Kris Bernal body-shamed for working out in swimwear; tells them off: “If you can’t be nice, just be quiet!”

by Jet Hitosis
Oct 6, 2020
Kris Bernal
Kapuso actress Kris Bernal gets bashed and body-shamed anew after working out in a swimwear in her latest vlog uploaded on October 3. Kris appeals to netizens to "stop the hate" towards celebrities.
PHOTO/S: @krisbernal on Instagram

“Stop the hate.”

Ito ang panawagan sa netizens ng aktres na si Kris Bernal matapos na muli siyang mapagdiskitahan ng bashers at body-shamers.

Pinuna ng ilang netizens ang pagsusuot ni Kris, 31, ng two-piece swimwear sa kanyang latest workout vlog.

In-upload ang vlog nitong Sabado, October 3, sa YouTube channel ng Kapuso actress.

Kung dati ay sa comments section lang ng Instagram inaatake ng body-shamers at bashers si Kris, dagsa na rin ang mga ito maging sa kanyang YouTube channel.

Inokray ng netizens ang swimwear na suot ni Kris sa workout vlog.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

May nagkomentong hindi raw proportioned ang katawan ng aktres, dahil "ang laki ng ulo" nito.

Continue reading below ↓

Sinabihan din si Kris na wala siyang balakang.

Iyon daw dapat ang tinututukan ng aktres sa pagwo-workout nito.

Continue reading below ↓

At gaya ng paulit-ulit na nangyayari, pinansin na naman ng netizens ang "pagkapayat" ni Kris.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Sa vlog, ipinaliwanag na ni Kris kung bakit swimwear ang suot niya sa halip na workout clothes.

Pero nitong Lunes, October 5, habang ipinagtatanggol ang sarili ay kinailangan ni Kris na muling mag-explain.

Sa Instagram Stories in-upload ni Kris ang kanyang recorded video messages para sa mga body-shamers at bashers.

Continue reading below ↓

KRIS DEFENDS SWIMWEAR IN WORKOUT VLOG

“I’m receiving so much hate about my latest vlog, about me working out in swimsuit,” bungad ni Kris sa bahagyang mataas na boses.

Hindi raw alam ng aktres kung bakit big deal sa iba ang suot niya.

Marami naman daw fitness videos online kung saan naka-swimwear din ang babaeng nagwo-workout.

“Honestly I don’t see anything wrong with it.

“I see a lot of women in the internet working out in swimsuit na winter pa sa kanila, di ba?”

Payo ni Kris sa netizens, manahimik na lang kung wala rin namang masasabing mabuti sa kapwa.

Iritableng sabi niya: “Ewan ko ba, if you can’t be nice, just be quiet!”

Continue reading below ↓

“SHOWING OFF MY FLAWS, EMBRACING WHO I AM”

Dapat daw ay pinanood ng viewers nang buo ang kanyang workout vlog para maintindihan ng mga ito na hindi siya nagsuot ng swimsuit para ibalandra ang kanyang katawan.

Aware daw si Kris na “wala naman akong maipagmamalaki.”

“I suggest that you watch the video from start to end, so you’ll understand why I work out in swimsuit.

“It’s not actually showing off my body, kasi wala naman akong maipagmamalaki, di ba?

“It’s actually showing off my flaws and just embracing and celebrating who I am.”

Continue reading below ↓

Bahagi rin ng Instagram Stories ni Kris ang isang maikling video kung saan nagpo-pose siya suot ang isang set ng workout clothes.

Sa caption, binigyang-diin ni Kris na kahit ano ang kainin niya, o gaano man karami o kadalas siyang kumain, hindi talaga siya tumataba.

Sulat ni Kris sa caption: “I am proud but not so happy with this fact:

“‘NO MATTER WHAT I EAT AND HOW MUCH I EAT, I DON’T GET FAT.’

“Born this waaaaay!”

Continue reading below ↓

CELEBRITIES “HAVE FEELINGS TOO”

Sa isa pang set ng video message para sa bashers, mas kalmado na si Kris.

Mababa at halos pabulong na ang kanyang pagsasalita.

Ayon kay Kris, wala siyang intensiyong makasakit ng kapwa.

Gusto lang daw niya “to spread positivity” sa pagtanggap nang buo sa sarili, kasama na ang mga imperfections.

Continue reading below ↓

Kasabay nito, umapela si Kris sa netizens laban sa pamba-bash sa celebrities.

Paalala niya, tao rin ang mga public figures na tulad niya, na nasasaktan kapag binabatikos.

“Also to remind everyone that actors and actresses have feelings, too. People tend to forget that.

“We get hurt also… that we are humans.

Continue reading below ↓

“I hope in this time of pandemic we’ll love one another and just stop the hate.”

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Kris Bernal gets bashed and body-shamed anew after working out in a swimwear in her latest vlog uploaded on October 3. Kris appeals to netizens to "stop the hate" towards celebrities.
PHOTO/S: @krisbernal on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results