Leon Sumagui refutes "false accusations" of ex-partner Gladys Guevarra

by Arniel C. Serato
Sep 8, 2020
Leon Sumagui (left) on accusations of Gladys Guevarra (right): "Kung may atraso sa iyo ang isang tao, huwag niyo gamitin yung social media para ipahiya at yurakin ang pagkatao niya at kunin ang simpatiya ng nakararami... May batas tayo, magsampa kayo ng kaso o ipakulong niyo, upang hindi makapaminsala ulit at makamit niyo ang hustisya na nararapat sa inyo.”
PHOTO/S: Courtesy: LStyle Studios on YouTube / Gladys Chuchay Guevarra on Facebook

Ikinagulat ng ex-boyfriend ni Gladys Guevarra na si Leon Sumagui ang pagsisiwalat ng singer-comedienne sa social media ng tungkol sa “private matter” na namagitan sa kanila.

Noong September 2 ay umiiyak na humarap si Gladys sa Facebook Live upang sabihing itinakbo umano ni Leon ang perang ibinayad ng mga nag-order sa kanyang kakanin business.

Ngayong Martes, September 8, si Leon naman ang humarap sa publiko, sa pamamagitan ng kanyang YouTube account, upang pasinungalingan ang mga ibinibintang sa kanya ni Gladys.

Saad ni Leon: “Ang akin lang, wala naman akong gustong sabihin against her.

“Ever since, nagsimula ako sa pagsasayaw para matustusan yung pag-aaral ko sa college.

“Luckily, nagbukas yung pinto sa akin ng Sunday PinaSaya as social media producer, so dun kami nagkakilala ni Gladys.”

Ang Sunday PinaSaya ay ang defunct comedy-variety show ng GMA-7, kung saan isa sa mga mainstays si Gladys.

Ayon kay Leon, nagsimula ang relasyon nila ng comedienne sa pamamagitan ng paggawa ng vlogs. Siya ang naging videographer at editor ng mga videos ni Gladys.

Continue reading below ↓

Pasakalye niya, “So, ngayon, ang gusto ko i-discuss ay gusto ko i-defend ang sarili ko sa mga false accusations against me.”

GLADYS WAS ALLEGEDLY HOLDING A KNIFE

Sa kanyang Facebook Live noong nakaraang linggo, sinabi ni Gladys na nahirapan siyang kunin ang advance payments ng mga na-order na kakanin dahil sa pumasok ang mga ito sa bank account ni Leon.

Mariing itinanggi ni Leon na itinakbo niya ang pera. Hindi raw niya ginalaw ang ibinayad ng mga customer ng kakanin business ng singer-comedienne.

Aniya, “Simple lang naman po, kung may itinakbo man akong pera, tutal nakapaskil naman yung mukha ko sa social media…

"So, kung may itinakbo talaga akong pera, why not kasuhan na lang po ako? Or ipahuli na lang po ako sa pulis."

Madali lang naman daw itong gawin lalo na't may pamangkin na pulis si Gladys.

Hanggang ngayon daw ay nakakausap pa rin ni Leon ang pamangking ito ni Gladys.

Continue reading below ↓

Nagpaliwanag din si Leon tungkol sa paratang na matagal bago niya ibinalik ang perang naka-deposit sa kanyang account.

Lahad niya, “Nung September 2 na po yun, naglilipat na ako ng gamit. Kumbaga, nagsasakay ako ng gamit sa kotse ko.

"Habang ginagawa ko po yun, para makaalis lang po dun sa bahay na tinitirhan namin, kausap ko na po yung kuya niya para kay Kuya ko po ibibigay ang pera na mga ire-refund. Pati po yung sa auction."

Lumalabas sa salaysay ni Leon na may hawak na patalim ang comedienne habang nagtatalo sila noong September 2.

“Ang hirap po kasi kausapin ng tao na… hindi mo makakausap ang tao habang may hawak na kutsilyo, di ba?

“Sino ba naman ang gustong makipag-usap sa taong ganun?

“So, minabuti ko pong kausapin yung kapatid niya, saka yung pamangkin niya, regarding dun sa pera na matagal daw nabigay for refund.”

Ibinigay daw ni Leon sa kuya ni Gladys ang perang sinasabi ng comedienne na tinangay niya.

Continue reading below ↓

Saksi rin daw ang mga kakilala ni Leon, na naghahakot ng kanyang mga gamit, na may hawak na kutsilyo si Gladys habang nagwawala.

Kaya sa labas ng bahay na lang daw sila nag-usap dahil mismong ang mga kamag-anak ni Gladys ang nagsabing baka magwala pa itong lalo kung nasa loob sila.

Ini-slash din daw ni Gladys ang car seat ng kanyang sasakyan.

Daing pa ni Leon, kahit naibigay na niya ang pera ay hindi pa rin daw ibinibigay ni Gladys ang ibang mga gamit niya na nasa bahay na tinirhan nila.

OFFICE RANSACK?

Sa Facebook Live ni Gladys ay ipinakita niya ang kalat-kalat na gamit sa loob ng isang kuwarto na ginawa nilang opisina para sa kakanin business niya.

Ayon sa singer-comedienne, ginalugad daw ito ni Leon at may kinuha pang files sa computer.

Itinanggi ni Leon na ni-ransack niya ang mini-office sa bahay na pinagsamahan nila ni Gladys.

Saad niya: “Medyo mabigat yung paratang na yun, e, kasi yung place na yun is parang 'yon yung comfort zone ko na.

Continue reading below ↓

“So, lahat ng mga gamit ko, as in 90 percent ng gamit ko, nandun lahat sa office na yun.

“So, yung mga tinanggal ko sa office na yun, it belongs to me, gamit ko po lahat yun.”

Patungkol naman sa computer files, sinabi ni Leon na wala siyang kinuha roon. Baka lang daw may natanggal na wire, pero kapag naikabit nang tama ay gagana pa rin ito at maa-access ang mga files na nandun.

Ipinaliwanag din ni Leon kung bakit niya dinown ang order form sa mga ibinebentang kakanin ng dating karelasyon.

"Ang purpose ko po kasi is para hindi na po kayo mag-order or hindi na po kayo makapag-place ng order at hindi na mag-deposit sa account ko, para hindi na mag-appear.

“So, less hassle para mag-refund kami ng pera, yun po ang purpose nun."

Diin ni Leon, “Yung desktop na yun is working po yun.

“Hindi ko lang po alam kung may natanggal akong wire sa power para mag-on yun. Kasi nagmamadali ako that time.”

Continue reading below ↓

Ayon kay Leon, naibigay niya ang pera para sa September 3 orders noong September 1 pa lang. Alam daw kasi niyang gagamitin ito ni Gladys para pambili ng mga sangkap sa kanyang kakanin.

Pero sa Facebook Live ni Gladys, sinabi nitong hindi raw naibigay ang pera para sa September 3 orders.

Sabi naman ni Leon, “Remitted po siya nung September 1, hindi ko lang po alam kung bakit nawala daw po or itinakbo ko daw yung pera.”

DELIVERY FEE

Nagpaliwanag din si Leon kung bakit nagpapabayad siya sa kanyang pagde-deliver ng kakanin sa mga customer.

Sinabi kasi ni Gladys na noong nagsasama pa sila ay bawat kibot daw ni Leon ay may kasamang pera, na tila hindi ito kikilos kung walang prea.

Saad ni Leon, “Ang sa akin po, saan ko po kukunin yung hati ko sa renta kung wala akong source of income?

“Sa akin is okay lang naman na wala akong kita dun sa business namin kung yung profit nun, e, mapupunta lahat sa renta, sa kuryente, sa wifi, sa tubig.

Continue reading below ↓

“Kaya lang po, ang mahirap kasi minsan pag hindi ako nag-share, ang lalabas, e, palamunin ako, tamad ako, wala akong ginagawa.

“Ganun po kasi yung recent na mga away namin before this.

“So, sinabi ko na kailangan ko ng source of income.”

Pineperahan daw niya si Gladys?

Sagot ni Leon, “Paano ba? Hindi ko po masabi na ano, e, kasi ako yung nag-produce ng concert niya sa Zirkoh Tomas Morato.

“Yung Breakfree. 'Yan po. Flop po 'yan, sad to say, and nag-abono pa po ng P20K.

“I owned 2007 car Toyota Altis before na ibinenta ko para mabili yung iPhone 11 na gusto niya.

"And then, right now, pinilit ko makabili ng kotse na Mitsubishi Lancer, 1985.

“So, kayo na po magsabi kung namemera po ako.”

“MAHIRAP SIYANG MAHALIN”

Diin pa ni Leon, hindi siya masamang tao taliwas sa mga akusasyon ni Gladys.

“Hindi po kami tinuruan ng mga magulang namin na manloko ng tao.

Continue reading below ↓

“At hindi po nag-p*t* yung nanay ko para mapag-aral kami at mapalaki kami nang ganito.”

Pakiusap niya sa mga humuhusga sa kanya: “Kaya sana bago niyo ako murahin at alipustahin, alamin niyo muna kung ano yung buong istorya.

“Hindi po ako maarte. Lahat po ng ipinakita ko ay totoo lamang.

“Payo lang po para sa lahat... Kung may atraso sa iyo ang isang tao, huwag niyo gamitin yung social media para ipahiya at yurakin ang pagkatao niya at kunin ang simpatiya ng nakararami.

“May batas tayo, magsampa kayo ng kaso o ipakulong niyo, upang hindi makapaminsala ulit at makamit niyo ang hustisya na nararapat sa inyo.”

Ayon pa kay Leon, hindi niya gagamitin laban kay Gladys ang mga sinabi nito laban sa kanya.

Dahil, ani Leon, “Alam kong mabuti siyang tao, mahirap lang siyang mahalin.”

Nagpadala ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay Gladys sa pamamagitan ng Facebook messaging ukol sa mga inilahad ni Leon. Wala pa siyang sagot at press time.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Leon Sumagui (left) on accusations of Gladys Guevarra (right): "Kung may atraso sa iyo ang isang tao, huwag niyo gamitin yung social media para ipahiya at yurakin ang pagkatao niya at kunin ang simpatiya ng nakararami... May batas tayo, magsampa kayo ng kaso o ipakulong niyo, upang hindi makapaminsala ulit at makamit niyo ang hustisya na nararapat sa inyo.”
PHOTO/S: Courtesy: LStyle Studios on YouTube / Gladys Chuchay Guevarra on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results