Daniel Padilla says no to network transfer: "I can wait hanggang makabangon ang ABS-CBN." 

by Rachelle Siazon
Oct 7, 2020
Daniel Padilla on his and Kathryn Bernardo's decision to remain a solid Kapamilya: "Hindi lang para sa aming mga artista, pero para sa mga empleyado na nawalan ng trabaho sa ABS-CBN. Kasama nila akong naghihintay."
PHOTO/S: @adrepublika via @supremo_dp Instagram

"I can wait hanggang makabangon ang ABS-CBN."

Ito ang paninindigan ni Daniel Padilla tungkol sa pagiging solid Kapamilya sa kabila ng kalbaryong dinadaanan ng kanyang home network.

Nang pagkaitan ng prangkisa ang ABS-CBN noong July 10, 2020, marami sa mga existing programs ay hindi na ipinagpatuloy na umere kahit sa cable channel o digital platorm ng network.

Kasabay nito ang malawakang retrenchment ng mga empleyado at pagsasara ng iba't ibang department at subsidiary ng ABS-CBN.

Hindi kaila na marami ring Kapamilya stars ang nagsimula nang magtrabaho sa ibang TV networks.

Ang iba ay pinayagang magkaroon ng programa sa ibang TV network pero nanatili sa talent management arm ng ABS-CBN, ang Star Magic.

Pero mayroon ding mga Kapamilya stars na wala nang kontrata sa ABS-CBN, kaya malayang tumanggap ng anumang proyekto sa alinmang istasyon.

HOT STORIES

A MATTER OF GIVE AND TAKE

Sa kaso ni Daniel, pinili raw nila ng girlfriend niyang si Kathryn Bernardo na manatili sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Nakapanayam si Daniel sa presscon ng Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience noong Martes ng gabi, October 6.

Tinanong siya ni ABS-CBN entertainment news reporter MJ Felipe kung totoo bang lumapit sila ni Kathryn sa ABS-CBN bosses para magtanong kung paano sila pwedeng makatulong sa network.

"Yes, that's true," pagkumpirma ni Daniel.

"Unang-una, malaki ang utang na loob namin sa ABS-CBN. Malaki talaga sa akin personally.

"Yung buhay ko nagbago [180 degrees]. Nakakatulog nang maigi ang pamilya ko ngayon dahil sa mga ibinigay ng ABS-CBN na proyekto sa akin."

Diin pa ni Daniel, "Siyempre yung ibinigay nila sa akin, trinabaho ko naman. So, you know, it's a give and take."

Naniniwala si Daniel na malalampasan din ng ABS-CBN ang hirap na pinagdadaanan ng network ngayon.

"I can wait, you know. Kaya ko maghintay. It's not the end of me kapag lumipat na ako or something.

"I can wait hanggang makabangon ang ABS-CBN dahil naniniwala ako na babangon tayong lahat dito.

Continue reading below ↓

"Hindi lang para sa aming mga artista, pero para sa mga empleyado na nawalan ng trabaho sa ABS-CBN.

"Kasama nila akong naghihintay."

ABS-CBN SHOWS ON FREE TV

Sa puntong ito, binanggit ni Daniel ang magandang balita na unti-unting mapapanood ang mga programa ng ABS-CBN sa free TV.

Gawa ito ng blocktime arrangement ng ABS-CBN sa A2Z, na dating kilalang Zoe Channel 11.

Ani Daniel, "And now, there's news na babalik na tayo. That's good.

"Tayo ngayon, trabahuhin natin nang mabuhay muli ang ABS-CBN."

Sabi ulit ni Daniel tungkol sa suporta nila ni Kathryn sa Kapamilya network:

"Yun lang sa amin. Kaya namin maghintay dahil iba rin naman ang ibinigay na tiwala sa amin ng ABS-CBN.

"It's the least we can do for them."

Wala pang detalyeng sinabi si Daniel kung may niluluto nang teleserye para sa kanila ni Kathryn na ipalalabas sa A2Z

Mapapanood daw muna ang tambalanng KathNiel sa The House Arrest of Us, ang digital series ng Star Cinema na ipalalabas simula October 24.

Continue reading below ↓

May halo raw iyong comedy at family drama, ayon kay Daniel.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Daniel Padilla on his and Kathryn Bernardo's decision to remain a solid Kapamilya: "Hindi lang para sa aming mga artista, pero para sa mga empleyado na nawalan ng trabaho sa ABS-CBN. Kasama nila akong naghihintay."
PHOTO/S: @adrepublika via @supremo_dp Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results