Pia Wurtzbach's sister Sarah lashes out at the former Miss Universe: "Ang baho ng ugali mo."

by THE PEP STAFF
Oct 11, 2020
Pia Wurtzbach, Sarah Wurtzbach
On Sunday, October 11, 2020, Sarah Wurtzbach (left) took to Instagram to express her mounting anger at sister Pia Wurtzbach and their mother Cheryl Alonzo Tyndall.
PHOTO/S: Noel Orsal

Tila malala na ang namumuong hidwaan sa pagitan nina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, 31, at ng nakababatang kapatid na si Sarah Wurtzbach, 28.

Ngayong Linggo, October 11, 2020, nag-viral sa social media ang maaanghang na salitang binitiwan ni Sarah tungkol kay Pia at maging sa kanilang inang si Cheryl Alonzo Tyndall.

Mainit na panimula ng nakababatang Wurtzbach: "Ang baho ng ugali mo. Dami mong kuda pero sorry wala.

"Tapos mangdadamay ng ibang tao na wala naman sa usapan.

"Magsama kayo ni mama @piawurtzbach."

Pia Wurtzbach, Sarah Wurtzbach

Continue reading below ↓

Dagdag pa nito (published as is): "Nagiisa mong kapatid ayaw mong supportahan tapos mangdadamay ka palagi ng ibang tao na wala naman sa usapan.

"Kung alam lang ng tao kung gaano kabaho ugali nyo ni mama. di porket nananahimik ako ako yung masama.

"Ako pa kailangan lagi magpakumbaba eh ako na nga yung naabuso. T*ng*** nyo @piawurtzbach."

Pia Wurtzbach, Sarah Wurtzbach

Continue reading below ↓

INSENSITIVE STATEMENTS

Sa ngayon, hindi malinaw kung ano ang pinanggagalingan ng social-media outburst ni Sarah laban sa kapatid at ina.

Ngunit sa mga sumunod na post nito, ibinahagi ni Sarah ang pagkadismaya sa kung paano raw siya tratuhin ng kanyang mga kadugo.

Sa ikatlong post ni Sarah, nag-demand din ito ng apology mula kay Pia dahil sa naging statements umano ng kapatid na celebrity tungkol sa kanya.

Ani Sarah (published as is): "Magapologise na you hurt my feelings due to the statements you made when you were NOT SOBER, hindi mo magawa?

"Aangkas ka sa galit ko? Where's the understanding on your part? So I have to shut down my sadness and anger? Then you ignore me for days?

"What kind of treatment is that @piawurtzbach"

Pia Wurtzbach, Sarah Wurtzbach

Continue reading below ↓

Sa sumunod na post, inamin ni Sarah na humingi siya ng tulong pinansiyal mula kay Pia para sa kanyang pamilya, ngunit tila may nasabi ang beauty queen na hindi nagustuhan ni Sarah.

Si Sarah ay may dalawang anak.

Pahayag nito, "I'm broke kasi I have a normal job. With 2 kids. Tapos kapag bibigyan mo ako ng pera hihirit ka ng 'grabe noon sweldo ko ng isang buwan to noh. Tapos ngayon barya na lang'

"Bit** andun pa rin ako. Nasa isang buwang sweldo pa rin ako kaya ako humingi ng tulong.

"Ang insensitive mo sa ganyan kasi 'you made it' na @piawurtzbach"

Pia Wurtzbach, Sarah Wurtzbach

Continue reading below ↓

Dagdag pa ni Sarah, "Ang lagi kong hinihingi sa tao ay TIME AND COMPANY. BONDING.

"KUNG MUKHANG PERA AKO EDI SANA NON PA ANG YAMAN KO NA. @piawurtzbach"

Pia Wurtzbach

IS JEREMY JAUNCeY INVOLVED?

Binanggit din ni Sarah ang boyfriend ni Pia, ang Scottish businessman na si Jeremy Jauncey.

Continue reading below ↓

Binalikan ni Sarah ang panahong kino-comfort nito si Pia nang nag-away sila ng kanyang boyfriend, bagay na hindi raw magawa ni Pia para kay Sarah.

Ani Sarah (published as is): "Iiyak iyak ka sakin dahil nagayaw [away] kayo ni Jeremy tapos dadamayan kita ng isang oras kasi inaaway mo yung tao, kahit na alam kong ang babaw ng dahilan mo sige lang go I'm here for you sis ill give advice pa, pero kapag ako wala. Ano yun? One way system? @piawurtzbach"

Pia Wurtzbach

Continue reading below ↓

Sa message ni Sarah, mahihinuhang nagkaroon din ng pagkakataong si Jeremy naman ang humingi ng tulong kay Sarah. Ito ay nang magkaproblema raw si Jeremy sa kanyang mga kliyente dahil sa inilabas na video ng kanilang ina sa sariling YouTube channel nito.

Aniya, "Triggered ako kasi yung hudas nating nanay, sumira nanaman ng ibang tao. Lumapit sa akin si Jeremy at nagsumbong dahil dun sa video ni mama sa YouTube. Nagkaproblema sya sa clients. Sa akin sya lumapit PARA WALA KANG ANXIETY OR STRESS. AKO ANG SUMALO.

"Kahit ako na nga ang triggered at ako na nga yung depressed dahil kay mami, ako parin ang sumalo para hindi ikaw ang mastress @piawurtzbach"

Pia Wurtzbach

Continue reading below ↓

Pagpapatuloy ni Sarah, "AKO DIN ANG PUMOPROTECT SA FEELINGS MO PERO AKO HINDI MO MADAMAYAN. MAGSISINUNGALING KA PA. @piawurtzbach."

Pia Wurtzbach

Nabanggit din ni Sarah na hindi nito nagustuhan ang sinabi ni Pia at ng kanilang ina na iwanan na nito ang asawang si Charlie Manze dahil wala raw itong pera.

Continue reading below ↓

Sambid ni Sarah (published as is): "Pareho kayo ni mama, abusado sa sistema. Wala kayong pakielam kundi sarili nyo.

"Tapos laging idadamay si Charlie. WALA NAMAN SYA SA USAPAN. Gusto nyo iwan ko kasi walang pera? See? Pera pera pera. Tapos nagweeweed palagi? Eh teka... @piawurtzbach"

Pia Wurtzbach

Continue reading below ↓

"I'M YOUR SISTER BUT I'LL BE YOUR WORST ENEMY"

Sa mga sumunod na post ni Sarah, muli itong nag-demand ng apology mula sa nakatatandang kapatid. Sabi nito, "Magsorry ka @piawurtzbach"

Pia Wurtzbach

"Maghahamon ka ng away tapos ngayon tatawag ka

"Ikaw ngayon magpakumbaba @piawurtzbach"

Pia Wurtzbach, Sarah Wurtzbach

Continue reading below ↓

"Walang kawala [kawalan sa akin] ginagawa ko ngayon, kayo lang ni mama mawawalan ng respeto galing sa ibang tao. @piawurtzbach

"Wag mo akong babantaan."

Pia Wurtzbach, Sarah Wurtzbach

Banat pa ni Sarah (published as is): "Ang tapang tapang mo tapos ngayon o ayan diba sabi sige ilabas ko baho mo pero wag na wag akong lalapit sayo ulit? O edi sige go.

Continue reading below ↓

"Anong kawala ko dun wala naman, I still have my family that I chose to build, Charlie Logan and Lara.

"The way you show support is not family behaviour. Saka ka lalapit ng sorry kasi I'm not calling bull***t on your threats.

"I told you I was serious when I threatened you. I'm your sister but I'll be your worst enemy, no problem. @piawurtzbach"

Continue reading below ↓

Kasunod nito, ibinahagi rin ni Sarah ang screenshot ng mga mensaheng ipinadala nito kay Pia ngunit hindi sinagot ng huli.

Aniya, "See? No reply. Hahamon ka ng away tapos ayaw mong makipagayos. Di wag. @piawurtzbach"

VOICING OUT

Sa kanyang mga huling Instagram stories, mas nabigyan-linaw ni Sarah ang galit nito kay Pia at sa ina.

Continue reading below ↓

Ani Sarah: "Don't confuse money and status for power. I'm silent because I protect you and our f*ck*ng narcissistic mom. Receipts included.

"Don't make me fully go insane and start showing people evidence. I'M NOT THE ONE IN THE WRONG AND YET I'M ALWAYS THE ONE BEING SILENCED. @piawurtzbach"


Continue reading below ↓

Malinaw na hindi nagustuhan ni Sarah ang pagkampi ni Pia sa kanilang ina, gayung ang ina raw nila ang may atraso kay Sarah, lalo't sinabihan itong "may sira ang utak" at "loka loka."

"People keep wondering how I lost the weight?" sulat ni Sarah. "Kasi yung abusado nating nanay binugahan ako ng ginusto kong marape kasi simula bata palang may sira na utak ko. Mas mabuti pang nasa 'strangers' family ang mga bata para di daw sila maapektuhan dahil loka loka mami nila.

"So abused = crazy?

"AND I'm never allowed to talk about it? So suffer in silence while everyone else is okay and moving forward? @piawurtzbach"

Pia Wurtzbach, Sarah Wurtzbach

Continue reading below ↓

Pagtatapos ni Sarah, "Tapos imbis na supportahan mo ako emotionally, bawal magsalita kasi masisira lang pinaghirapan nyo?

"Sasabihan mo pa ako ng 'why do you want to get back at her so bad'

"F**k you. @piawurtzbach."

Pia Wurtzbach, Sarah Wurtzbach

SUPPORTIVE SISTER

Kasalukuyang kumakalat ang screenshots ng IG stories ni Sarah sa Facebook at Twitter. Laking-gulat ng netizens sa mga naging "pasabog" ni Sarah, lalo't alam ng karamihan na close ang magkapatid.

Continue reading below ↓

Ilang beses na ring ipinagtanggol ni Sarah si Pia.

Isa na rito ay nung umapela ito para kay Pia nang akusahan siya ng mag-inang Robie Asingua at Alexander Wurtzbach na nagsinungaling ito sa isinadula niyang life story.

Tinukoy nila ang nagkalamat na relasyon ni Pia at ng yumaong amang si Uwe Wurtzbach, sa episode ng
Maalaala Mo Kaya (MMK), noong June 3, 2017.

Noong nakaraang taon, March 2019, nag-guest appearance pa sina Sarah at Pia sa Magandang Buhay ng ABS-CBN at dito ay ibinahagi nila ang relasyon bilang magkapatid.

Nang tanungin kung gaano ka-selfless si Pia, sagot ni Sarah: "She's more by actions po kasi. Hindi kami malambing. We don't really like to compliment each other or tell each other na mahal namin ang isa't isa. It's more on actions so she'll be, yun nga, sabi niya, very generous, very giving.

"And she invests a lot of time. It's more time and spending time with family. It's what's more important sa akin, e. So, she knows naman. I think that's how she's selfless."

Continue reading below ↓

Sa kasalukuyan, mahigit dalawang oras matapos ilabas ni Sarah ang sama ng loob sa kapatid at ina ay ginawa na nitong private ang kanyang Instagram account.

Kumonekta ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Pia sa pamamagitan ng Instagram. Wala pa itong sagot at press time.

Kumonekta rin ang PEP.ph kay Rikka Infantado-Fernandez, ang business manager ni Pia at public relations officer ng Empire/Mercator Talent Agency. Sa pagsagot nito, sinabi lamang niyang "family matter" ang isyung kinasasangkutan ng mag-iina.

Bukas ang PEP.ph sa panig ng lahat ng taong binanggit sa artikulong ito.

HOT STORIES

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On Sunday, October 11, 2020, Sarah Wurtzbach (left) took to Instagram to express her mounting anger at sister Pia Wurtzbach and their mother Cheryl Alonzo Tyndall.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results