Alex Gonzaga says Mikee Morada never tolerates her mistakes: "Lagi niya akong hindi kinakampihan."

by Rachelle Siazon
Oct 3, 2020
Mikee Morada on fiancée Alex Gonzaga: "Yung pagiging bunso niya na personality, nag-jive siya sa pagiging panganay ko, dahil yung language of love ko automatic kasi yung pag-alaga, e.Kumbaga, dun ako masaya."
PHOTO/S: @cathygonzaga Instagram

Naniniwala si Alex Gonzaga na malaking bahagi ang fiancé niyang si Mikee Morada sa pagtuklas niya ng "better version" ng sarili.

Sa loob ng apat na taon nilang relasyon, pinaprangka raw siya ni Mikee kapag nakikita nitong mayroon siyang pagkakamali.

Si Alex ay kilalang actress/TV host/Youtuber, habang si Mikee ay konsehal sa Lipa, Batangas.

"Nung mga unang dating namin, siyempre meron akong palpak-palpak na ginagawa. Iuupo niya ako," ani Alex.

Magkasama sina Alex at Mikee na nakapanayam ni Toni Gonzaga, nakatatandang ate ni Alex, sa Kapamilya online show na I Feel U.

Sasabihin daw ni Mikee, "Halika dito, may sasabihin ako sa iyo. Hindi maganda yang ginagawa mo. Hindi ako matutuwa diyan in the long run. Gusto mo ba yun? Baguhin mo iyan."

Sagot daw ni Alex, "Ayaw ko mawala ka."

Pakiramdam daw ni Alex ay "extension" si Mikee ng mga magulang niya at ng nakatatandang kapatid na si Toni Gonzaga.

Continue reading below ↓

Kapag nagsusumbong si Alex na napagalitan siya ni Toni o kaya ng mga magulang na sina Pinty at Bonoy, hindi raw basta na lang sasang-ayon si Mikee sa kung anumang sama ng loob niya.

Sa halip ay ipaliliwanag daw ni Mikee kung ano ang pinanggagalingan ng sermon kay Alex.

"Si Mikee, kapag nagkukwento ako sa kanya, pag buwisit ako, naglalabas ako ng sama ng loob, lagi niya akong hindi kinakampihan.

"So, minsan naiinis din ako sa kanya.

"So, bibinigyan niya ako ng perspective ng panganay. Ako naman binibigyan ko siya ng perspective ng bunso."

BEING UPFRONT with EACH OTHER

Napagtanto raw ni Alex na ang pagiging tapat nila ni Mikee sa isa't isa ang nagpatibay sa kanilang relasyon.

Minsan ay diniretso raw ni Alex si Mikee, "Baka di ka tumagal sa akin kasi ganito ugali ko."

Naikukuwento raw kasi ni Alex ang mga narasanan niya sa dating mga manliligaw.

Pero sabi raw ni Mikee kay Alex, "Alam mo, napansin ko lang sa mga kuwento mo, yung iba hindi nila sinasabi sa iyo yung mali mo or yung kailangan mo baguhin.

Continue reading below ↓

"Kaya bigla na lang sila magi-give up kasi, 'Ay, parang hindi ko pala kaya.'

"Ako, sasabihin ko sa iyo upfront na hindi ko gusto iyang ganyang ugali mo."

Pinaprangka rin naman daw ni Alex si Mikee sa mga bagay na hindi naman niya gusto rito.

"Sabihin ko, 'Ganun? Di ko rin gusto ito...' Siyempre batuhan din kami," ani Alex.

ALEX AND MIKEE'S LOVE LANGUAGE

Ayon kay Mikee, nagswak talaga sila ni Alex kahit na magkaiba ang kanilang personalidad.

"Yung pagiging bunso niya na personality, nag-jive siya sa pagiging panganay ko, dahil yung language of love ko automatic kasi yung pag-alaga, e.

"Kumbaga, dun ako masaya. Sa kanya naman, yun ang hinahanap niya—naalagaan kasi bunso."

Hindi rin daw naging hadlang para kay Mikee ang pagiging istrikto ng mga magulang ni Alex.

Sinisiguro raw niyang bago pa ang 12 midnight curfew ni Alex, hinahatid na niya ito sa bahay ng 11:45 p.m. para hindi ito mapagalitan.

Continue reading below ↓

Paliwanag ni Mikee, "Yung family mo and family namin, pareho lang.

"Kahit lalaki ako, growing up may curfew ako, pinapagalitan ako.

"So very traditional din yung family namin kaya hindi masyadong mahirap na maintindihan."

Sa October 31 ang fourth anniversary nila bilang magkasintahan.

Na-engage sila noong December 2019 habang nagbabakasyon sila sa Hong Kong.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mikee Morada on fiancée Alex Gonzaga: "Yung pagiging bunso niya na personality, nag-jive siya sa pagiging panganay ko, dahil yung language of love ko automatic kasi yung pag-alaga, e.Kumbaga, dun ako masaya."
PHOTO/S: @cathygonzaga Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results