Inamin na ni Enzo Pineda, 30, ang relasyon nila ng kapwa Kapamilya star na si Michelle Vito, 22.
Sa Instagram ngayong hapon ng Biyernes, August 28, isang makahulugang mensahe ang ibinahagi ng aktor para sa kanyang followers.
Sinamahan niya ito ng tatlong larawan nila ni Michelle na magkaakbay.
Sabi ni Enzo sa caption, “In this vast infinite universe that we are in, I’m blessed that I ended up in this interesting planet called earth & met you.
“Thank you for sunnier days and thank you for inspiring me to be a better man.”
Pinapahalagahan daw ng binata ang bawat sandaling magkakasama sila.
Umaasa rin daw si Enzo sa mga masasayang adventures na pagsasaluhan nila.
Dagdag pa ng aktor, “I treasure every moment with you and I’m excited for the adventures life has in store for us.”
THE BIRTHDAY MESSAGE
Nagsimula ang haka-haka ng netizens na may relasyon ang dalawa dahil sa “sweet” message ni Michelle sa ika-30 kaarawan ni Enzo noong August 12.
Nagkaroon ng selebrasyon si Enzo sa isang restaurant sa Marikina City, kung saan kasama niya ang dalaga.
Nag-post si Michelle sa kanyang Instagram ng larawang kuha sa selebrasyon.
Caption niya: “happy birthday my [heart emoji].”
Naka-tag dito si Enzo.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
Also, you can use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
