Former EB Babe Lian Paz details love story with Cebuano partner, how he accepted her kids

by Rachelle Siazon
Oct 6, 2020
Lian Paz on raising four kids with partner John Cabahug: "We are a blended family, but we are one. Nakaganda rin po na dumating baby namin ni John kaya nagkaroon talaga ng strong connection ang mga anak ko and his daughter."
PHOTO/S: @liankatrina Instagram

"Akalain mo ba na magiging kami at tatanggapin pa ang dalawang anak ko?"

Ganito inilarawan ni Lian Paz ang pagmamahalan nila ng longtime partner na si John Cabahug.

Si Lian, 32, ay miyembro ng EB Babes, ang dating all-female group sa Kapuso noontime show na Eat Bulaga.

Si John, 33, ay isang negosyante at dating basketball player ng University of Visayas.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lian sa pamamagitan ng palitan ng mensahe noong Lunes ng gabi, October 6, at Martes ng umaga, October 7.

Ikinuwento ni Lian na bata pa lang sila ni John nang una silang magkakilala sa Cebu.

"Oo, Grade 6 to first year high school same kami ng school," bungad ni Lian.

Hindi tubong Cebu si Lian, pero ilang taong nanirahan ang pamilya niya roon dahil sa trabaho ng kanyang ama.

"Dinala lang kami ng father ko dito kasi med rep siya, and dito sa Cebu siya nadestino nang matagal. I was here since I was 9 until 13."

Continue reading below ↓

Taong 2001 nang bumalik ang pamilya ni Lian sa Manila, at matagal na panahong hindi rin sila nagkita ni John.


LIAN'S SHOWBIZ experience on and off cam

Naging EB Babe si Lian mula 2006 hanggang 2009.

Sumabak si Lian sa larangan ng pag-arte at napanood sa mga teleserye ng TV5 na Lipgloss (2008-2009) at Enchanted Garden (2012-2013).

Continue reading below ↓

Nagkaroon din ng supporting role si Lian sa Prinsesa Ng Buhay Ko, na pinagbidahan nina Kris at Aljur Bernal at Abrenica sa GMA-7, mula September 2012 hanggang January 2013.

Kasabay ng acting stint ni Lian sa GMA-7, usap-usapan ang kontrobersiyal na hiwalayan nila ng asawang si Paolo Contis matapos ang halos apat na taong pagsasama.

September 2012 nang kumpirmahin ni Lian na si Paolo ang nagdesisyong maghiwalay sila.

Napunta kay Lian ang pangangalaga ng dalawa nilang anak: si Xonia, na noo'y two years old, at si Xalene, na noo'y one year old pa lang.

Masalimuot man ang sitwasyon niya noon, matapang na hinarap ni Lian ang bagong yugto ng kanyang buhay.


Continue reading below ↓

HOT STORIES

A FRESH START

Pagsapit ng early 2013, hindi inaasahang muling nagkrus ang landas ni Lian at ng dating schoolmate na si John.

Balik-tanaw ni Lian: "We met again early 2013 when he messaged me on Facebook asking if he could get me as their endorser for their beauty product business (Skinmate).

"Pumunta siya sa Manila para formal meeting. Ganun din father niya and stepmother niya.

"So since magkakilala na kami nung mga bata pa lang kami, super dami lagi kami napapag-usapan."

Naging hudyat iyon para mas magkakilanlan sina Lian at John.

"We became best friends. Lagi na kami nagkikita dahil ginagawa niyang pari't parito sa Manila.

"Biyahe siya from Cebu to Manila to visit me and the kids."


Continue reading below ↓

LIAN ON FALLING IN LOVE WITH JOHN

Habang tumatagal ay ipinaramdam daw ni John kay Lian na sinsero ito sa panliligaw sa kanya.

"He doesn't take me out alone on a date. Lagi niya isasama mga anak ko kaya ako nahulog sa kanya.

"Yung respect niya to me as a mother, and he’s very fond of the kids.

"Kaya yun, inaya ako sa Cebu naman to visit."

Nang maging sila na ni John, inengganyo raw siya nitong mag-aral sa Cebu.

Hanggang sa natapos ni Lian ang two-year culinary course, kunsaan natuto siyang magluto ng iba't ibang cuisine at pati na rin kitchen management.

Early 2015 daw nang isama ni Lian ang dalawang anak sa Cebu para doon na manirahan.

"Pinag-aral niya ako," tukoy ni Lian kay John.

"Then eventually, we decided to live together here and bring my kids para di mahirap pari't parito sa Cebu to Manila and vice versa."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

JOHN AS A DEVOTED FATHER

Lalo raw napatunayan ni Lian ang pagmamahal sa kanya ni John nang tumayo ito bilang ama nina Xonia at Xalene.

Maging ang mga masugid na sumusubaybay kay Lian sa kanyang Instagram ay napansin ito.

Aksidenteng nakagat kasi si Xalene ng alaga nitong aso.

Sa Instagram post ni Lian noong September 22, makikitang si John ang nasa tabi ni Xalene nang isugod ang bata sa ospital para maturukan ng anti-rabies vaccine.

Continue reading below ↓

Lubos ang pasasalamat ni Lian, base sa caption ng post, dahil naroon si John para hawakan ang kamay ni Xalene para mabawasan ang takot nito sa vaccine shots.

Tinawag din ni Lian si John na siyang "daddy" ni Xalene.

Isang netizen ang nagtanong kay Lian kung si Paolo ba ang biological father ni Xalene.

Malaman ang naging sagot ni Lian sa netizen: "anak ko lang po and Thank God may Daddy na siya (as shown on photo)."

Continue reading below ↓

Sumang-ayon din si Lian sa mga netizens na nagsabing ang tunay na pamilya ay hindi lamang base sa kung sino ang kadugo kundi kung sino ang nariyan sa hirap man o ginhawa.

Lumalabas na tila hindi aktibo si Paolo sa buhay ni Lian at ng dalawa nilang anak na babae.

Continue reading below ↓

Nang tanungin ng PEP.ph si Lian ukol dito, sabi lang niya, "Sorry po, sa totoo lang ayoko na siya nasasama sa usapan when it comes to the kids."

Ang tanging malinaw ay si John ang nakagisnang ama nina Xonia at Xalene.

Paliwanag ni Lian: "Kasi they were just 1 and 2 [years old] nung makita ni John; and 2 and 3 years old when nakasama ni John.

"Kaya talagang siya ang nakasanayan po kasi nasa amin ang mga bata.

"Everything about sa kids, ako lang po. And thankfully, when John arrived, inako po niya yung responsibility."

Continue reading below ↓

RAISING A FAMILY TOGETHER

Kung anu't ano man, masaya ang buhay-pamilya nina Lian at ni John sa Cebu.

Mayroong anak sa pagkabinata si John, si Lexi, na 14 taong gulang.

Sina Xonia, 9, at Xalene, 8, ay malalaki na rin.

Ang bunso nina Lian at John na si Niña ay 4 years old.

Unconventional man ang kanilang family set-up, masasabi raw ni Lian na maganda ang pagpapalaki nila ni John sa mga anak.

Lahad niya sa PEP.ph: "Close po siya sa mga bata kasi lahat ng kailangan ng mga bata—not just financially, but yung time with them, school events, extracurriculars, he sees to it na makakapunta siya.

"Kumbaga, he makes time.

"We are a blended family, but we are one.

"Nakaganda rin po na dumating baby namin ni John kaya nagkaroon talaga ng strong connection ang mga anak ko and his daughter."

Marami raw sa mga kakilala nina Lian at John noong sila ay teenagers pa lang ang natutuwang makita ang pagiging family man ni John.

Continue reading below ↓

Natatawang saad ni Lian, "Lahat ng teachers namin di makapaniwala na napaka-responsible niya kasi sa Bisaya pa, 'Sipat Kaau' na siya. Makulit, pilyo Ganun."

GOD-CENTERED RELATIONSHIP

Sa loob ng halos walong taong pagsasama, subok na raw ang tibay ng relasyon nina Lian at John.

"Having a strong relationship is not easy. Kasi talagang dapat kayo both ang mag-e-effort, e. Kumbaga, you have to water each other.

Continue reading below ↓

"Hindi kasi kami nagtatagal ng away. Like, hindi naabutan more than a day. We choose to talk things through and compromise.

"Iba din yung lagi kami hingi ng guidance kay Lord. We always tell each other to be passionate sa relationship namin with God.

"Ganun din lagi paalala namin sa mga bata."

Continue reading below ↓

BUSINESS IN CEBU

Mula nang magtungo sa Cebu si Lian ay hindi na siya aktibo sa showbiz.

Sa ngayon ay tumutulong daw si Lian sa negosyo ni John na healthy drink.

"Okay po ang life namin here sa Cebu. John’s family is into businesses dito sa Cebu po. So, they are teaching me and I’m helping out po.

"John and I have been together for almost 8 years. We can’t say we have a perfect relationship, but what’s good is we grow together as individuals, partners, and parents."

Umaasa si Lian na balang araw ay makasal din sila ni John.

"Of course. Matagal ang process. Alam naman natin sa Pilipinas," saad ni Lian.

Tila ongoing pa rin kasi ang annulment case nila ni Paolo, pero hindi ito tuwirang binanggit ng dating actress-dancer.

Diin lang niya, "But God is never late. He is always on time on everything. Kaya I leave it to Him. He’s in charge of my life, our life."

Continue reading below ↓


HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lian Paz on raising four kids with partner John Cabahug: "We are a blended family, but we are one. Nakaganda rin po na dumating baby namin ni John kaya nagkaroon talaga ng strong connection ang mga anak ko and his daughter."
PHOTO/S: @liankatrina Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results