Bea Alonzo on failed romance: "Am I that weak na parang I can’t live without someone?"

by Bernie V. Franco
Oct 9, 2020
Bea Alonzo on a previous relationship: "In that relationship, I was questioning that already. Parang, ‘Am I a weak person?'"
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)

Nagpakatotoo si Bea Alonzo at inaming lagi siyang nabibigo sa kanyang love life.

Galing mismo ito sa bibig ng aktres.

Umamin din si Bea na hinayaan niyang umikot ang kanyang mundo sa kanyang failed relationship.

Wala mang pinangalanan si Bea, mahihinuha sa mga binitawan niyang salita na ang tinutukoy niya ay ang kanyang pinakahuling breakup.

Ang huling nakarelasyon ni Bea ay ang aktor na Gerald Anderson. Naging kontrobersiyal ang kanilang paghihiwalay noong July 2019.

Tumagal ng halos tatlong taon ang relasyon nina Bea at Gerald.

Nag-open up si Bea sa kanyang best friend na si Enchong Dee, sa video na in-upload noong October 4, 2020.

Sinimulan ni Enchong ang paksa sa pagsasabing wala siya sa tabi ni Bea sa panahong may pinagdaanan ang aktres.

Sagot ni Bea, may tiwala siya sa pagkakaibigan nila ni Enchong kaya hindi siya nagtampo.

Sabi pa ni Bea, kahit ang nanay niya mismo ay wala sa kanyang tabi noong may mabigat siyang pinagdaanan.

Continue reading below ↓

“Actually, even my mom was not there, kasi binigyan niya ako ng tough love,” ani Bea.

Mahihinuha sa pahayag ni Bea na tinutulan ng kanyang ina ang dati nitong relasyon.

“Parang she didn’t want me to be in that position, and yet pinilit ko na nandoon ako sa posisyon na iyon.

“Because sobrang naano ako ng pagmamahal ko.”

Mag-isa raw hinarap ni Bea ang problemang iyon. Pero nakatulong daw ito para tumibay ang kanyang loob.

Paliwanag ni Bea, “Actually, in a way, it helped me figure out who I am, and what I’m capable of. How tough I am, how much of a survivor I am.

“Because for years when I was in that position, in that relationship, I was questioning that already. Parang, ‘Am I a weak person? Am I that weak na parang I can’t live without someone?’”

Napag-isip-isip daw noon ni Bea na hindi puwedeng husgahan ang pinagdadaanan ng bawat tao.

Continue reading below ↓

“Doon ko na-empower ang sarili ko. May kanya-kanya tayong journey, and dapat hindi natin maliitin ang journey nung bawat isang tao.

“Puwedeng maliit sa iyo iyan at sa akin nung time na iyon, it was big. It was ruling my world.”

(Bea Alonzo with her former boyfriend, Gerald Anderson. The two had a controversial breakup in July 2019.)

Continue reading below ↓

Mismong si Bea raw, nagkaroon ng pagkukulang sa kanyang mga kaibigan dahil sa kanyang past relationship.

“When I was in that relationship, marami rin akong pagkukulang sa iyo [Enchong], marami rin akong pagkukulang sa marami kong kaibigan.

“And I started looking at myself in the mirror. Yun muna yung una kong ginawa.”

Sabi ni Bea, “Remember, I consider myself as an achiever and this is one department that I keep on failing.”

Pahabol niya, “But siyempre ngayon okay na ako. Na-realize ko we have our own timeline, things happen for a reason.

“But syempre, I wish that the circumstances then were different. Because I wanted to be respected.”

Sa kanyang Esquire interview noong January 2020, inilarawan ni Bea na “disrespectful” ang ginawang pag-ghost sa kanya ng kanyang ex-boyfriend.

Ang ghosting ay millennial term na tumutukoy sa biglang hindi pagpaparamdam sa karelasyon.

Sa interview ni Bea noon tungkol sa paghihiwalay nila ni Gerald, sinabi ng aktres na wala silang formal breakup.

Continue reading below ↓

Bigla na lang daw siyang hindi na kinausap ni Gerald. In short, na-ghost si Bea.

STRONGER NOW

Masasabi raw ni Bea na mas matibay na siya. Pero patuloy pa niyang kinikilala ang sarili.

Ayaw raw niyang mabago siya ng kanyang masakit na pinagdaanan.

“Actually, yun yung iniingatan ko, because iba yung strong sa tough.

“And I don’t want to be too tough. Dapat empowered lang.

“I still want to keep a little softness in me. Kasi that’s who I am.”

Pinuri ni Bea si Enchong dahil sa pagiging independent daw ng aktor. Kaya raw nitong mabuhay nang mag-isa at maging masaya.

“That’s what I lack… That’s what I’m trying to do, but ewan ko, maybe ganoon ako, e," ani Bea.

“Mas gusto ko nang nagmamahal, mas gusto ko to be in a relationship.”

Naging boyfriend din noon ni Bea si Zanjoe Marudo. Naghiwalay sila noong 2016 pagkatapos ng apat na taon.

Continue reading below ↓

Naging boyfriend din niya noon si Mico Palanca. Naghiwalay sila noong 2008, pagkatapos ng dalawang taong relasyon.

Pumanaw si Mico noong December 2019.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo on a previous relationship: "In that relationship, I was questioning that already. Parang, ‘Am I a weak person?'"
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results