Watch Now

Julia Barretto, Joshua Garcia follow back each other on Twitter: What's up more than a year after their breakup?

by Rachelle Siazon
Aug 11, 2020
Julia Barretto and ex-boyfriend Joshua Garcia exchange tweets about unfollowing each other in the past. Are they ready to be good friends again?
PHOTO/S: @juliabarretto / @garciajoshuae Instagram

Kaya ba nina Julia Barretto at Joshua Garcia na maging magkaibigan sa kabila ng hiwalayan nila noong 2019?

Ngayong Lunes ng gabi, August 10, inanunsiyo ng dating magkasintahan na nagdesisyon silang i-follow muli ang isa't isa sa Twitter.

Unang nag-tweet si Julia ng "Cheers @joshuagarcia" kasama ng clinking beer mugs emoji.

Kaugnay ito ng pagsasamahan nilang digital project na Love Unlock sa Kapamilya Online Live.

Saka inanunsiyo ni Joshua na pina-follow na siya uli ni Julia sa Twitter.

"Cheers @barrettojulia! Thank you sa followback. HAHAH" tweet ni Joshua.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matatandaang noong January 2020 naiulat ang pag-unfollow sa Instagram ni Julia sa ex-boyfriend na si Joshua.

In-unfollow din noon ni Julia ang malapit niyang kaibigang si Janella Salvador.

Noong panahong iyon ay magkatambal sina Joshua at Janella sa ABS-CBN primetime series na The Killer Bride. Bukas din sila sa pagsasabing naging malapit silang magkaibigan habang ginagawa ang serye.

Hanggang sa habang isinusulat ang artikulong ito ay hindi naka-follow si Julia kina Joshua at Janella. Sina Joshua at Janella ay parehong naka-follow sa Instagram ni Julia.

May kasunod na tweet si Julia ukol sa pag-unfollow niya noon kay Joshua.

Ani Julia, "Sa IG follow back na din?"

Agad namang sumagot si Joshua.

Tweet ni Joshua kalakip ng happy smile emoji, "May pa-unfollow unfollow pa kasi. sige, papaburger ako."


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot uli ni Julia, "Wag ka abangers tonight, bukas na kita follow back."

HOT STORIES

REAL-LIFE SWEETHEARTS FOR TWO YEARS

Sina Joshua at Julia ay kilala sa tambalang JoshLia. Nagkaroon sila ng limang pelikula at isang teleserye sa ABS-CBN.

Naging magkasintahan sila noong April 3, 2017—o higit tatlong buwan makalipas ipalabas ang unang pelikula nilang Vince & Kath & James sa 2016 Metro Manila Film Festival.

Pero kahit halata ang pagtatangi nila sa isa't isa, matagal nilang iniwasang kumpirmahan na boyfriend-girlfriend na sila.

July 2018 nang madulas si Julia sa isang blogcon na sila ni Joshua ay maituturing na "normal couple."

Hanggang sa noong April 3, 2019, opisyal nilang inanunsiyo na "dalawang taon" na silang magkasintahan.

Pero lumalabas na noong buwang ding iyon ay naghiwalay sina Julia at Joshua.

Base sa timeline na sinabi noon ni Julia, "four months" na silang hiwalay ni Joshua noong August 2019.

Naiulat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), noong July 12, 2019, ang kumpirmasyon mula kay Joshua na "mutual" ang desisyon nila ni Julia na mag-break.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi nagdetalye si Joshua ng dahilan ng kanilang hiwalayan.

CONTROVERSY INVOLVING JULIA, JOSHUA, BEA, GERALD

Makalipas ang siyam na araw, noong July 21, 2019, pumutok ang kontrobersiyang naugnay si Julia sa hiwalayan ng magkasintahang Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Laman ng balita ang cryptic Instagram post ni Bea na nagpahiwatig ng pinagdadaanan niyang problema.

Nag-like si Joshua sa post ni Bea na iyon.

Noong araw ring iyon ay may cryptic post naman si Joshua, ang "I'm mute," sa kanyang Instagram Story.

Sinundan iyon ni Joshua ng isa pang Instagram Story na may screenshot ng magkayakap na couple mula sa Spanish television series na La Casa de Papel o Money Heist.

Sa subtitle nito ay makikita ang mga katagang "You will move on to someone better than me."

Noong June 23, 2019, naiulat sa PEP.ph, base sa impormasyon ng isang source ng Cabinet Files, na nagkausap sa telepono sina Gerald at ang ama ni Julia na si Dennis Padilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umamin umano si Gerald kay Dennis na hiwalay na sila ni Bea at nanliligaw daw ang binata kay Julia.

Pero sa panayam ng ABS-CBN News kay Bea noong July 27, 2019, sinabi ng aktres na wala silang pormal na hiwalayan ni Gerald, at bigla na lang daw siyang hindi kinausap ng nobyo.

Nanindigan naman si Gerald na walang kinalaman si Julia sa breakup nila ni Bea. Sadyang hindi na raw sila nagkasundo ni Bea dahil sa sunud-sunod nilang mga away.

Sumunod ding naghayag si Julia na walang katotohanan ang mga bintang na may kinalaman siya sa hiwalayan nina Bea at Gerald.

Mariin din niyang pinabulaanan ang alegasyong niloko niya ang ex-boyfriend na si Joshua.

"Wala akong inahas," sabi pa ni Julia sa hiwalay na panayam ni MJ Felipe ng ABS-CBN News noong August 22, 2019.

JOSHLIA WORKING TOGETHER AFTER BREAKUP

Sa isang ABS-CBN News interview noong August 1, 2019, umiwas magkomento si Joshua sa pagkakasangkot ng dating nobya sa hiwalayan nina Bea at Gerald.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tanging nasabi niya ay nasasaktan siya sa mga pinupukol na isyu kay Julia, pero naniniwala siyang malalampasan iyon ng dalaga.

Isinantabi ng dating couple ang anumang personal na isyu, at nakapag-perform pa sila nang magkahawak-kamay sa ASAP Natin ‘To Bay Area concert party, noong Agosto 3, 2019 sa San Jose, California.

Sa after-party, naiulat na ang kasama ni Joshua ay ang mga kaibigang sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Huling nagkatrabaho sina Joshua at Julia sa promo ng pelikula nilang Block Z na ipinalabas noong January 29, 2020.

Naisyu noong nagdeadmahan sila sa backstage ng isang promo event.

Pero sa isang blogcon, sinabi ni Joshua na hindi raw dapat bigyan ng "meaning" ang bawat kilos nila ni Julia.

Umapela naman si Julia na huwag na silang pag-awayin ni Joshua.

Sa panayam ng PEP.ph noong February 2020, sinabi ni Julia na hindi man sila magka-love team ni Joshua ay mananatiling "cheerleader" siya ng binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi ng pahayag ni Julia, "I'm very happy for him, I'm very happy as well, like me, na nakakapag-explore din siya at nakakapagtrabaho siya with different leading ladies."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto and ex-boyfriend Joshua Garcia exchange tweets about unfollowing each other in the past. Are they ready to be good friends again?
PHOTO/S: @juliabarretto / @garciajoshuae Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results