Raymart Santiago, kinumpirma ang pagkakamabutihan nila ni Jodi Sta. Maria

by PEP Troika
Sep 30, 2020
It's confirmed! Kapamilya stars Jodi Sta. Maria and Raymart Satiago are playing sweet music together. Raymart confirmed this to close friends.
PHOTO/S: Rachelle Siazon / Instagram

NOEL FERRER

CONFEEEEEERMED!!!

Hindi nag-deny ang aming bunso sa grupo na si Raymart Santiago nang may lumabas na picture nila ni Jodi Sta. Maria na talagang napaka-sweet talaga.

Kuha ang larawan sa isang private place sa Alabang.


Photo: Courtesy of Pilipino Star Ngayon

Nagkatawanan na lang nang masaya ang aming barkada nang lumabas ang balitang ikinatuwa naming lahat!

Continue reading below ↓

Ibang klase talaga ang tadhana, ‘no? Pareho silang na-link sa iba’t ibang tao pero ipinag-aadya ng Diyos sa tamang panahon ang lahat sa tamang tao.

Sana lang, walang ex ang dalawa na tututol at may masasabi pa.

Dahil sa huli’t huli, kung ano ang magpapahusay, magpapabuti, mag-aayos sa buhay mo at yung nagpapalapit sa iyo sa Diyos, na hindi ka na mangangarag at mabibigatan pa, yun na siguro yun!

Maligaya tayo para kina Raymart at Jodi!!!

GORGY RULA

Nakakagulat na wala na pala si Raymart at ang non-showbiz girlfriend niya.

Pagdating sa love life, tahimik lang ang aktor. Yun pala, nagkakamabutihan na sila ni Jodi.

Pareho nang ikinasal sa iba sina Raymart at Jodi, pero nauwi rin sa hiwalayan ang kani-kanilang marriage.

Si Raymart, 47, ay ikinasal noon kay Claudine Barretto.

Si Jodi, 38, ay ikinasal naman noon kay Pampi Lacson.

Pareho rin silang nagkaroon ng anak na lalaki sa dati nilang asawa.

Continue reading below ↓

Pagkatapos nilang makipaghiwalay, nagkaroon sila ng relasyon sa iba—si Raymart sa isang non-showbiz girl at si Jodi kay Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

After Jolo, ngayon lang din napaibig ang Kapamilya actress, at deserved naman niyang ma-in love uli.

Mas mabuti sigurong tahimik na lang silang dalawa. Ang mahalaga ay masaya sila para sa isa't isa.

JERRY OLEA

Nakakatuwa na nasumpungan nina Jodi at Raymart ang pag-ibig sa isa’t isa!

Makulay ang kani-kanyang pinagdaanan sa buhay, at dalangin natin na pagsaluhan nila ang forever!

MORE PEP TROIKA STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It's confirmed! Kapamilya stars Jodi Sta. Maria and Raymart Satiago are playing sweet music together. Raymart confirmed this to close friends.
PHOTO/S: Rachelle Siazon / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results