Thai transwoman billionaire posts intimate pictures with Clint Bondad

by Bernie V. Franco
Aug 19, 2020
Thai transwoman billionaire Anne Jakrajutatip swears that Clint Bondad is not a "hooker" and that he is a "contract artist" of her company in Thailand.
PHOTO/S: @annejkn.official on Instagram

Muling pumukaw ng atensiyon ang Thai transwoman billionaire na si Jakkaphong "Anne" Jakrajutatip dahil sa mga larawan nila ni Clint Bondad.

Si Anne ang chief executive officer ng JKN Global Media Public Company Limited, isang global content provider at channel operator ng iba't ibang TV series at movies.

Bahagi ng kanyang trabaho ay bilang distributor sa Thailand ng ilang mga teleserye mula sa GMA-7 at ABS-CBN.

Si Clint, Filipino-German model at part-time actor, ang ex-boyfriend ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Nitong Agosto, kapansin-pansing panay ang post ni Anne sa Instagram ng mga intriguing pictures nila ni Clint.

May mga kuha na makikitang "intimate" sila, gaya ng magkasama sila sa bathtub at isa pang litratong nakahiga naman sila sa kama.

Continue reading below ↓

Bunsod nito, hindi maiwasan ng maraming netizen na maintriga muli at magbigay ng iba't ibang reaksiyon.

Pero hindi rin maikakailang makahulugan ang mga caption ni Anne, na tila may dapat abangan sa kanila ni Clint, na minsan na niyang tinawag na "biz partner."

Ginamit niya ang mga salitang "Partners in Crime" at "New Production is coming soon."

"Hard Core Story from me and Santa," saad sa isang caption ni Anne, na ang tinutukoy na Santa ay si Clint.

Dagdag pa niya, "Stay Tune with the big surprise. My secret will spill over real soon."

Tila nagkaroon sila ng pictorial para rito.

Bahagi ng caption ni Anne sa isa pang larawan, kung saan tila binubulungan niya si Clint, ay "whisper from the witch behind the scene."

Ang mga post na ito ni Anne ay parang "teaser" para sa kung anumang nilulutong proyekto o produkto nila ni Clint.

"GOOD GIRLFRIEND" FOR CLINT

Noong July 23, 2020, sunud-sunod ang Instagram posts ni Anne na nagtatanggol kay Clint, na noo'y laman ng balita dahil sa cryptic, almost strange, posts nito sa social media.

Continue reading below ↓

Kasabay nito ang pang-iintriga ng netizens na may namamagitan kina Clint at Anne.

Pero muling iginiit ni Anne na kapatid lamang ang turing niya kay Clint, at ang totoo raw ay determinado siyang hanapan ito ng bagong girlfriend.

"I’m gonna find a good girlfriend for him!!!" bahagi ng July 23 post ni Anne.

Inulit ito ni Anne sa kanyang Instagram post noong July 24 (published as is): “I will find the new girlfriend for my brother, Clint I may as well have to spend more time with him as in the past three weeks I hardly talked to him due to my hectic schedule."

Paalala pa niya kay Clint: “Don’t find attention somewhere else, my dear. My family and I will be here for you now.

"Love you as always [kissing emojis] Biz partners, you don’t have to worry!!!”

Continue reading below ↓

Nabanggit ng Thai national na apektado raw si Clint ng mga naglutangang isyung pineperahan lang niya si Anne.

Dagdag pa rito ang dinanas na "Great Depression" ni Clint matapos ang breakup nito at ng noo'y girlfriend na si Catriona.

Bilang malapit kay Clint, hindi raw mapapalampas ni Anne ang malisyosong akusasyon laban sa model-actor.

"He used to express the personal sorrow to me once that lots of people think he is with me for money which is absolute NOT true.

"That incident plus the break up led him into the Great Depression since last year.

"So, today I don’t think that I should be quiet anymore. I’m the warrior who will fight against up the unfair comments!

"Please stop bullying other people or becoming so judgmental without knowing the fact. Your negative energy will destroy other innocent human beings!!!”

Hindi malinaw kung kinausap muli ni Anne si Clint hinggil sa pagiging aktibo pa rin ng binata sa pagbabahagi ng kakaibang posts sa social media.

Continue reading below ↓

Madalas din namang sumasagot si Clint sa kung anumang mensaheng nakukuha nito mula sa netizens.

Ang tanging sinabi ni Anne ay apektado siya kapag nababatikos si Clint.

Babala pa ni Anne sa bashers ni Clint: "The More you push someone up against the wall, the more aggressive he/she will fight back.

"Or someone who can’t fight might lose the control and get even more insane. Remember he had no one to rely on. He was alone in the Philippines.

"How would you feel if almost the whole nation criticized you, bombarded you and devalued you??? Remember that he had to fight alone. PLEASE STOP, everyone!!!! Enough!!!! Thank you!!!!"

Continue reading below ↓

ANNE SAYS CLINT IS "NOT A HOOKER"

May iba pang kritikong nagsabing "binabayaran" ni Anne si Clint kapalit umano ng ugnayan nila.

Pagtatanggol ng mayamang Thai transwoman, hindi "HOOKER" si Clint at kumikita ito bilang corporate talent ng kompanya ni Anne.

"He’s the great gentleman with life goals, NOT a HOOKER! Please respect both of us, brother sister.

"Clint has the job as a corporate talent to do here in Thailand. Plus, he’s doing his own business as a start up.

"He’s the smart man with dignity and I’m the CEO who prioritizes the value of the company’s outcome. Never the personal gain.”

Nauna nang napabalita na si Clint ay tumutuloy sa bahay ni Anne sa Thailand.

Isa ito sa dahilan kung bakit usap-usapan ng netizens kung higit sa pagkakaibigan ang relasyon ng dalawa.

Pero muling iginiit ni Anne na kapatid ang turing niya kay Clint, at nakatira raw ito sa isa sa walong bahay ng bilyonarya sa Thailand.

Continue reading below ↓

Sabi ni Anne: "I’m treating him as if my own sibling, but not spoiling, because we get along so well. I just feel that I want to groom him as he has human potential to grow."

ANNE SAYS CLINT IS A "SUPER STRAIGHT MAN"

Hindi rin nangimi si Anne na sagutin ang mga nagdududa sa sekswalidad ni Clint.

"Is he straight, gay, or bisexual???!!!!

"Jesus Christ, you guys don't even need to send me questions!!!! I don't give out media interview. Stop trying!!!"

"Clint is of course Super Straight Man.... TOO much Straight in fact!!!! He likes woman and yes I mean it."

Bagamat maituturing daw na babae si Anne na isang transwoman, iginiit nitong walang malisya sa turingan nila ni Clint.

Aniya, "But between us, we are in the relationship of being brother sister."

Halatang bilib si Anne sa potensiyal ni Clint sa kabila ng mga pagdududa kung "normal" ba ang model-actor.

Continue reading below ↓

Marami kasing netizens ang nagtataka kung bakit panay ang pagbahagi ni Clint ng "weird" at "creepy" posts sa social media.

Sabi naman ni Anne, kailangan lang ni Clint na may gagabay dito.

"Clint is not normal but genius in so many ways. I’m not giving a non sense compliment or being bias on what he’s capable of as I don’t need to."

Inisa-isa niya ang tingin niyang magandang katangian ng binata.

"He learns fast. He’s ambitious, creative and brilliantly talkative.

"He can entertain his audience super well and I’m sure that you guys are convinced.

“When I’m with him, I never see his charm but only his gift.

"He has an extremely interesting character which must be managed and then we will get one of the masterpiece artists in the world."

HOT STORIES

WORK-RELATED AGREEMENT WITH CLINT

Ayon pa kay Anne, noong November 2019 ay nagtungo si Clint sa Thailand bilang "corporate artist" ng kumpanyang pag-aari niya.

Continue reading below ↓

Hawak din daw ng Thai billionaire ang kontrata ni Clint sa GMA-7 na napaso na.

Lumalabas na talent ni Anne si Clint, na nakikitaan daw niya ng potensiyal umasenso.

Sabi ni Anne, "He stays in One of my eight (8) houses, not with me in the same house!!! Don’t get me wrong.

"I treat and honor him as if my own brother which means that he’s the VIP guest to our team."

Punto pa ni Anne, sa limang taong partnership niya sa GMA-7 at ABS-CBN, pinahahalagahan niya ang commitment sa mga naturang TV network.

Wala raw itong ipinagkaiba sa commitment niyang suportahan ang career ni Clint.

"Clint as well pursues his dream on having the business of his own with of course our support in term of facility and man power.

"I’m the CEO of the company who must take responsibility and would like to make this subject matter forward in the progressive way. Hope you guys understand now."

Continue reading below ↓

Paniwala raw ni Anne: "Never discourage anyone who continually makes the progress, no matter how slow!"

Kung ang long-term goal daw niya ay maging "Madam Prime Minister of Thailand," ang short-term goal niya ay siguruhing manumbalik ang sigla ni Clint sa trabaho nito.

Sinabi raw iyon ni Anne sa isang "press interview" sa kanya sa Thailand.

Aniya tungkol sa kanyang goals, "I answered without hesitation 'to make one of my artists Clint Bondad come back to earth and work on projects.'"

Tinanong din daw si Anne kung ano ang gagawin kapag hindi nakinig sa kanya si Clint.

Sagot daw ni Anne sa press, "I’m a tough female leader. Then, he has to leave the country and never come back then!"

Sa hiwalay na Instagram post ni Anne, inulit niyang kumbinsido siyang magiging matagumpay rin si Clint sa karera nito.

Pero hindi raw ibig sabihin ay walang hanggan ang pagtulong niya rito.

Continue reading below ↓

Paniniyak ni Anne, "My Brother Bear will be fine. If he’s not collaborating with me and doing what is right, there is always the start date and also the end of every contract.

"I’m a strong tough woman with logic."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Thai transwoman billionaire Anne Jakrajutatip swears that Clint Bondad is not a "hooker" and that he is a "contract artist" of her company in Thailand.
PHOTO/S: @annejkn.official on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results