PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Iza Calzado cries at virtual presscon of new teleserye: “I’m really grateful to be alive.”

Iza Calzado says she will celebrate her "most meaningful" birthday this year.
by James Patrick Anarcon
Published Aug 8, 2020
Iza Calzado cries after Ang Sa Iyo Ay Akin cast, staff, and media friends sing "Happy Birthday" to her. She says, "This is most probably the most meaningful birthday in my life."
PHOTO/S: Ang Sa Iyo Ay Akin mediacon

Naiyak si Iza Calzado nang bigla siyang batiin at kantahan ng happy birthday sa virtual press conference ng bago niyang teleserye na Ang Sa Iyo Ay Akin kahapon, August 7.

Kasama sa mga kumanta ang co-stars niya sa teleserye na sina Jodi Sta. Maria, Sam Milby, at Maricel Soriano, mga director, production staff, at mga press na um-attend sa presscon.

Si Iza ay magdiriwang ng kanyang ika-38 na birthday sa Miyerkules, August 12.

Pagka-flash ng mukha ni Iza sa screen ay gulat ito at umiiyak sa sorpresa ng staff.

Nang magbigay naman siya ng maikling mensahe, nagpasalamat si Iza sa production staff at sinabing ito raw ang kanyang “most meaningful” birthday.

Sabi ni Iza, “Oh my God, thank you! Shocks, sorry, I was completely caught off-guard,

“Sorry, I don’t want to hijack this presscon, this is not about me.

“But then, this is probably the most meaningful birthday in my life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So thank you for being the first to sing ‘Happy Birthday’ to me. I’m really grateful to be alive.”

Iza Calzado cries

Habang nagpupunas ng luha ay tumawa at nagbiro na si Iza.

“Teka, bakit tayo umiiyak? Sabi ko nga, bawal iyakin, masaya lang tayo, guys! Buhay tayong lahat!”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang pinagdaanan ni Iza nitong nakaraang Marso habang kasagsagan ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Noong March 28, napabalitang nag-positive si Iza sa COVID-19.

Nauwi ito sa pneumonia, dahilan upang isugod sa ospital si Iza dahil sa pagbaba ng kanyang oxygen level.

Noong March 30, nag-negative na sa Iza, ayon sa kanyang test results.

Maayos na ring nakauwi si Iza at ilang buwan pagkalipas ng kanyang pinagdaanan, nakasama siya sa lock-in taping ng Ang Sa Iyo Ay Akin sa loob ng tatlong linggo.

HOT STORIES

IZA IS GRATEFUL TO BE ALIVE

Sa umpisa naman ng press conference ng Ang Sa Iyo Ay Akin, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Iza kung ano ang pakiramdam niya na maipapalabas na ang kanilang serye.

Dapat sana ay noong March 23, 2020 pa ipapalabas ang Ang Sa Iyo Ay Akin sa afternoon block ng ABS-CBN.

Subalit dahil sa pandemya at inilagay ang Metro Manila sa ECQ, natigil ang taping ng mga palabas at na-delay din ang launch ng mga bagong programa ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilang araw lang matapos madeklara ang ECQ, nag-positibo si Iza sa COVID-19.

Bukod pa rito, ipinatigil ang pagpapalabas ng ABS-CBN pagkatapos mapaso ang prangkisa nito noong May 4, 2020.

Pagkatapos ng dalawang buwan, noong July 10, 2020, hindi ipinagkaloob ng Committee on Legislative Franchises ang hinihiling na franchise renewal ng ABS-CBN.

Dahil dito, nagsara ang maraming kumpanya ng network at nagbawas ng libu-libong empleyado.

Sa August 17, 2020, matutuloy na ang pag-ere ng Ang Sa Iyo Ay Akin sa bagong platforms ng ABS-CBN: ang Kapamilya Channel sa cable at Kapamilya Online Live sa Facebook at Youtube.

Ayon kay Iza, malaki ang pasasalamat niya na matutuloy na ang pagpapalabas ng kanilang programa sa gitna ng mga pagsubok na pinagdaanan ng programa.

Sagot niya, “Ang hirap kasing i-answer lang ito without talking about what I personally went through, ano? It wasn’t just five months of just waiting for this and I think what everyone’s going through.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“But di ba, we were supposed to launch March. Nag-release na kami ng trailer and then nangyari lahat ito."

Sabi pa ni Iza, mas malaki ang pasasalamat niya dahil sa pag-attend niya ng media conference at nakakausap siya ng press, lalo na sa pinagdaanan niyang personal na pagsubok noong Marso.

Patuloy ni Iza, “I think, kung tinatanong mo ako kung anong pakiramdam ko na nangyayari na ito, sa totoo lang, napakagrateful ko.

"The fact na nag-uusap tayo ngayon, the fact na nandito pa ako ngayon, is something I am grateful for every day, apart for this show being given a green light.

“Parang ang daming pinagdaanan ng show, ang dami nating pinagdaanan lahat Pilipino, and personally, medyo mahirap hirap din iyong pinagdaanan ko earlier this year.”

Kuwento pa ni Iza, mixed emotions ang pakiramdam ng cast at staff lalo na’t sila ang unang teleseryeng ila-launch sa digital platform ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ng Kapamilya actress, “Kapag inisip talaga naming lahat, minsan, I think pinag-usapan namin sa town hall meeting namin sa show, within the cast, na parang we have been parang chosen by God to do this, parang ganun, e.

“Ganun yung pakiramdam ‘tapos kami pa yung una ngayon sa bagong platform natin.

“So I am beyond grateful, it’s a mixture of parang we went through so many challenges kaya siguro talagang ramdam na ramdam namin yung magandang feedback.

“Gaya ng sinabi kanina ni Jodi, ramdam na ramdam namin iyon and we are very excited na lahat ng pinaghirapan namin ay mapapanood niyo na.

“Iyon siguro pakiramdam ko ngayon. Sorry, kasi alam ko hindi naman siya tungkol sa nangyari sa akin pero kasi I cannot answer it without addressing that, too.

“Parang despite the challenges, tuloy ang laban!”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Iza Calzado cries after Ang Sa Iyo Ay Akin cast, staff, and media friends sing "Happy Birthday" to her. She says, "This is most probably the most meaningful birthday in my life."
PHOTO/S: Ang Sa Iyo Ay Akin mediacon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results