Rosanna Roces finally ends rift with son Onyok after seven years

by Bernie V. Franco
Oct 5, 2020
Actress Rosanna (right) posts photo with son Onyok Adriano that indicates they have reconciled after seven-year gap. (Left photo) Osang with son Onyok.
PHOTO/S: Facebook (Jennifer Cruz Adriano)

Pagkatapos ng pitong taong hidwaan, nagkabati na ang mag-inang Rosanna Roces at Onyok Adriano.

Base ito sa larawang ipinost ng 48 anyos na aktres sa kanyang Facebook page na taglay ang kanyang tunay na pangalan, Jennifer Cruz Adriano.

Ipinost ni Rosanna ang mga larawan nilang mag-ina noong Linggo, October 4.

Makahulugang caption niya: “Tapos ang kwento !!”

Continue reading below ↓

Bumati naman ang mga kaibigan ni Rosanna sa pagkakaayos nilang mag-ina.

Sa comments section, nagkomento ang kapwa niya former sexy stars na sina Katrina Paula at Rita Magdalena, gayundin ang ilang entertainment writers na kaibigan ng aktres.

Sabi naman ng isang netizen, inasam niyang magkabati sina Rosanna at Onyok “in God’s time.” Sinang-ayunan naman ito ng aktres.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

ONYOK SAYS HE WENT THROUGH CHALLENGES IN RECENT MONTHS

Samantala, sa Facebook page ni Onyok noong Agosto, matutukoy na hindi rin biro ang kanyang pinagdaanan ngayong panahon ng pandemya.

Ipinagdiwang ni Onyok ang kanyang ika-30 kaarawan noong Agosto.

Sabi ni Onyok, nagsisimula siya muling bumangon mula sa mga pinagdaanan, kagaya ng kawalan ng trabaho at pagkakaroon ng depresyon.

Continue reading below ↓

Nagpahayag din siya ng pasasalamat sa mga taong nasa paligid niya na tumutulong daw sa kanyang pagbangon.

Mensahe ni Onyok, “It has been a very challenging 3 months for me, from having no place to stay in and being jobless. trust me, it wasnt easy to deal with.

“A bit of depression might have gotten inside my head but one thing is for sure, my heart and perseverance will never give up.

“So here I am now, I got my new place, new job, new people around me that pushes me everyday to be better in every aspect of life.

“Still rocking at 30 years old! I Wouldn't have made it without you guys [heart emoji]

“This is me rising up above the noise”

Bukod kay Onyok, ang isa pang anak ni Rosanna sa dati nitong partner ay si Grace Adriano, na dating nakarelasyon ni Jolo Revilla.

May isang anak sina Joo at Grace, si Gabriel, na 15 anyos na ngayon.

Continue reading below ↓

MOTHER-SON RIFT in 2013

March 2013 nang ilahad ni Rosanna sa isang Facebook post ang nangyaring away nilang mag-ina na umabot pa raw sa pisikalan.

Nag-ugat ang alitan ng mag-ina sa noo'y girlfriend ni Onyok dahil hindi pabor dito ang aktres.

Ayon kay Rosanna, sinagot umano siya nang pabalang ni Onyo. Sinaktan din daw siya ng anak dahil sa “syota mong di mo kadugo.”

Sinapak umano siya sa mukha ni Onyok, pero nakaganti siya nang sikuhin ang ilong ng anak.

Idinetalye rin ni Rosanna na tinangka pa niyang saksakin ang anak gamit ang kutsilyo, pero nasalag ito.

Sinubukan daw ni Onyok na humingi ng tawad kay Osang, pero hindi raw iyon sapat sa ginawa nitong kasalanan, kaya't pinalayas niya ito.

Pagkalipas ng isang taon, nagpa-interview si Onyok sa dating Kapuso entertainment talk show na Startalk noong 2014.

Dito inilahad ni Onyok ang bersiyon niya ng away nilang mag-ina.

Noong mga panahong iyon ay call-center agent si Onyok sa isang kumpanya sa Eastwood.

Continue reading below ↓

Nabanggit ni Onyok na nakatapak siya ng kolehiyo pero hindi nakapagtapos dahil nagkaroon ng anak sa dating kasintahan.

Nagsimula na raw siyang kumayod sa edad na 17 o 18 years old.

Inamin ni Onyok sa interview na hindi maganda ang relasyon nilang mag-ina.

“Ang hirap magpatawad sa ginawa niya sa akin, e,” sagot ni Onyok sa tanong kung magkakaayos silang mag-ina.

Nasaktan daw si Onyok nang pagsalitaan siya ni Rosanna na wala siyang silbi. Bagamat siya ang nanatili sa tabi ng ina sa kabila ng failed relationships umano nito.

Itinanggi rin ni Onyok na sinapak niya ang ina.

Nakompromiso rin daw ang trabaho ni Onyok dahil kay Rosanna.

“In-email pa niya yung company namin through Facebook. Sinabihan niya na masamang tao, psychopath daw ako. Nakarating sa boss ko sa ibang bansa. Laking isyu sa office.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Rosanna (right) posts photo with son Onyok Adriano that indicates they have reconciled after seven-year gap. (Left photo) Osang with son Onyok.
PHOTO/S: Facebook (Jennifer Cruz Adriano)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results