Hindi pinalampas ng Instagram followers ni KC Concepcion, 35, ang komento ng isang netizen na hindi nagustuhan ang larawang ipinost ng aktres.
Ngayong hapon ng Huwebes, August 13, ay ipinost ni KC ang isang larawan kung saan nakasuot siya ng skimpy swimsuit.
Nakatalikod si KC ngunit nakapaling ang kanyang mukha sa camera. Kita ang matambok na pisngi ng kanyang puwet.
Nakalagay sa caption, “If you can’t love yourself, how in the hell you gonna love somebody else?” said RuPaul.”
Si RuPaul ay sikat na American drag queen.
Isang netizen ang nagkomentong "laswa tingnan" ang larawan ni KC.
Sabi pa nito, "Respect to your self then you can get respect too from others."

Hindi ito sinagot ni KC. Sa halip ay ang iba niyang followers ang kumuyog sa netizen.
Para sa kanila, walang malaswa sa post ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.



SEXY, BEAUTIFUL, PERFECT
Napa-"wow" pa nga ang ilang nakakita sa post ni KC, kabilang na si Miss International 2016 Kylie Verzosa.

"Beautiful" naman ang comment dito ng dating aktres na si Krista Ranillo.

Marami rin ang nag-comment ng fire emojis, na ang ibig sabihin ay sobrang “hot” ni KC.




PROUD OF HER "LATINA CURVES"
Aminado si KC na noon ay apektado siya ng mga puna ng bashers sa kanyang pangangatawan.
Pero ngayon daw ay kumpiyansa na siya sa pagiging Pinay with "Latina curves."
Pahayag ni KC sa kanyang Instagram post noong August 4, “I used to get body-shamed when I went on my 3-year hiatus for not having that Asian, stick thin body… and many women like me get affected by this mentally, emotionally and physically.”
Pero nitong panahon ng pandemic, napagtanto raw ni KC kung gaano kahalagang ina-appreciate ng mga tao ang kanilang sarili.
Na-realize din daw ni KC na hinayaan niya ang sariling magdusa sa eating disorder gayong puwede naman siyang magbawas ng timbang sa tamang paraan.
Dagdag pa niya, “Why choose to lock myself up comparing myself to everyone else, when I could be dressing up for these fire feminine hips and that booty (that some girls even pay to have by the way)?"
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
