Bugoy Cariño reacts to vlogger's "this is so wrong" tweet about his relationship with EJ Laure

by Arniel C. Serato
Sep 7, 2020
Bugoy Cariño, 18, after admitting that he and volleyball star EJ Laure, 23, have a two-year-old baby: "Opo alam namin na may mali sa ginawa namen, pero para ijudge kami basta basta? Ibang usapan na po yun... hindi nyo po alam buong story namin."
PHOTO/S: Courtesy: @iambugoycarino03 on Instagram / Twitter

“At least ako kahit bata pa pinanindigan ko lahat ng responsibilidad ko at hindi ko po tinakbuhan.”

Ito ang sagot ng dating child star na si Bugoy Cariño sa “this is so wrong” tweet ng vlogger at influencer na si Angel Dei kahapon, September 6.

Sa kanyang Twitter account, ni-repost ni Angel ang dalawang lumang larawan ng totoy na totoy pa noong si Bugoy kasama ang dating miyembro ng UST volleyball team na si EJ Laure.

Mensahe ni Angel sa caption: “This is so wrong!!!! I can’t believe some people are defending this!!!”

Continue reading below ↓

Kumalat ang throwback photo na ito nina Bugoy at EJ matapos kumpirmahin ng dalawa ang matagal nang usap-usapang may anak sila.

Itinaon ng dalawa ang pag-amin nang tumuntong ng 18 anyos si Bugoy noong September 3.

Limang taon ang tanda ni EJ, 23, kay Bugoy.

Nag-react si Bugoy sa tweet ni Angel.

Sabi ng dating child actor sa kanyang tweet, alam nilang mali ang kanilang nagawa ngunit sana raw ay hindi sila husgahan kaagad.

Depensa ni Bugoy, kahit bata pa siya noong nabuntis niya si EJ ay hindi niya tinakasan ang kanyang responsibilidad.

Reaksiyon ni Bugoy sa tweet ni Angel: “O wag nyo daw idefend g na g si ate.

“Opo alam namin na may mali sa ginawa namen, pero para ijudge kami basta basta? Ibang usapan na po yun... hindi nyo po alam buong story namin.

“At least ako kahit bata pa pinanindigan ko lahat ng responsibilidad ko at hindi ko po tinakbuhan.”

Continue reading below ↓

Nag-trend sa Twitter sina Bugoy at EJ noong Biyernes, September 4, dahil sa pag-aming may anak na sila.

Dalawang taon ang pinalipas ng dalawa bago nila inilantad sa publiko ang matagal nang usap-usapang nabuntis ni Bugoy ang volleyball star noong 2018.

Ito rin ang napaulat na dahilan kung bakit nasuspinde si Bugoy, na miyembro ng all-male group na Hashtags, sa ABS-CBN noontime show na It's Showtime.

Continue reading below ↓

Noong panahong iyon ay 15 anyos lamang si Bugoy at 20 naman si EJ.

Dalawang taon na ngayon ang anak nilang babae na pinangalanan nilang Baby Scarlet.

“I DON’T CONDONE THE ACTION”

Nagpaliwanag naman ang vlogger na si Angel tungkol sa kanyang tweet.

Paglilinaw nito, hindi niya inaatake sina Bugoy at EJ. Pero naninindigan siyang mali ang ginawa ng dalawa at hindi raw ito dapat hayaan lamang.

Continue reading below ↓

Sabi ni Angel, “Guys let me clarify. I’m not attacking the person. The action is wrong and shouldn’t be tolerated. Dun lang tayo.

"I don’t have any hatred towards anyone. I’m not judging anyone. I [don't] condone the action but not the person. Let’s be clear with this."

Wala pang reaksiyon si EJ dito.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bugoy Cariño, 18, after admitting that he and volleyball star EJ Laure, 23, have a two-year-old baby: "Opo alam namin na may mali sa ginawa namen, pero para ijudge kami basta basta? Ibang usapan na po yun... hindi nyo po alam buong story namin."
PHOTO/S: Courtesy: @iambugoycarino03 on Instagram / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results