Onyok Adriano on reconciliation with mother Rosanna Roces: “Napatawad na rin namin ang isa't isa.”

by Bernie V. Franco
Oct 5, 2020
Onyok Adriano on finally reconciling with mother Rosanna Roces: “Somehow, mas magaan ang feeling ko ngayon dahil wala na ‘ko sama ng loob na dinadala araw-araw.”
PHOTO/S: Facebook (Onyok Adriano) / Rosanna Roces Instagram

Pito at kalahating taon ang hinintay bago tuluyang nagkaayos si Rosanna Roces, 48, at anak nitong si Dennis Robert "Onyok" Adriano, 30.

Ito ang kinumpirma ni Onyok sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kaugnay ng mga larawan nilang mag-ina na naka-post sa Facebook.

Ibinahagi ni Rosanna ang mga larawan nila ng anak kahapon, October 4. Tanging caption ng aktres, “Tapos ang kwento !!”

Pagkumpirma ni Onyok, kahapon lang din sila nagkitang mag-ina.

Iyon din ang una nilang pagkikita pagkatapos ng higit pitong taong alitan.

“We decided to meet up yesterday, sa bahay ng sister ko,” mensahe ni Onyok sa PEP.ph ngayong Lunes ng hapon, October 5.

Ang tinutukoy na "sister" ni Onyok ay si Grace Adriano, panganay ni Rosanna.

Si Grace ay dating girlfriend ni Jolo Revilla at nagkaroon sila ng isang anak.

Sina Onyok at Grace ay mga anak ni Rosanna sa dating partner ng aktres.

Paano nangyari ang pagbabati nilang mag-ina?

Continue reading below ↓

Ayon kay Onyok, “It just happened, siguro napatawad na rin namin ang isa't isa at sa mga nakaraan na nangyari.

“It was casual, may kumustahan and update sa isa't isa sa mga nangyari sa buhay.”

Sabi pa ni Onyok, tila nabunutan siya ng malaking tinik sa dibdib sa pagkakabati nila ng ina.

“Somehow, mas magaan ang feeling ko ngayon dahil wala na ‘ko sama ng loob na dinadala araw-araw.”

Sa dami raw ng nangyari sa buhay ni Onyok sa nakalipas na higit pitong taon, maituturing niyang “pinakamasayang” nangyari sa buhay niya na muling makasundo ang ina.

“Na-realize ko na hindi mo talaga pwede talikuran ang pamilya," sabi niya.

“Sa dami nang nangyari sa akin the past 7 years at sa kalagitnaan ng pandemic na ito, eto na yata ang isa sa mga pinakamasayang plot twist ng buhay ko, at syempre dahil kumpleto na kaming family ulit.”

Si Onyok at nagtatrabaho ngayon bilang workforce management analyst sa isang software company.

Continue reading below ↓

Taong 2013 nang mag-post sa facebook si Rosanna hinggil sa naging hidwaan nilang mag-ina.

Sabi noon ng aktres, nagkaroon sila ng palitan ng masasakit na salita ni Onyok, at humantong pa sa pisikalan.

Makalipas ang isang taon, itinanggi ni Onyok sa isang TV interview na sinapak niya ang ina. Sinabi rin niya noong masasakit na salita ang natanggap kay Rosanna.

Isa sa mga pinag-awayan nila ay ang hindi pagpabor ni Rosanna sa karelasyon noon ni Onyok.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Onyok Adriano on finally reconciling with mother Rosanna Roces: “Somehow, mas magaan ang feeling ko ngayon dahil wala na ‘ko sama ng loob na dinadala araw-araw.”
PHOTO/S: Facebook (Onyok Adriano) / Rosanna Roces Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results