Regine Velasquez recalls argument with husband Ogie Alcasid after she got stuck in home elevator: “Di ako hinanap.”

by Jet Hitosis
Sep 15, 2020
Regine Velasquez
In between laughs, singer-actress Regine Velasquez narrates how she got stuck in their home elevator on April 22, 2020 after turning on the UV light sanitizer: “Nakulong ako sa elevator… on my birthday. Dito sa bahay.”
PHOTO/S: @reginevalcasid on Instagram

Tatlumpung minutong “nakulong” sa elevator sa loob ng kanilang bahay ang singer-actress na si Regine Velasquez.

Nangyari ang insidente nito lang April 22, 2020, na nataong 50th birthday pa naman ng Asia’s Songbird.

Natatawang ikinuwento ito ni Regine nang mag-guest siya sa Facebook Live nina Dr. Vicki Belo at Hayden Kho Jr. nitong September 10.

Kasama ni Regine ang asawang singer-songwriter na si Ogie Alcasid, 53.

Ayon kay Ogie, ang insidenteng iyon ang dahilan ng kaisa-isang beses na nag-away sila ni Regine habang naka-quarantine.

“This whole lockdown parang one time lang kami nag-away talaga,” sabi ni Ogie.

Singit ni Regine, iyon din daw ang unang beses na pinagtaasan siya ng boses ni Ogie sa loob ng halos sampung taong pagsasama nila.

December 22, 2010 nang ikinasal sina Ogie at Regine. Ipagdiriwang nila ang kanilang 10th wedding anniversary ngayong taon.

November 8, 2011 naman nang isinilang ni Regine ang anak nilang si Nate, na ngayon ay eight years old na.

Continue reading below ↓

ZERO FIGHTS DURING QUARANTINE

Kuwento ni Regine tungkol kay Ogie: “First time niya akong napagtaasan ng boses after ten years! Isang beses lang.

"'Tapos sabi ko sa kanya, ‘Akala ko ba sabi mo sa akin na hindi mo ako aawayin?’” natatawang patuloy ni Regine.

Paliwanag ni Regine, nang magpatupad ng enforced quarantine ang gobyerno noong March 17 ay nangako raw sila ni Ogie sa isa’t isa na hindi mag-aaway, lalo na dahil 24 oras silang magkasama araw-araw.

Dapat daw ay hindi sila gagawa ng anumang bagay na maaaring pagmulan ng kanilang pagtatalo o tampuhan, ayon kay Regine.

Continue reading below ↓

Hanggang sa nangyari ang insidente sa elevator, na naka-install sa loob ng kanilang three-story house.

Tumatawang kuwento ni Regine: “Nakulong ako sa elevator… on my birthday. Dito sa bahay.”

Reklamo ni Regine laban kay Ogie: “'Tapos hindi ako hinanap.”

BLAME THE UV LIGHT SANITIZER

Pag-amin ni Regine, dala na rin ng pagkataranta—at stress na dulot ng COVID-19 pandemic—nagalit daw siya kay Ogie noon.

“Parang alam ko naman na hindi niya kasalanan, but I just needed to blame someone, and I just blamed him,” anang singer.

Aminado si Regine na siya ang dapat sisihin sa nangyari.

Nawala raw sa isip ni Regine na bago pumasok sa elevator ay nai-on niya ang home UV (ultraviolet) light sanitizer upang i-disinfect ang kanilang hagdanan.

Kapag naka-on ang UV light sanitizer ay awtomatikong nagla-lock ang elevator para matiyak na walang lalabas dito at mae-expose sa UV light.

Ayon sa webmd.com, bagamat napatunayang mabisa ang UV light sa pagpuksa sa germs at viruses, tulad ng coronavirus, delikado namang malantad dito ang tao.

Continue reading below ↓

Maaari raw kasi itong makasira ng DNA, makapinsala sa cornea ng mga mata, at magdulot ng cancer sa mga direktang tatamaan ng ilaw nito, ayon pa rin sa webmd.com.

“I OPENED IT MYSELF… NAKAWALA AKO SA ELEVATOR”

Sinabi ni Regine na 30 minuto siyang nanatili sa loob ng elevator hanggang sa mabuksan niya ito.

“I opened it myself!” tawa nang tawang kuwento ni Regine. “Nakawala ako sa elevator, mag-isa ako.”

Depensa naman ni Ogie, nasa itaas siya ng bahay nang mangyari ang insidente.

Kasama raw noon ni Ogie si Nate, dahil kailangan nang matulog ng bata.

Sabi ni Ogie: “I was reading a book and Nate was saying, ‘I think I can hear Mom. I think Mom’s screaming.’”

Gayunman, dahil sa naka-on na UV light sanitizer, imposibleng makababa si Ogie sa hagdanan para masaklolohan ang misis.

Kaya sumigaw na lang daw si Ogie mula sa itaas ng bahay: “Hon! Anong nangyayari diyan?!”

Continue reading below ↓

“STRESSED OUT” WITH THE PANDEMIC

Para kay Ogie, naniniwala siyang prinotektahan ng Diyos si Regine kaya na-trap ito sa elevator.

Buti na lang daw at hindi nakalabas si Regine sa elevator, kaya nailigtas ito sa posibleng kapahamakang dulot ng UV light.

“Ako, feeling ko God also was protecting her because the UV light was on,” seryosong sabi ni Ogie.

Continue reading below ↓

Sa panig naman ni Regine, naiintindihan daw niya kung bakit nagalit sa kanya ang mister at nagawa nitong pagtaasan siya ng boses.

“He got mad at me because he was frustrated. It wasn’t really his fault,” ani Regine.

Ayon kay Regine, mahigit isang buwan na silang naka-quarantine noon. Aminado siyang malaki ang posibilidad na kapwa na sila “stressed out” noon sa mga nangyayari.

Continue reading below ↓

Dahil daw dun, parehong maiksi ang pasensiya nila ni Ogie sa isa’t isa, sabi ni Regine.

Paglilinaw ng Asia’s Songbird, kaagad din naman silang nagkaayos ng asawa.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In between laughs, singer-actress Regine Velasquez narrates how she got stuck in their home elevator on April 22, 2020 after turning on the UV light sanitizer: “Nakulong ako sa elevator… on my birthday. Dito sa bahay.”
PHOTO/S: @reginevalcasid on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results