Hindi napigilan ng transwoman impersonator na si Kaladkaren—Jervi Li sa tunay na buhay—na sagutin ang isang netizen na pumuna sa kanyang hinaharap.
Sa private message ng netizen, pinulaan nito si Kaladkaren dahil lagi raw nitong dini-display ang kanyang dibdib kapag nagwu-workout.
Buong mensahe ng netizen, “Always displaying boobs when working out.”
Sinagot naman ito ni Kaladkaren.
Sabi niya, “Hi, thank you for noticing. I would just like to remind you that my b**bs are none of your business.
“Also, I will wear whatever I want to wear.
“I will be WHO I AM even if it makes others uncomfortable.”
Ini-screenshot ni Kaladkaren ang kanilang usapan.
Ipinost niya ito sa Twitter at nilagyan ng caption na: “Ano ba dapat ang suot kapag nagwo-work out? And inaano ba siya ng boobelya ko? #patol”
“NAGPANTING ANG EARS KO”
Nakakuha naman ng suporta si Kaladkaren mula sa kapwa impersonator na si Macoy Dubs, mas kilala sa kanyang Auntie Julie character sa social media.
Saad ni Macoy, “These people Maumsh nakakaloka. You are you and wag papaapekto. Love you!"
Tugon ni Kaladkaren, “Yes, auntie! Nagpanting ang ears ko eh... Tsaka para alam lang niya!”
Sa kabilang banda, dapat lang na maging masaya si Kaladkaren dahil blooming na blooming ang kanyang love life.
Nito lamang September 9, inanunsiyo ni Kaladkaren sa Instagram ang engagement nila ng kanyang British boyfriend na si Luke Wrightson.
Ayon pa sa kanyang post, “The man of my dreams asked me to marry him… in our own little balcony.
"It’s OFFICIAL! May… Nagkatuluyan! #Engaged #LoveWins #TransLOVEmatters”
Nakilala si Kaladkaren dahil sa kanyang pag-i-impersonate sa ABS-CBN broadcaster na si Karen Davila.
Naging segment host din siya ng ilang ABS-CBN programs, kabilang ang early morning show na Umagang Kay Ganda.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
