“Sino ka ba? Kaibigan ka ba namin?"
Ito ang diretsahang tanong-sagot ni Angelica Panganiban sa isang netizen na nagpahiwatig na nais nitong sumama sa vacation escapade ng aktres at mga kaibigan nito.
Noong Lunes, August 24, nag-upload sa kanyang Instagram si Angelica ng larawan kasama ang dalawang kaibigan habang nakasakay sa isang tila bangka o yate.
Caption niya: “Kaligayahan”
Hindi tinukoy kung saang lugar at kung kailan kinunan ang larawan.
Ilang followers ng 33-year-old Kapamilya star ang nagkomento ng kanilang obserbasyon sa post ni Angelica.
Sabi ng isang babaeng nagkomento, “WOW NAGEENJOY KAYONG TATLO AH! ISALI NIYO NAMAN AKO JAN KUNG PWEDE.”
Mababanaag sa sagot ni Angelica na tila nairita siya sa “feeling close” na pagkakomento ng netizen.
Saad ni Angelica na tila may halong pang-uuyam, “Sino ka ba? Kaibigan ka ba namin?
“Bakit kasama ka? Please explain. FURTHER”

Hindi na sumagot dito ang netizen.
“NAKAKAINSULTO AT THE SAME TIME”
Isang lalaking follower ni Angelica naman ang pumuri sa “maliit” na mukha ng aktres.
Kaso, nagbiro itong baka “malalaki” lang talaga ang mukha ng kanyang mga kaibigan.
Tugon ni Angelica, “Nakakainsulto din at the same time.”

Humingi naman ng dispensa ang netizen.
Sabi nito, “sorry mam, joke lang po un. Cute nyo pong tatlo.”

Abala ngayon si Angelica sa Saging Beside You, ang online show nila ng mga dating kasamahan sa Banana Sundae.
Nagpaalam ang kanilang Sunday gag show nang hindi ibasura ng Kongreso ang prangkisa ng ABS-CBN.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
