Singer Janine Berdin responds to claim she had plastic surgery: “Mamatay na ang inggit.”

by Bernie V. Franco
Oct 6, 2020
Janine Berdin on her transformation: "Parang nakikita ko na ang saya ko lang, parang ang saya ko na sa sarili ko."
PHOTO/S: Twitter / Instagram (ML Salon and Spa)

Hindi nagpatinag ang singer na si Janine Berdin, 18, sa mga bumabatikos sa kanyang “transformation.”

Trending sa Twitter si Janine mula kagabi, October 5, hanggang ngayong Martes, October 6.

Duda ng netizens, nagpa-plastic surgery ang Tawag ng Tanghalan Season 2 grand winner kaya’t nagbago ang hitsura nito.

Nagkalat sa social media ang mga larawan ng singer na nagpapakita ng kanyang transformation.

Bagamat agaw-eksena ang kanyang K-Pop-inspired hair color, hindi nakaligtas sa mapanuring netizens ang nag-ibang mukha ni Janine.

Continue reading below ↓

NETIZENS MIXED REACTIONS

Hati ang reaksiyon ng netizens sa transformation ni Jenine.

Bagamat nagulat ang marami, suportado nila ang pagsasailalim umano nito sa plastic surgery.

Sabi ng ilan, hindi dapat gawing big deal ang plastic surgery kung makakatulong ito sa kumpiyansa ng tao at may pera itong pampagawa.

Hindi naman ito pinaburan ng iba. May nadismaya at ang iba naman ay tila may pangungutya kay Janine.

Narito ang ilang halimbawa ng magkahalong reaksiyon ng netizens:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

JANINE REACTS

Hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng reaksiyon si Janine matapos siyang pag-usapan dahil sa kanyang nakamamanghang transformation.

Nagpadala kami ng mensahe via direct messaging Martes ng umaga. Bandang tanghali, sumagot si Janine.

Aniya, hindi dapat ikatakot ang pagbabago, lalo na kung makatutulong para sa ikasasaya ito ng isang tao.

Pahayag ni Janine, “Siguro, what I’d like to say is that we shouldn’t be afraid of change.

"Especially when you feel like you’re stuck in a dark place, you shouldn’t just sit there and wait for your surroundings to change for you.

“And that if you love yourself, it doesn’t mean you won’t do anything to improve yourself.”

Wala raw masama sa pagbabago lalo na kung wala ka namang ginagawang masama.

Sabi niya, “Baliktad nga po. If you truly love yourself, you’ll take time and effort to be better.

"Let’s not be afraid to change ourselves for the better po. And let’s also not condemn change, kasi wala namang nagagawang mali.

Continue reading below ↓

“May kasabihan nga po sa bisaya na ‘Ang masuya madeads’ char hahaha. Yun po. Thank you!”

Ang kahulugan ng Visayan expression na “ang masuya madeads” ay mamatay ka sa inggit.

Samantala, sa online interview sa kanya ni Darla Sauler, iginiit ni Janine na huwag matakot kung may nais kang ipabago sa sarili.

“If there's something that you don't like about yourself and you're not happy about it, then you can do something.

"Do something to make yourself happy, kasi naku, you only live once nga, di ba?”

Inamin din ni Janine na masaya siya ngayon kapag nakikita ang kanyang bagong hitsura.

"And now, when I look at my photos now, when I look at the videos I take, parang ang saya ko.

"Parang nakikita ko na ang saya ko lang, parang ang saya ko na sa sarili ko."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janine Berdin on her transformation: "Parang nakikita ko na ang saya ko lang, parang ang saya ko na sa sarili ko."
PHOTO/S: Twitter / Instagram (ML Salon and Spa)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results