Vice Ganda teases couple Raymart Santiago, Jodi Sta. Maria on It’s Showtime: “Sama-sama ang inlab.”

by Bernie V. Franco
Oct 10, 2020
Vice Ganda (center) did not pass up the chance to tease Raymart Santiago (left) and Jodi Sta. Maria, who are guest celebrities in It's Showtime this Saturday, October 10.
PHOTO/S: YouTube (Kapamilya Online Live)

Hindi nakaligtas sa pambubuska ni Vice Ganda ang showbiz couple na sina Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria.

Kinumpirma ni Raymart ang relasyon nila ni Jodi sa PEP Troika nito lamang September 30, 2020.

Ngayong Sabado, October 10, naging guests sina Jodi at Raymart sa It’s Showtime, ang ABS-CBN noontime show.

Tumaon namang ngayong Sabado ang simula ng pag-ere ng noontime show sa A2Z Channel 11, na dating kilala bilang Zoe TV, isang free-to-air TV station.

Bukod sa It’s Showtime, may iba pang ABS-CBN programs ang eere sa A2Z.

Sina Jodi at Raymart ay may kani-kaniyang ongoing teleserye sa ABS-CBN na ieere rin sa A2Z.

Ang Kapamilya network ay major content provider na ngayon sa A2Z Channel 11.

VICE GANDA TEASES RAYMART

Naging participants si Raymart at kapatid na si Rowell Santiago sa “Name It to Win It,” isang game segment sa It’s Showtime.

Nag-promote sina Raymart at Rowell ng kinabibilangang teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

Continue reading below ↓

Sa game, sina Vice at Vhong Navarro ang head ng dalawang magkalabang grupo.

Piniling kakampi ni Vhong si Rowell.

Pinili naman ni Vice si Raymart, dahil magkakampi raw dapat ang mga may love life.

Sambit ni Vice, “Raymart ako, Raymart. Sama-sama ang mga inlab.”

Natawa si Raymart, na tinukso rin ng iba pang hosts at artistang kasama sa game.

Continue reading below ↓

Obvious naman sa tinuran ni Vice na alam niyang masaya ang love life ni Raymart, gaya rin ni Vice na makulay ang buhay pag-ibig.

VICE TO JODI: “YOU STICK TO NUMBER 3”

Hindi rin pinaligtas ni Vice si Jodi, na sumalang sa “Hide And Sing,” segment.

Sa game na ito, pipili ang celebrity guest na si Jodi kung sino sa tatlong masked singers ang celebrity singer.

Pinili ng aktres ang contestant number three.

Dito na nagbitaw ng makahulugang hirit si Vice.

Sabi ng It’s Showtime host sa aktres, “Three iyan. Support kita, nako. You stick to number three. Pinagpapala yung mga nagsi-stick, 'no.”

Pangatlo si Raymart sa mga kilalang personalidad na na-link kay Jodi.

Unang nakarelasyon ni Jodi ang dating asawang si Pampi Lacson, anak ni Senator Panfilo Lacson.

Sumunod si Jolo Revilla, pero naghiwalay rin sila ni Jodi.

Hindi naman napigilian ni Vice na sambitin ang pangalan ni Raymart sa sumunod niyang pahayag.

Continue reading below ↓

Pang-aasar ni Vice, “Kilala ko yung boses number three. Boses pa lang. Kilalang-kilala ko iyan, napapanood ko iyan.

“Pamilya iyan ng artists. Raymart iyan, number three.”

Walang kinalaman si Raymart sa contestants, isiningit lang ni Vice ang pangalan ng aktor.

Tumawa naman at tumili ang ibang hosts sa panunukso ni Vice kay Jodi.

Nahagip din sa camera na tila pinipigilang matawa ni Jodi, na tila na-conscious dahil napahawak pa sa kanyang buhok at dibdib.

Continue reading below ↓

JODI-RAYMART ROMANCE

Marami ang nasorpresa nang pumutok ang balitang magkarelasyon na sina Jodi at Raymart, na parehong kilala sa pagiging tahimik pagdating sa personal nilang buhay.

Bago matapos ang Setyembre, lumabas ang paparazzi shots nina Jodi at Raymart na magkayakap.

Hindi naman itinanggi ni Raymart ang pagkakamabutihan nila ni Jodi nang usisain ng PEP Troika.

Maiksi ang pahayag ni Raymart, pero sapat na ito para kumpirmahin ang namamagitan sa kanila ng aktres.

Sabi noon ni Raymart: “Hindi naman kami KathNiel o LizQuen. Kung ano man yung inilabas niyo, yun na iyon. Masaya lang lahat.”

Gaya rin ni Jodi, may dalawa ring nakarelasyon si Raymart na naisapubliko: ang dating asawang si Claudine Barretto at isang non-showbiz girl.

Sa maiksing pahayag ni Raymart, matutukoy na intensiyon niyang gawing pribado ang relasyon nila ni Jodi.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda (center) did not pass up the chance to tease Raymart Santiago (left) and Jodi Sta. Maria, who are guest celebrities in It's Showtime this Saturday, October 10.
PHOTO/S: YouTube (Kapamilya Online Live)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results