Fan asks Bea Alonzo is she "back to" Gerald Anderson? Bea answers "never again!"

by Nikko Tuazon
Oct 11, 2020
Bea Alonzo
In a vlog posted on Saturday, October 10, 2020, Bea Alonzo told her fan the status of her heart and confirmed that she's been going out on dates.
PHOTO/S: @beaalonzo on Instagram

"No! Never again! [Smiley emoji]"

Ito ang diretsahang sagot ng ABS-CBN actress na si Bea Alonzo nang tanungin ng isa nitong Instagram folower kung nakipagbalikan ito sa ex-boyfriend na si Gerald Anderson.

Kahapon, October 10, 2020, nag-upload si Bea sa kanyang Instagram ng teaser ng kanyang latest vlog kung saan sumagot ito sa tanong ng kanyang mga fans.

Continue reading below ↓

Isa sa mga komento sa post nito na pumukaw ng kanyang pansin ay: "Are u really back to Gerald [sad face emoji]"

Agad namang sinagot ni Bea ang tanong ng fan. Ngunit tila binura rin nito agad ang kanyang reply maging ang tanong ng kanyang Instagram follower.

Nakakuha ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng screenshot ng reply ni Bea sa kanyang Instagram follower bago niya ito burahin.

Bea Alonzo

Continue reading below ↓

Matatandaang naging kontrobersiyal ang paghihiwalay nina Bea at Gerald noong July 2019. Tumagal din ng halos tatlong taon ang kanilang relasyon.

OPEN FOR DATING?

Samantala, inamin ni Bea sa kanyang Q&A vlog sa kanyang YouTube channel na siya ngayon ay nakikipag-date na.

Isang fan ang nagtanong kay Bea kung kamusta ang estado ng puso nito.

Tila kinikilig namang sagot ng Kapamilya star, "Okey naman siya, nag-e-entertain siya. Nagde-date siya. Open siya maging masaya."

Sa isa pang bahagi ng vlog, tinanong din si Bea kung ano ang hanap nito sa isang magiging boyfriend.

Maikling sagot ni Bea, "A guy who's madly in love with me."

Sa ngayon, ang aktor na si Dominic Roque ang nali-link kay Bea.

Ilang beses na ring nagbigay ng hints sina Bea at Dominic tungkol sa kanilang relasyon.

Nitong nakaraang July 22, 2020, nag-post pa si Dominic sa kanyang Instagram account ng litrato nila ni Bea na kuha mula sa kanilang bakasyon sa Japan noong November 2019.

Continue reading below ↓

Caption ni Dominic: "tila ako’y nabighani...[heart emoji]."

MOVING ON

Bahagyang napag-usapan ang tungkol sa huling relasyon ni Bea. Taos-puso namang sinagot ito ng 32-year-old actress.

Tanong ng fan: "What did your last relationship teach you about yourself?"

Sagot

ni Bea, "That I am stronger than I think. That I am resilient and that I can survive anything in life. And that I am worthy."

Continue reading below ↓

Humingi naman ang isang social media follower ni Bea ng tips kung paano mag-move on mula sa isang failed relationship.

Payo ng aktres, "Just do. It won't come instantly. It won't be easy but you just have to take it one day at a time and just acknowledge your feelings.

"If you're still not okay, if you have not forgiven the person who hurt you, it's okay because that day will come. Just trust the process."

Dagdag pa nito, huwag din mahihiyang humingi ng tulong mula sa malalapit na kapamilya at kaibigan pag tungkol sa isaping pag-ibig.

Paliwanag ni Bea, "Kasi sometimes, we get caught up in a situation where parang feeling mo it's so painful, parang hindi mo kaya and so you go back to stage one.

"Personally, yun yung nangyari. Parang I didn't trust myself that I could do it and na-realize ko na kung in-acknowledge ko yung feeling na vulnerable ako, that I need help from friends and family, baka mas nalagpasan ko siya earlier.

Continue reading below ↓

"Baka na-discount ko yung masasakit na yugto ng buhay ko. But of course, I had to learn the hard way. But kung maiiwasan naman, sana maiwasan."

HOT STORIES

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In a vlog posted on Saturday, October 10, 2020, Bea Alonzo told her fan the status of her heart and confirmed that she's been going out on dates.
PHOTO/S: @beaalonzo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results