Kylie Padilla addresses negative impressions about her

by Bernie V. Franco
Aug 10, 2020
Kapuso actress Kylie Padilla says she has learned not to share everything about her personal life: "Pag sini-share mo lahat ng bagay, you’re giving people the right to judge you, and yun lang yung medyo iniiwasan, di ba."
PHOTO/S: Facebook (Kylie Padilla) /@kylienicolepadilla on Instagram

“I-judge niyo na ako.”

Ito ang pabirong bungad ni Kylie Padilla sa Facebook Live niya noong August 8, Sabado, kung saan isa-isang binasa at sinagot ng 27-anyos na aktres ang impresyon sa kanya ng netizens.

May nagsabing maldita at mataray siya. May nag-akusa rin sa kanya ng pagiging "irrelevant."

Sa pagiging maldita umano niya, paliwanag ni Kylie, “May moods po ako na maldita ako.

"Ang tao naman, may moods talaga. May mga pinagdadaanan, ganyan.

"Minsan wala kang tulog. Iniisip mo yung mga bayarin. Adulting na tayo."

Katwiran pa ng anak nina Robin Padilla at Liezl Sicangco, “Minsan, hindi talaga maiiwasan, maldita ka ngayong araw. Babae pa tayo, may mga time of the month.”

Marahil din daw kaya napagkakamalang maldita si Kylie dahil hindi siya expressive, kahit sa kanyang mga kaibigan.

“Yung mga friends ko, medyo hindi ako sanay kung tinatanong ako kung okay lang ako.”

Dati nang sinabi ng Encantadia actress na transparent siya sa kanyang nararamdaman.

Continue reading below ↓

“Kasi makikita agad kung ano ang nararamdaman. Hindi ako sanay talaga.

“Pag tinatanong ka, tatanungin ko ang sarili ko, ‘Kamusta ba ako?’

"Tapos, kapag may naramdaman ka na ayaw mo muna ipakita.

“Siyempre pag nakita ng friends mo, magwo-worry sila. Kaya ayokong ipinapakita sa kanila.

“Pag hina-hug ako, medyo naninigas ako, kasi nga ayokong biglang iiyak ako, magsi-share na naman ako, kasi lahat may problema.”

HOT STORIES

kylie: "Marami nang nagsasabi na mataray ako."

Itinanggi rin ni Kylie na mataray siya.

“Marami nang nagsasabi na mataray ako, pero hindi naman,” sabi niya.

Pero hindi rin daw niya masisisi kung ganito ang tingin sa kanya ng ibang tao. May mga pagkakataon daw kasing nami-misinterpret siya dahil sa pagiging protective niya sa kanyang mga anak.

Lahad ni Kylie, “Before nung pandemic kasi, pag kasama ko yung mga anak ko, lalo na si Alas, ‘tapos may magpapa-picture… hindi kasi siya artista, so ayoko.

“Pag hawak ko siya, may magpapa-picture, protective ano ko yun, sa anak ko...

Continue reading below ↓

“Siguro maraming nakapansin na hindi ako masyadong smiley pag ganun. Pero pinoprotektahan ko lang talaga yung anak ko.

“Sorry, guys, kasi hindi naman siya artista.

“Hindi po ako snubber, I’m just protecting my son.”

Dalawa ang anak ni Kylie sa asawang si Aljur Abrenica—si Alas Joaquin, 3-anyos; at Axl Romeo, walong buwan.

Paliwanag pa ni Kylie, protective siya sa kanyang pamilya dahil lumaki siya sa malaking pamilya mula sa showbiz.

“Lumaki kasi ako na artista yung tatay ko, marami akong nakakasama, gusto lang nila malaman yung mga nangyayari.

“So, siguro kasama na rin yun sa gusto ko lang i-keep yung ibang mga bagay.

“And marami ka nang sini-share pag arista ka, you really do share a lot about your life.

“Ine-expose mo yung sarili mo pag sini-share mo lahat ng bagay, you’re giving people the right to judge you.

"And yun lang yung medyo iniiwasan, di ba? Kasi, it takes a lot talaga.

Continue reading below ↓

"Kahit normal na tao na-bully online, mahirap yun. Nahihirapan ka paano ba ipa-process ‘yon.

“Ganun din pag artista, and then mama-magnify ka pa lalo.

"So, yun lang. Nag-iingat lang. “

Mula sa angkan ng mga Padilla, si Kylie ay ikatlong henerasyon na pumasok sa showbiz.

Ang kanyang lolo na si Roy Padilla at lola na si Eva Cariño ay dating mga artista; gayundin ang mga anak ng mga ito na sina Robin, Rommel, Rustom na ngayon ay si BB Gandanghari, at Royette.

Sa henerasyon naman ni Kylie, artista rin ang kanyang mga pinsang sina Daniel, RJ, at Bela Padilla.

Minsan na ring nag-showbiz ang nakatatandang kapatid ni Kylie na si Queenie Padilla, pero ngayon ay namumuhay sa ibang bansa at pinagtuunan ang sariling pamilya.

ON BEING "IRRELEVANT"

Nag-react din si Kylie sa impresyon ng isang netizen na noong una ay akala niya ay "irrelevant" ang aktres.

Ayon kay Kylie, bilang isang public figure, sinisikap niyang maging mabuting impluwensiya sa mga humahanga sa kanya.

Continue reading below ↓

“Gusto kong i-tackle ang isyu na ito, kasi bilang isang influencer and arista, minsan naiisip mo rin, naba-bother ka kung relevant ka pa.

“And medyo isa yun sa mga tinackle ko, mentally, na kung relevant pa ako, nakaka-depress naman kung hindi."

Taong 2018 inamin ni Kylie na nagkaroon siya ng postpartum depression.

Patuloy niya, “Kasi, it doesn’t matter if you’re relevant or not.

"What matters is the people who you influence. May nakukuha sila sa 'yo na maganda.

“Hindi lang yung nagpapa-cute ka lang sa Instagram.

“Ayaw mo yung maiinggit lang sila sa buhay mo. Ayaw mo ng ganun. Ako, ayoko personally.

“Gusto ko may nai-share ako, natutulungan ko sila. Nakikita ko naman sa mga pages ko, ganyan, nagagawa ko naman yun."

Sabi pa niya, “As a person, natutulungan din ako.

"Parang feeling ko, as an influencer, as someone that they can look up to, and may power ako to share something.”

Continue reading below ↓

"'Yonyung nakukuha ko naman sa gano’n.”

Bago pa man ang pandemic ay naka-break muna sa showbiz si Kylie pagkatapos niyang isilang ang pangalawang anak noong December 2019.

Ang kanyang pinakahuling proyekto ay ang Kapuso primetime series na TODA One I Love, kasama si Ruru Madrid, noong unang bahagi ng 2019.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Read More Stories About
Kylie Padilla, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Kylie Padilla says she has learned not to share everything about her personal life: "Pag sini-share mo lahat ng bagay, you’re giving people the right to judge you, and yun lang yung medyo iniiwasan, di ba."
PHOTO/S: Facebook (Kylie Padilla) /@kylienicolepadilla on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results