Buboy Villar, Angillyn Gorens break up

by Arniel C. Serato
Oct 5, 2020
Angillyn Gorens on breakup with live-in partner Buboy Villar: "Mutual decision naman na maghiwalay kami at maging parents na lang sa mga anak namin.”
PHOTO/S: Courtesy: @buboyvillar on Instagram / Facebook

Hiwalay na ang aktor na si Buboy Villar, 21, at ang American partner nitong si Angillyn Gorens, 22.

Ito ang kinumpirma ni Angillyn, sa pamamagitan ng kanyang nakababatang kapatid na si Veybillyn Gorens, sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Lunes ng umaga, October 5.

Ayon kay Angillyn, sinubukan nila ni Buboy na ayusin ang kanilang pagsasama pero hindi na talaga umubra.

Mutual naman daw ang kanilang desisyong maghiwalay at maging magulang na lamang sa kanilang dalawang anak na sina Vlanz Karollyn, 3, at George Michael, 1.

Pahayag ni Angillyn sa PEP.ph, “Naghiwalay kami ni Buboy two years ago, pero tinray pa rin naman namin i-workout. Pero we both realized na it wasn’t working na talaga.

“So, mutual decision naman na maghiwalay kami at maging parents na lang sa mga anak namin.”

Nakabuti naman daw sa kanila ang nangyari. Pareho raw nilang inaalagaan ang kanilang mga anak kahit hiwalay na sila.

Continue reading below ↓

Saad ni Angillyn, “Feeling ko, mas naging okay naman both sides.

“Arrangement namin sa mga anak namin is pwede niya dalawin anytime, or kunin sa bahay sila Vlanz at George.”

Ipinaliwanag naman ni Angillyn kung bakit nasa mga magulang niya ang mga anak nila ni Buboy.

“Marami nagtatanong sa akin at sa vlog ni Buboy kung bakit sa bahay nakatira yung mga anak namin, ang dahilan dun is dati kasi nagti-taping si Buboy halos araw-araw.

“Hindi niya rin maaalagaan mga anak namin, at sa bahay naman nila maraming batang inaalagaan mama ni Buboy.

"So we both decided sa bahay na lang yung mga anak namin dahil maaalagaan naman sila mabuti nila Mama at Papa

“Sobrang thankful kaming dalawa ni Buboy sa parents ko kasi sobrang spoiled at alaga sila.

“Sobrang goods din ni Buboy at ng parents ko kaya wala namang problema…”

PREPARING FOR THE FUTURE OF THE KIDS

Kasalukuyang nasa Amerika si Angillyn kung saan siya nagtatrabaho. Video call daw ang paraan niya upang makausap at makita ang dalawang anak.

Continue reading below ↓

Kuwento niya, “Bini-video call naman din niya [Buboy] ako kapag kasama niya mga anak namin.

“Kumbaga, goods naman kami kahit na wala nang kami.

“Ako, patuloy lang nagwu-work dito sa U.S. para sa mga kailangan din ng mga anak namin at saka makapag-ipon din dahil mag-aaral na rin si Vlanz.”

Si Buboy naman ay gumagawa raw ng mga content sa kanyang vlog para may mapagkakitaan ngayong walang masyadong offers sa TV at pelikula.

2016 nang umamin si Buboy na nagli-live in na sila ni Angillyn. Seventeen years old lamang siya noon.

Sumikat si Buboy sa GMA-7 dahil sa kanyang role bilang Carding sa TV remake ng Darna noong 2009.

Ang huling proyekto niya sa telebisyon ay ang teleseryeng One of the Baes noong 2019.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angillyn Gorens on breakup with live-in partner Buboy Villar: "Mutual decision naman na maghiwalay kami at maging parents na lang sa mga anak namin.”
PHOTO/S: Courtesy: @buboyvillar on Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results