"Mr. Pastillas" aka Richard Parojinog—his father dies in detention

by Arniel C. Serato
Sep 7, 2020
Singer Richard Parojinog (right) on the passing of his father Ricardo "Ardot" Parojinog (left): “Sobrang sakit. Pero patuloy ang buhay.”
PHOTO/S: Courtesy: @chardparojinog on Instagram

Labis na nagdadalamhati ang singer na si Richard “Mr. Pastillas” Parojinog sa pagkamatay ng kanyang amang si Ricardo “Ardot” Parojinog.

Pumanaw ang ama ni Richard noong Biyernes, September 4.

Natagpuang wala nang buhay ang dating Ozamis City councilor at provincial board member sa kanyang detention cell sa Ozamiz City Police Station.

Sa Instagram kahapon, September 6, nag-post ng lumang larawan si Richard kasama ang ama.

Nakalagay sa kanyang caption, “I love you, board. I'll stay strong. REST EASY PAPA.”

Continue reading below ↓

Sa kanya namang Instagram Stories (IGS) noong Sabado, September 5, nagbahagi ng kaparehong larawan si Richard kasama ang namayapang ama.

Nilagyan niya ito ng caption na, “I love you board.”

Sa isa pa niyang IG Stories, sinabi ni Richard na labis ang sakit na idinulot ng pagpanaw ng ama, bagama't kailangan daw ipagpatuloy ang buhay.

Continue reading below ↓



THE PAROJINOGS

Ang pamilya ni Richard, ang mga Parojinog, ay kilalang political clan sa Misamis Occidental.

Noong Hulyo 2017, humingi ng katarungan si Richard para sa malagim na pagkamatay ng ilan niyang kamag-anak sa madugong police raids na isinagawa ng mga awtoridad sa Ozamiz City.

Labinlimang katao ang namatay sa nasabing police raid, kabilang na ang tiyuhin ni Richard na si dating Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr.

Continue reading below ↓

Napatay rin ang misis ni Mayor Parojinog na si Susan, at mga kapatid nitong sina Octavio Jr. at Mona Parojinog.

May mga nagsabing rubout ang nangyari.

Inaresto naman ang mga anak ni Mayor Parojinog na sina Vice Mayor Nova Princess Parojinog-Echavez at Reynaldo "Dodo" Parojinog Jr.

Noong panahong iyon, nakatakas sa pulisya ang ama ni Richard na si Ricardo, na kapatid ng napaslang na alkalde.

Ang pamilya Parojinog ay iniugnay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa illegal drug trade sa kanilang lugar.

Nasangkot din ang mag-amang Mayor Parojinog at Vice Mayor Nova sa graft charges.

Pero makailang ulit pinabulaanan noon ng pamilya Parojinog ang mga paratang laban sa kanila.

Nakilala ng publiko si Richard sa dating segment ng It's Showtime na "Nasaan Ka, Mr. Pastillas."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer Richard Parojinog (right) on the passing of his father Ricardo "Ardot" Parojinog (left): “Sobrang sakit. Pero patuloy ang buhay.”
PHOTO/S: Courtesy: @chardparojinog on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results