Going strong ang relasyon ng Filipino-Spanish actor-chef na si Jose Sarasola, 34, at ng Japanese actress-entrepreneur na si Maria Ozawa, 33.
Kalagitnaan ng taong 2017, umamin ang dalawa na in a relationship na sila matapos ang halos isang taong getting-to-know-each-other stage.
Pero dahil sa COVID-19 pandemic, nakuntento muna ang magsing-irog sa pagkakaroon ng long-distance relationship o LDR.
“We’re good, we’re good," sabi ni Jose sa exclusive interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Miyerkules ng gabi, August 26.
“She’s in Japan right now. She has a bar kasi sa Shinjuku, so at least doon tuloy pa rin ang negosyo.
“Kasi ang mga lounges niya dito sa Manila, sarado pa rin, e. So, yun, nag-decide na umuwi muna siya.
"And at least, dun din yung parents niya sa Japan. And yun nga, at least may negosyo pa rin siya doon.
“So, yun nga lang, LDR talaga kami ngayon. Medyo mahirap pero, you know, it’s for the best din.”

MARIA'S PAST
Muli ring iginiit ni Jose na hindi isyu sa kanya ang dating trabaho ng nobya bilang adult film star.
“Hindi naman talaga isyu yung past kasi work naman yun,” pakli niya.
Ayon pa kay Jose, may mga “worst things in life” pang ginagawa ang ibang tao na dapat isaalang-alang sa pakikipagrelasyon.
Sabi niya, “May mga taong nakapatay ng tao... sorry, or sad to say, nang-rape. May nangloloko, do really bad criminal stuff.
“Ito naman, it’s just work.
"There are worst things in life na ginagawa ng mga tao compared dun sa past niya.
“Yun nga, as I said, hindi issue yung past sa akin as long as tanggap siya ng family ko, ng friends ko.”

Ayon pa sa bagong Kapuso star, ang importante sa kanya ay ang kabutihan ng loob ni Maria.
“And as I said, she’s down to earth, you know, she’s friendly. Wala siyang yabang, you know.
“Yun naman ang importante sa atin, e, kung sino yung tao sa loob, hindi naman kung sino yung sa labas or kung ano yung past niya.”
IS MARIA "THE ONE"?
Si Maria na ba ang “the one” para kay Jose?

Sagot niya, “Sa ngayon, wala pa sa mindset yung marriage namin, e.
“Parang, you know, we’re still enjoying the two of us, travelling, seeing the world.
“Well, not now, siyempre may pandemic.
“But, ayun, we’re still finding out new things about each other.
“Hopefully in the future, pero sa ngayon, wala pa talaga sa plans namin.
“And, yeah, let’s see how it goes.”

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
