Bettina Carlos is engaged

by Rachelle Siazon
Oct 8, 2020
Actress Bettina Carlos gets congratulatory messages from showbiz friends following her Instagram post where she is seen wearing an engagement ring.
PHOTO/S: @abettinnacarlos Instagram

Engaged na si Bettina Carlos sa non-showbiz boyfriend niya na si Mikki Eduardo.

Gabi ng October 7, Miyerkules nang ipahiwatig niya na nag-level up na ang relasyon nila ni Mikki.

Ipinost ni Bettina sa Instagram ang litrato nila ni Mikki kasama ng anak ng aktres na si Gummy.

Kapansin-pansin na may suot na engagement ring si Bettina sa kanyang kaliwang ring finger.

Idinaan ng 32-year-old actress sa emojis ang anunsiyo na ganap na isang pamilya na sila nina Mikki at Gummy.

Gumamit siya ng emojis na family, heart, at prayer.

Continue reading below ↓

Sa hiwalay na Instagram post ni Mikki, ipinakita naman niya ang litrato ng kamay ni Bettina na suot ang engagement ring.

Simpleng heart emoji ang caption ni Mikki sa litrato.

Pero marami sa mga kakilala ni Mikki ang nag-iwan ng congratulatory messages sa binata.

Sa kaso ni Bettina, halatang kinilig ang mga kasamahan niya sa showbiz na sina Marian Rivera, Pauleen Luna, Maricar Reyes, Carmen Soo, at Nikki Valdez.

Continue reading below ↓

Mensahe ni Pauleen, "Congratulations Bettina!!! In God's perfect time!"

"This is it!" sabi naman ni Nikki.

Continue reading below ↓

Hindi rin nagpahuli si Gummy sa pagbahagi ng masayang balita na engaged na ang ina na si Bettina.

Base ito sa hiwalay na Instagram post ni Gummy.

Diretsahang saad ni Gummy sa caption, "My mommy is engaged woohooo."

SWEET SERENADE

Simple pero romantic ang proposal ni Mikki kay Bettina.

Base sa Instagram Stories ng kapatid ni Mikki na si Anj, pinuno ni Mikki ng rose petals mula sa pintuan papasok ng sala ng isang bahay.

Continue reading below ↓

May Christmas lights din na nakadagdag ng romantic vibe habang may gitaristang tumutugtog ng kantang "I Will Be Here."

Nagyakapan muna ang kasintahan at saka lumapit si Gummy sa kanila.

Pagkatapos ay lumuhod si Mikki saka sinabi ang kanyang short speech.

"I love you. I want to spend the rest of my life with you," ani Mikki kay Bettina.

Continue reading below ↓

Dagdag ng binata, "And Gummy, I love you both."

Sabay sabi ni Mikki kay Bettina, "Will you marry me?"

Kilig na sagot ni Bettina, "Of course, yes."

Saksi sa proposal ni Mikki kay Bettina ang ilan sa mga kapamilya at malapit nilang kaibigan.

BETTINA'S ANSWERED PRAYER

Noon lamang August 14 isinapubliko ni Bettina ang relasyon nila ni Mikki.

Continue reading below ↓

Answered prayer daw si Mikki dahil natagpuan niya rito ang mga katangiang hinahanap niya sa kanyang ideal man.

Hiling daw noon ni Bettina, "LORD pwede po ba KUNG MAAARI LANG NAMAN LORD yung ibibigay Mo po ung natrain mo na?

"Yung di ko na po kailangang turuan paano mamahalin at pakikisamahan ang anak ko???"

Lalo raw siyang napamahal kay Mikki dahil simula pa lang ay nakita niya kung paano nito minahal ang anak niyang si Gummy.

"And neither did I have to wonder if you know what youre getting yourself into and if youre ready to be a Dad because God Himself already prepared you for that role and placed that desire in your heart...before we even met."

NO LONGER ACTIVE IN SHOWBIZ

Si Bettina ay dating Kapuso actress na naging supporting cast member sa mga teleserye tulad ng Sa Piling Ni Nanay (2016), Because of You (2015), at My Husband's Lover (2013).

Continue reading below ↓

Nakilala rin siya bilang longtime host noon ng Kapuso cooking show na Idol Sa Kusina.

Humigit-kumulang tatlong taon nang hindi aktibo si Bettina sa showbiz, at naka-focus siya sa sariling pastry business.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Bettina Carlos gets congratulatory messages from showbiz friends following her Instagram post where she is seen wearing an engagement ring.
PHOTO/S: @abettinnacarlos Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results