“Be mindful with your words everyone.”
Ito ang paalala ng 16-year-old actress na si Xyriel Manabat sa mga bashers na nagkokomento ng malalaswang salita laban sa kanya.
Sa Instagram kahapon, September 22, nag-post ang dating child star ng tatlong larawan kung saan ipinu-promote niya ang isang clothing brand.
Bahagi ng kanyang caption, “There’s nothing wrong with WHAT WE WEAR. Lalong walang samthin wrong sa wacky ko.”
Isang netizen ang bumatikos sa kanya base sa mga nasabing larawan.
Ayon sa basher, sana raw ay hindi masyadong i-display ni Xyriel ang kanyang hinaharap. Ang bata pa raw kasi niya para "maging boldstar."
Kalmadong tumugon si Xyriel sa bastos na komento ng netizen na babae pa man din.
Aniya, “God bless ate ‘simulat sapol’ din po hindi ako sinabihan ng mga magulang ko na gusto ko mag-boldstar.
“God bless po, be mindful with your words everyone. Let us not use any bad words to lecture someone.
“God bless po ate, praying for you po, keep safe po.”

Kung si Xyriel ay naging mahinahon, hindi naman nagpaawat ang ilan sa kanyang followers sa pagbuwelta sa basher.
Hindi ito ang unang pagkakataon na sumagot si Xyriel sa mga bastos na komento sa kanyang Instagram feed.
Noong September 20 lamang, pinalagan ni Xyriel ang pag-o-objectify sa kanya ng ilang netizens dahil sa viral photo niya.
Pahayag niya, “Actually po, hindi po ako... hindi naman po ako napa-flatter sa ibang comments, kasi yung iba po, below the belt.
“And sana po, alam nila at aware po yung mga tao na sexual harassment is never, never okay. Hindi po siya fine.”
“STOP VICTIM BLAMING”
Inalmahan din ni Xyriel ang isa pang nagkomento sa kanyang latest post kung saan parang siya pa ang sinisisi nito sa mga hindi kaaya-ayang komento ng netizens.
Sabi ng isang basher, “kya nmn pla nbabastos kc nmn show off nya pa b**bs nya sa mga pix nyaaaaa.”
Mahinahon man, pinangaralan pa rin ni Xyriel ang basher na isa ring babae.
Saad niya, “Kaya po pala may mga nambabastos, may mga nangungunsinti po na ang biktima ang mag-aadjust, hindi ang utak manyak ng mga bastos.”
Nakiusap naman siyang tigilan na ang paninisi sa mga biktima.
Sabi ni Xyriel, “God bless po praying for you to be enlightened po and stop victim blaming po.
“God bless po hope you never experience any of sexualizing and sexual harassment.
“Praying for you po.”

Nasilayan ng marami ang paglaki ni Xyriel sa telebisyon dahil limang taong gulang lamang siya nang sumali sa talent search ng ABS-CBN, ang Star Circle Quest: Search For The Next Kiddie Idol, noong 2009.
Pagkatapos niyang maging runner-up sa patimpalak ay kinuha siya ng ABS-CBN.
Naging household name siya dahil sa kanyang pagganap sa title role na Momay noong 2010.
Ilan pa sa mga ginawa niyang proyekto sa Kapamilya network bilang child star ay ang May Bukas Pa (2009), Agua Bendita (2010), Noah (2010), 100 Days To Heaven (2011), Ikaw Ay Pag-ibig (2011), Juan dela Cruz (2013), Hawak-Kamay (2014), at Nathaniel (2015).
Huli siyang napanood bilang young Lily (Maja Salvador) sa teleseryeng Wildflower.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
