Sa dami ng biyayang dumarating sa buhay ni Alden Richards, may hihilingin pa ba siya?
What if may kakayahan siyang bumalik sa nakaraan?
Ang sagot ng 28-year-old actor, “Siguro yung time lang na buhay yung mommy ko, kasi para at least makita niya kung paano ako lumaban sa buhay ngayon.
"Para makita niya yung mga pangarap niya para sa akin, finulfill ko unti-unti."

Ang ina ni Alden na si Rosario Faulkerson ang naging motivation ni Alden para pasukin ang mundo ng showbiz. "Super fan" daw ito.
Namatay si Rosario dahil sa pneumonia in 2008, and the year after her death, nag-audition ang noon ay 17 years old na si Alden sa Pinoy Big Brother at StarStruck. Hindi pinalad na makapasok si Alden sa dalawang reality shows.
Taong 2011 nang nabigyan siya ng break sa fantasy series na Alakdana, kung saan isa siya sa male leads.
Hindi walk in the park ang journey ni Alden sa showbiz, kaya very appreciative siya sa anumang tagumpay na tinatamasa niya ngayon.
“I'm very grateful for my 28 years of experience at kung ano yung mga binigay sa akin ng Diyos na challenges at victories kasi buo ako as a person, and panghahawakan ko yun until the day I die,” ang sabi ni Alden sa palitan ng message nito with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng private message sa Facebook nitong first week ng August.
Kung sakaling may kakayahan siyang palitan ang taong 2020, anong taon sa buhay niya ang gugustuhin niyang ipalit sa taong ito?
“Wala akong ipapalit,” saad ni Alden.
PANDEMIC BIDA
Recently, binansagan siyang King of Television.
Siya kasi ngayon ang masasabing pinaka-visible sa telebisyon.
Bukod sa mga regular shows niya sa GMA-7 tulad ng Eat Bulaga! at All-Out Sundays, ipinapalabas ding muli sa afternoon prime ang dati niyang serye na One True Love.
Paano ba niya nagagamit ang malaki niyang impluwensiya bilang artista?
“Mayroon laging pressure to say the right things."
Recently, kinuha siya bilang face of COVID-19 awareness campaign ng DOH (Department of Health).
Sabi ni Alden, “Especially now that we are part of this campaign of the government which aims to hype COVID-19 awareness by reminding the public to be careful amid the spread of the virus.
"We really just have to consistently send that message kasi consistency is key.
"Kailangan iisipin mo lagi yung mga taong makikinig sa iyo bago ka magsalita.
"At the end of the day, your priority must be the betterment of the general public that listens to the words that you say.”
Hindi lahat ng artista sa ngayon ay matapang na bumalik agad sa trabaho—mapa-taping o live show man ito.
Pero isa siya sa nag-resume agad at nagla-live rin araw-araw. Hindi ba siya natatakot na ma-expose at mahawahan ng virus?
“Ang motivation ko everyday is lagi kong iniisip na matatapos din ito, we will not live like this for the rest of our lives, and this will end soon,” lahad niya.
Ang sabi pa ng Kapuso leading man, “Hindi ito magtatagal, kailangan natin magtulungan bilang mga Pilipino.
"Ang priority natin is gumanda ulit yung buhay natin, bumalik tayo sa normal, and, at the same time, to be more generous with the knowledge that we have.”
