN
Sa isang interview kay KC noong May 23, 2020, ibinunyag niya ang dahilan ng pagdagdag ng timbang.
“I was diagnosed with PCOS, and that caused me to gain so much weight.”
Ang PCOS o polycystic ovary syndrome ay isang hormonal disorder sa kababaihan na may kinalaman sa reproductive health.
Ayon sa mayoclinic.com, ang obesity—o sobrang timbang—ay iniuugnay sa PCOS.
Sa latest update ni KC sa parehong interview, kinumpirma ni KC na nagawa na niyang kontrolin sa ngayon ang kanyang timbang.
Ito ay sa tulong ng kanyang obstetrician-gynecologist, na nakabase sa Amerika.
Dahil dito, handa na raw si KC magbalik-showbiz.
“I will say yes to projects when they come. I’m ready now,” sabi ni KC.
“I’ve lost a lot of weight and, at the same time, I feel good about coming back and reconnecting with the fans.”
Ang ABS-CBN teleseryeng Ikaw Lamang Book 2 noong 2014 ang huling project ni KC.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika