Janine Berdin admits nose enhancement: “Sobrang happy ako sa self ko ngayon.”

by Arniel C. Serato
Oct 12, 2020
Janine Berdin on her new look: "Ang happy happy ko this past week. Lalo na po sa love na ipinapakita ng mga tao. Nakaka-happy po, sobra.”
PHOTO/S: Courtesy: @ml_salon_and_spa / @janineberdin on Instagram

Inamin ng "Tawag ng Tanghalan" Season 2 grand winner na si Janine Bernin na nagpa-enhance siya ng kanyang ilong.

Nag-trending si Janine noong October 5 dahil sa bagong look niya. Duda ng maraming netizens ay may ipinaayos sa kanyang mukha ang singer.

Sa panayam ni Janine sa online show na Gabing Gabi Na Vice na inilabas sa YouTube kagabi, October 11, diretso siyang tinanong ni Vice Ganda kung may pina-enhance siya sa kanyang mukha at kung anu-ano ang mga ito.

Pag-amin ni Janine, “A, yung biggest insecurity ko talaga is yung nose ko. So, yun po yung pina-enhance ko.

“Yung nose ko lang po.”

Ayon pa sa singer, hindi siya masaya noon sa kanyang sarili.

Saad niya, “Yun po talaga yung hinanap ko dati. Kasi kung parang naano po ako, parang nasa-sad po ako lagi kahit alam kong sobrang blessed po ako.

“Parang sa sarili ko po nanggaling yung ako mismo yung source of sadness ko. Parang hindi po ako masaya sa sarili ko dati.

Continue reading below ↓

“Parang ngayon, sobrang saya ko po talaga. Sobrang nararamdaman ko na yung saya ko.

“Ang dami pong nagsasabi na parang nararamdaman din nila yung saya ko.

“So, ayan, happy.”

Pero paglilinaw ni Vice, hindi nila ini-encourage ang mga taong magparetoke "to feel good about yourself."

Pahayag ng It's Showtime host, “We are not encouraging that. Ang ini-encourage natin is you have to feel good about yourself kung saan mo yun makukuha, go.”

“NAKAKA-HAPPY PO, SOBRA”

Ayon kay Vice, nadamay ang mga mata ni Janine sa pagpapa-enhance nito ng ilong. Sa mga susunod na buwan ay lalo pa raw lilitaw ang ganda ng singer.

Kuwento naman ni Janine, “Sabi ng mga friends ko, ‘Ba't nagpu-post ka kaagad ng pictures?’

“Excited lang kasi talaga ako. Parang sobrang ang saya ko lang po talaga every time I open my camera.

“Hindi ko po napigilan ang sarili ko, wala lang, ang saya ko lang po talaga.

Continue reading below ↓

“Ang saya ko lang talaga ngayon kahit wala pang one month, sobrang excited lang po talaga ako.”

Tinanong siya ng comedian-TV host kung nagagandahan na ba siya sa kanyang sarili ngayon?

Sagot ng Cebuana singer, “Sobra po. Sobrang happy ako sa self ko ngayon.

“’Yun po, yun po ang feeling ko ngayon. Ang happy, happy ko this past week.

“Lalo na po sa love na ipinapakita ng mga tao. Nakaka-happy po, sobra.”

"CHAKA BEFORE?"

Tinanong din ni Vice si Janine kung feeling ba niya ay “chaka” siya dati?

Hindi naman nagsinungaling si Janine sa kanyang nararamdaman noon.

Aniya, “Yeah, sa totoo lang po. Sobra po akong nai-insecure kasi parang... lalo na po dito sa industry natin.

“Parang yung pressure, 'tapos yung sinasabi ng tao, kahit yung advice po ng marami, ng everybody na, ‘Huwag mo na pakinggan kasi singer ka naman, tutukan naman talaga is yung voice mo.’

“Pero naapektuhan po ako Ate [Vice].

Continue reading below ↓

“Kasi napapansin niyo po sa dati kong post na parang kitang-kita po yung difference. Kitang-kita po na hindi ako masaya sa sarili ko dati.

“Parang, kaya kapag pinapanood ko yung mga videos at saka mga photos ko ngayon, ibang-iba po.

"Hindi lang po sa hitsura kundi pati na sa aura, na ang saya ko na ngayon."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janine Berdin on her new look: "Ang happy happy ko this past week. Lalo na po sa love na ipinapakita ng mga tao. Nakaka-happy po, sobra.”
PHOTO/S: Courtesy: @ml_salon_and_spa / @janineberdin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results