Julia Barretto on Joshua Garcia: "We were also friends before we became lovers."

by Rachelle Siazon
Aug 11, 2020
Julia Barretto on being on good terms with ex-boyfriend Joshua Garcia: "And I think being good friends and being at peace with each other is the reason why we're in a very good place right now."
PHOTO/S: @garciajoshuae Instagram

"We really chose to save the friendship."

Ito ang pahayag ni Julia Barretto, 23, tungkol sa maayos na relasyon nila ng ex-boyfriend na si Joshua Garcia, 22.

Bigo man sila sa pagiging magkasintahan, hindi raw nila hinayaang tuluyang masira ang kanilang pagkakaibigan.

"Kasi sayang, e. We had a lot of good memories together," sabi ni Julia.

Dugtong niya, "We were also friends before we became lovers.

"So we just wanted to go back to that and save the friendship."

Iyon daw ang naging pundasyon mula nang magsimula sila bilang love team hanggang sa maging totohanang sila.

Ang pagkakaibigan ding iyon ang naging daan para raw malampasan nila ang sakit ng kanilang hiwalayan noong mid-2019.

Ani Julia, "We were able to work at peace. We were able to come face to face at peace. Talk to each other at peace.

"Grateful ako kasi pina-mature talaga kami ng panahon ni Josh."

Sinabi ito ni Julia sa presscon nila ni Joshua para sa digital special na Love Unlock: E-numan, na ginanap nitong Martes ng hapon, August 11.

Continue reading below ↓


WALANG ILANGAN

Ayon kay Joshua, wala ring ilangan sa pagitan nila ni Julia.

"Parang wala naman. Simula nung naghiwalay kami... ang sama pakinggan nung naghiwalay...

"Hindi naman kami nawalan ng connection sa isa't isa. Parati namang nagkaka-text kami.

"Nagpunta pa ako sa bahay niyo before, di ba?" tanong ni Joshua kay Julia.

Continue reading below ↓

Sagot ni Julia, "Yeah, ilang beses."

Dagdag ni Joshua, "May mga times kaming ganun. Baka feeling lang ng mga tao kasi siyempre naghiwalay kami, pero wala naman po."

Idiniin din ni Julia na pareho sila ni Joshua na may effort para manatiling magkaibigan.

"It always takes two to tango. Hindi ko lang naman siya kagagawan. I think it's from both of our ends," sabi ni Julia.

Normal lang sa magkarelasyong naghiwalay ang magkaroon ng samaan ng loob, pero hindi na nila idinetalye kung anuman ang dahilan ng kanilang breakup.

Ang nasabi lang noon ni Julia ay mayroon silang mga isyu na hindi na nila kailangang isapubliko pa.

Siniguro naman ni Joshua na "mutual" ang desisyon nila ni Julia na maghiwalay.


Continue reading below ↓

ON JULIA UNFOLLOWING JOSHUA

Tinawanan naman ni Joshua ang pag-unfollow sa kanya ni Julia sa Instagram.

Mid-January 2020 nang maiulat ang biglaang pag-unfollow ni Julia kay Joshua at ilan pang mga kaibigan sa showbiz.

Hindi malinaw kung kailan in-unfollow ni Julia si Joshua sa Twitter, pero kagabi ay finollow na ulit ni Julia si Joshua roon.

Sabi ni Joshua ukol dito, "Pinag-usapan din natin 'yan before pa, e. Nagkatawanan tayo before sa eroplano.

"Parang second day na nun na in-unfollow niya ako. Pagkakita ko sa kanya, sabi ko, 'In-unfollow mo ako?' Pinagtawanan lang namin."

Pag-amin ni Julia, "Palagi niya ako tinutukso bakit ko daw siya in-unfollow."

Inasar naman ni Joshua si Julia dahil hindi pa rin daw siya pina-follow ng ex-girlfriend sa Instagram, pero tawa lang ang isinagot ni Julia.

Sa ngayon, ang mahalaga ay magkaibigan daw sila.

Ani Julia, "And we're both really at ease with each other. And nakakapag-asaran pa kami, like what we're doing right now. It's so nice to have that.

Continue reading below ↓

"And I think being good friends and being at peace with each other is the reason why we're in a very good place right now.

"We're really good friends."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto on being on good terms with ex-boyfriend Joshua Garcia: "And I think being good friends and being at peace with each other is the reason why we're in a very good place right now."
PHOTO/S: @garciajoshuae Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results