Buboy Villar breaks silence on breakup with Angillyn Gorens

by Arniel C. Serato
Oct 6, 2020
Dalawang taon nang hiwalay sina Buboy Villar at Angillyn Gorens, pero kinumpirma lamang ito ni Angillyn sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong October 5, 2020.
PHOTO/S: Courtesy: @buboyvillar on Instagram

Naglabas ng maiksing pahayag si Buboy Villar sa kanyang Facebook account kagabi, October 5, ukol sa aniya’y “lungkot.”

Hindi man tuwirang tinukoy ng 21-year-old actor, pero mahihinuhang may kinalaman ito sa hiwalayan nila ng dating fiancée na si Angillyn Gorens.

Mensahe ni Buboy, “Wag tayo papadala sa lungkot kasi hindi naman nagtatagal yan.”

Continue reading below ↓

Mababasa naman sa comments section ang mensahe ng suporta mula sa kanyang followers.

Taong 2018 pa naghiwalay sina Buboy at Angillyn, pero kinumpirma lamang ito ni Angillyn sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, October 5.

Co-parenting daw ang status nila ngayon sa kanilang dalawang anak—ang three-year-old na si Vlanz Karollyn at ang one-year-old na si George Michael.

Ayon pa kay Angillyn, 22, "mutual decision" ang paghihiwalay nila ng aktor.

BUBOY REPOSTS STATUS OF ANGILLYN’S SISTER

Sa pamamagitan ng Facebook, dinepensahan ni Veybillyn Gorens ang kapatid na si Angillyn at si Buboy laban laban sa bashers.

Tinawag kasi ng ilang netizens na “iresponsableng mga magulang” sina Angillyn at Buboy, lalo pa't ang babata pa raw ng kanilang mga anak.

Buwelta ni Veybillyn, “Ipaliwanag niyo sa akin kung paano naging irresponsable ang magulang na naghiwalay?

“Ang pagkakaintindi ko kasi sa irresponsable is hindi kayang mag bigay financial at pagmamahal sa anak.

"Hindi sila nag kulang don.”

Continue reading below ↓

Ayon pa sa kapatid ni Angillyn, may mga bagay talagang kahit anong pilit maisaayos ay hindi na talaga kayang maniobrahin.

Saad niya, “Walang konek ang hiwalay sa pagiging irresponsable, may mga bagay na di talaga nag wowork at kailangan natin tanggapin yon.

“Oo mahirap sa mga anak nila, pero nahihirapan din sila, hindi naman pwedi ipilit yung bagay na di na talaga pwedi.

“Mas mahirap sa mga anak nila kung ipipilit ang bagay na di na talaga pwedi.”

Ang mahalaga raw sa ngayon ay maayos ang ugnayan ng kanyang nakatatandang kapatid sa ama ng mga anak nito.

Ani Veybillyn, “Ang importante naman siguro open sila at nag uusap sila, walang bitterness or kahit na ano.

“Parehas nilang mahal na mahal anak nila at gagawin lahat para maibigay yung mga pangangailangan nila.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dalawang taon nang hiwalay sina Buboy Villar at Angillyn Gorens, pero kinumpirma lamang ito ni Angillyn sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong October 5, 2020.
PHOTO/S: Courtesy: @buboyvillar on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results