Angillyn Gorens says finding new love not a priority after breakup with Buboy Villar

by Arniel C. Serato
Oct 5, 2020
Angillyn Gorens on finding new love after breakup with Buboy Villar: "Sa totoo lang, wala pa po sa isip ko yun. Kasi po, work po talaga ang focus ko pati sa mga anak ko. Sobrang buhay ko po sila.”
PHOTO/S: Courtesy: @buboyvillar on Instagram

“Walang away po na naganap.”

Ito ang tugon ni Angillyn Gorens, 22, nang tanungin kung ano ang dahilan ng hiwalayan nila ni Buboy Villar, 21.

Sa pamamagitan ng Facebook messaging, eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angillyn ngayong hapon ng Lunes, October 5.

Ipinaliwanag ng American citizen ang mga pangyayari kung bakit humantong sila sa hiwalayan ng dating live-in partner.

Diin niya, “Walang away po na naganap.

“Dumating po sa point na sobrang busy po naming dalawa at wala na po talaga oras para makapag-usap.”

Kumayod din daw silang pareho noon para sa kanilang dalawang anak—sina Vlanz Karollyn, 3, at George Michael, 1.

Sabi ni Angillyn sa PEP.ph, “Double job po ako dito sa Amerika. Si Buboy, taping at vlogging.

“Hindi na rin po magtugma ang mga oras namin. Sobrang hirap po.”

Halos dalawang taon na raw silang hiwalay ni Buboy.

NEW LOVE IS NOT HER PRIORITY

Ngayon daw ay wala pa sa isip ni Angillyn na pumasok sa panibagong relasyon.

Continue reading below ↓

Aniya, “Sa totoo lang, wala pa po sa isip ko yun.

“Kasi po, work po talaga ang focus ko pati sa mga anak ko. Sobrang buhay ko po sila.”

Okay lang ba sa kanya kung sakaling makahanap si Buboy ng bagong girlfriend?

Tugon ni Angillyn, “Si Buboy naman po, nasa sa kanya naman po yun.

“Pero alam ko naman po, focus din po siya sa work.

“Yun gusto lang po namin sa ngayon, yung best para sa mga anak namin.”

Umaasa ba siyang magkabalikan sila in the future?

Sagot niya, “Ayoko po magsalita ng tapos, siyempre may pinagsamahan naman po kami.

“Sa ngayon, ito po talaga desisyon namin.”

Dagdag niya, “Kaya nga po hindi naman po nagsasara ng pinto kung kami naman para sa isa’t isa, kami.

“Sa ngayon, sobrang focus namin sa magandang kinabukasan po ng mga anak namin.”

Wala pang inilalabas na pahayag si Buboy ukol sa hiwalayan nila ni Angillyn.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angillyn Gorens on finding new love after breakup with Buboy Villar: "Sa totoo lang, wala pa po sa isip ko yun. Kasi po, work po talaga ang focus ko pati sa mga anak ko. Sobrang buhay ko po sila.”
PHOTO/S: Courtesy: @buboyvillar on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results