Vlogger-actor Emman Nimedez, 27, dies of cancer

Aug 16, 2020
YouTube vlogger Emman Nimedez passed away today, August 16, 2020, after a three-month battle with acute myeloid leukemia. He was 27 years old.
PHOTO/S: Emman Nimedez on Facebook

Pumanaw na ang YouTube content creator na si Emman Nimedez matapos ang tatlong buwang pakikipaglaban sa sakit na cancer.

Inanunsiyo ito ng kanyang girlfriend na si Peachy Santos nitong Linggo ng umaga, August 16, gamit ang Facebook account ng binata.

Malungkot na balita ni Peachy, "Our beloved Emman Nimedez joined our Creator at 1:00 a.m. today, August 16, 2020, Sunday.

"He was with his family during the time of his passing at St. Luke's Medical Center-Quezon City.

"Our family is thankful to everyone who offered prayers and showed support.

"Funeral details will be announced in the next days.

"We hope everyone will respect the family's privacy to mourn the passing of Emman. Thank you."

Continue reading below ↓

May 17 ng taong kasalukuyan nang aminin ni Emman na mayroon siyang acute myeloid leukemia o kanser sa bone marrow at blood cells.

Sa kanyang YouTube video, sinabi ng 27-year-old vlogger na bagamat ang sakit na ito ang "pinakamatinding laban" na kanyang haharapin, siya ay positibong mapagtatagumpayan niya ito.

"Hayaan niyo lang akong isama kayo dito sa laban na ito.

"Para maipakita na rin sa inyo na lahat ng ibabato sa ating hamon, lahat ng ibabato sa ating pagsubok, kakayanin, basta diretso lang ang tingin natin sa buhay at tsaka positibo tayo," saad ni Emman.

EMMAN'S LAST MOMENTS

Noong gabi ng August 14, Biyernes, nag-post si Peachy sa Facebook account ni Emman upang ipaalam na isinugod sa ospital ang binata matapos nitong mawalan ng malay.

"Nawalan po siya ng malay around 10pm, tinry ko po siyang gisingin pero 'di na po siya nagrerespond...

"Bago po siya pinasok sa ICU kausap po namin siya kasama ang Team Payaman at mahal niya sa buhay and alam kong naririnig niya iyon dahil tumatango po siya at nakahawak ng mahigpit sa kamay ko," lahad ni Peachy.

Continue reading below ↓

Dahil daw sa "kidney failure and blood compliacation" kaya nawalan ng malay si Emman.

Dagdag niya, "Ngayon po ay critical condition siya at unstable... Hindi pa namin siya nakausap since kagabi.

"Kitang kita ko na gusto niya po lumaban kasi every time na sinasabi ko 'lalaban tayo ha,' tatango siya.

"Hinahawakan niya iyong kamay ko nang mahigpit at alam ko na lalaban tayo na magkasama sa pagsubok na ito..."

Humingi rin si Peachy ng tulong pinansiyal para sa pagpapagamot ng nobyo.

Continue reading below ↓

YOUTUBER, ACTOR

Si Emman ay nag-aaral noon ng Broadcast Communication sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) nang sumikat siya bilang YouTuber.

Noon pang 2011 siya gumagawa ng videos, ngunit nakapukaw siya ng pansin noong 2017 dahil sa kanyang viral parody ng Korean hit series na Goblin.

Continue reading below ↓

Nagkaroon din si Emman ng ilang mainstream acting gigs, kabilang na ang pagganap bilang sarili sa ABS-CBN teen sitcom na Luv U at bilang Pippen sa iWant series na Jhon en Martian.

Nakasama rin ni Emman sina Maymay Entrata at Edward Barber sa 2017 film na Loving in Tandem, kung saan gumanap siya bilang si Teggy.

Mayroong 2.22 million subscribers sa YouTube si Emman.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
YouTube vlogger Emman Nimedez passed away today, August 16, 2020, after a three-month battle with acute myeloid leukemia. He was 27 years old.
PHOTO/S: Emman Nimedez on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results