Liza Soberano seeks #JusticeForJenniferLaude; Pia Wurtzbach insists #TransLivesMatter after Duterte pardons U.S. marine

by Jet Hitosis
Sep 8, 2020
Kapamilya star Liza Soberano (left) and Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach (right) are among the celebrities who denounce the absolute pardon that President Rodrigo Duterte has given to convicted murderer U.S. Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton (center). Pemberton admitted killing Filipino transgender woman Jennifer Laude in 2014.
PHOTO/S: @lizasoberano, @piawurtzbach on Instagram, Olongapo City Police Office

Ramdam ang galit at frustration nina Liza Soberano at Pia Wurtzbach matapos gawaran ng absolute pardon ang convicted killer na si U.S. Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

Nag-react sina Liza, 22, at Pia, 30, sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes ng gabi, September 7, na bigyan ng pardon at palayain na sa piitan si Pemberton.

Si Pemberton, 24, ang Amerikanong sundalo na umamin sa pagpatay sa Filipino transgender woman na si Jeffrey “Jennifer” Laude sa loob ng isang motel sa Olongapo City noong October 11, 2014.

Pinatay ni Pemberton sa sakal si Laude matapos malamang trans woman ito. Nang mawalan ng malay si Laude, kinaladkad ito ng Amerikano sa banyo 'tsaka isinubsob ang ulo nito sa toilet bowl.

Nitong September 1, inirekomenda ng Olongapo City court ang maagang pagpapalaya kay Pemberton dahil sa "good conduct" sa kulungan.

Kinuwestiyon ito ng pamilya Laude at ng mga kritiko dahil walang hawak na pruweba ang korte rito.

Continue reading below ↓

Sa paggawad ni Duterte ng pardon, sinabi niyang “hindi makatarungan” para kay Pemberton na nagmumukhang kuwestiyonable ang pagpapakabait nito bilang preso, dahil sa kapabayaan ng gobyerno.

Simula 2015, nakakulong si Pemberton sa custodial facility ng Camp Aguinaldo sa Quezon City, matapos mahatulan ng anim hanggang 10 taong pagkakakulong sa kasong homicide.

DUTERTE: PEMBERTON “NOT TREATED FAIRLY”

Pero sa kanyang taped public address nitong Lunes, sinabi ni Duterte na walang record ang Camp Aguinaldo sa buong limang taong nasa kustodiya nito si Pemberton.

Ayon sa Pangulo, entitled si Pemberton sa “good character presumption."

Pero dahil daw sa kawalan ng record ng Philippine Marines, na in-charge sa kustodiya ni Pemberton, wala raw naging documentation sa good conduct nito habang pinagsisilbihan ang sentensiya.

Sabi ng Pangulo tungkol kay Pemberton: "We should allow him the good character presumption, kasi wala namang nag-report na Marines na nagsabing nagwawala siya."

Ikinonsulta raw ni Duterte kina Executive Secretary Salvador Medialdea at Justice Secretary Menardo Guevarra ang desisyon niyang pagkalooban ng pardon si Pemberton.

Continue reading below ↓

“You have not treated Pemberton fairly,” sabi raw ni Duterte sa DOJ.

“So, i-release ko. Pardon. E, ang pardon, walang mga question 'yan,” dagdag ng Pangulo.

Base sa Section 19, Article VII ng Konstitusyon, isa sa mga eksklusibong kapangyarihan ng Pangulo ng bansa ang maggawad ng executive clemency o pardon sa mga bilanggo.

Sa bisa ng absolute pardon, ang Presidente ay "absolving a person from the punishment prescribed for the crime he has committed.”

HOT STORIES

“ANGRY” LIZA SOBERANO: “NAKAKAIYAK NA SA DISAPPOINTMENT”

Sa social media, pinangunahan nina Liza Soberano at Pia Wurtzbach ang maraming netizens sa pagkontra sa pagbibigay ng pardon kay Pemberton.

Pasado 8:00 ng gabi nitong Lunes, magkakasunod na nag-tweet si Liza ng “Nakakaiyak na sa disappointment," “#JusticeForJenniferLaude,” at “TransLivesMatter.”

Continue reading below ↓

Ngayong pinalaya na ang isang mamamatay-tao dahil sa “good conduct,” tama raw bang kalimutan na lang ang katotohanang pinatay nito si Laude?

Tweet ni Liza: “So a murder was just released for good conduct. Are we supposed to just forget that he killed Jennifer Laude because he’s done some good? #JusticeForJenniferLaude #TransLivesMatter.”

Continue reading below ↓

Nag-sorry pa ang young actress na nagkamaling “murder” ang naisulat niya sa tweet, gayung “murderer” ang gusto niyang sabihin.

Paliwanag ni Liza, “i’m so angry I don’t even read my tweets before tweeting.”

Continue reading below ↓

Sa sobrang galit nga ni Liza, hindi niya magawang banggitin si Pemberton sa sumunod niyang tweet.

Tanong ni Liza, kung para kay Duterte ay hindi patas ang naging trato ng gobyerno kay Pemberton, naging patas daw ba ang sundalo nang pinatay nito si Laude dahil lang sa pagiging trans woman nito?

“Another question, you think this murderer (im not even gonna say his name) wasn’t treated fairly but, was it fair that Jennifer Laude was murdered out of hate just because of her sexual orientation? #TransLivesMatter,” tweet pa ni Liza.

Continue reading below ↓

PIA WURTZBACH TRENDS #MASMARAMITAYO

May gigil din sa tweet ni Pia, pasado also dose ng madaling-araw ng Martes, September 8.

“I'll never get tired of saying this..,” tweet ni Pia, kalakip ang limang “#TransLivesMatter.”

Kilalang masugid na tagasuporta ng LGBTQ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer) community ang Miss Universe 2015 winner.

Continue reading below ↓

Sa isa pang tweet, sinabi ni Pia na “palala ng palala” ang mga balitang nababasa niya tungkol sa Pilipinas.

Nagbabakasyon ngayon sa Europe si Pia kasama ang boyfriend niyang si Jeremy Jauncey.

Dahil sa pagkadismaya sa latest development tungkol sa kaso ni Laude, hinikayat ni Pia ang netizens na gamitin ang kapangyarihang maghalal ng matitinong leaders ng bansa.

Dapat daw magrehistro ang lahat ng botante para masigurong makakaboto sa susunod na eleksiyon sa 2022, ayon kay Pia.

Continue reading below ↓

Nakatakdang maghalal ang mga Pinoy ng bagong pangulo ng bansa sa May 2022.

Sa mga sumunod na tweets ng Pinay Miss Universe, hinimok niya ang lahat na makibahagi sa voters’ registration, na nag-resume na nitong September 1.

Continue reading below ↓

Gumamit si Pia ng “#MasMaramiTayo” para kumbinsihin ang netizens na magsipagrehistro sa Commission on Elections (Comelec).

“Please mag register tayo ha?" tweet pa ni Pia.

Maghapong trending sa Twitter ngayong Martes ang hashtag na ito ni Pia.

DIREK ANDOY, ENCHONG, JANINE, BIANCA TWEET FOR LAUDE

Bukod kina Liza at Pia, mariin ding tinutulan ng iba pang celebrities ang pagbibigay ni Duterte ng pardon kay Pemberton.

Continue reading below ↓

Sa isang tweet ngayong Martes, diretsahang sinabi ng TV director na si Andoy Ranay na maling pinagbasehan ng Pangulo ang fair treatment kay Pemberton sa desisyon nitong bigyan ng pardon ang U.S. marine.

“Si Jennifer Laude ba was treated fairly by Pemberton?!” tweet ni Direk Andoy, gamit ang #JusticeForJenniferLaude, #TransLivesMatter,” at #OUSTDUTERTENOW.

Continue reading below ↓

Para sa actor-model at kilalang kritiko ng administrasyon na si Enchong Dee, 31, hanggang nasa puwesto raw si Duterte ay “we will continue to see outrageous and unconstitutional decisions.”

Tulad ng pagpapatawad ng gobyerno sa Amerikano na pumatay sa isang Pilipinong walang kalaban-laban.

Ang Kapuso actress na si Janine Gutierrez, 30, nag-tweet ng art card na nasusulatan ng “protect trans lives.”

Continue reading below ↓

Nakisimpatya naman ang Kapamilya TV host na si Bianca Gonzalez, 37, sa pamilya ni Laude ngayong lalaya na sa kulungan ang taong pumatay sa kanilang mahal sa buhay.

Continue reading below ↓

ANOTHER INJUSTICE AGAINST JENNIFER

Mariing kinondena ng pamilya Laude ang pagpapalaya ni Pangulong Duterte sa Amerikanong pumatay kay Jennifer.

Sa official statement ni Atty. Virginia Lacsa-Suarez, legal counsel ng pamilya Laude, sinabi nitong ang pardon na ibinigay kay Pemberton ay hindi lang panibagong injustice kay Jennifer at sa pamilya nito, kundi “grave injustice to the Filipino people.”

Isa raw itong “travesty of Philippine sovereignty and democracy” at “mockery of our judiciary and legal system," ani Suarez.

Napaulat na nitong August 25 lang natanggap ng pamilya Laude ang PHP4.5 million civil damages mula sa kampo ni Pemberton.

Iyon ay kahit December 2015 pa ipinag-utos ng korte na bayaran ni Pemberton ang nabanggit na halaga bilang danyos sa pamilya ni Jennifer.

PEMBERTON IS “VERY HAPPY”

Sa interview ng ANC ngayong Martes kay Atty. Rowena Garcia-Flores, abogado ni Pemberton, sinabi ni Flores na “very happy” ang sundalo nang marinig ang balita.

Paglilinaw ni Flores, hindi sila nag-apply ng pardon para kay Pemberton kaya nagulat sila nang ianunsiyo ito mismo ni Duterte nitong Lunes ng gabi.

Continue reading below ↓

Wala rin daw alam si Flores kung may negosasyon sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Amerika tungkol sa pagpapalaya sa kanyang kliyente.

Pagbabalita ni Flores, posibleng mapalaya na si Pemberton sa Biyernes, September 11.

Plano raw ni Pemberton mag-working student pagbalik nito sa Amerika, ayon kay Flores.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya star Liza Soberano (left) and Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach (right) are among the celebrities who denounce the absolute pardon that President Rodrigo Duterte has given to convicted murderer U.S. Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton (center). Pemberton admitted killing Filipino transgender woman Jennifer Laude in 2014.
PHOTO/S: @lizasoberano, @piawurtzbach on Instagram, Olongapo City Police Office
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results