Vice Ganda on speakership battle: “May nakoronahan sa wakas!”

by Arniel C. Serato
Oct 13, 2020
Vice Ganda throws shades at speakership battle between Representatives Lord Allan Velasco (left) and Alan Peter Cayetano (right). Today, Cayetano resigned as Speaker as his colleagues elect Velasco as the new House Speaker.
PHOTO/S: Facebook / Instagram

Tapos na ang agawan sa speakership sa House of Representatives.

Ngayong Martes, October 13, napormalisa na ang eleksyon kay Marinduque Representative Lord Allan Velasco bilang bagong House Speaker.

Una siyang ibinoto ng 186 mambabatas sa isang special session na idinaos sa Celebrity Sports Plaza, sa Quezon City, kahapon, October 12.

Bago pa man ang session sa Kongreso ngayong araw, nag-tweet ang It’s Showtime host na si Vice Ganda tungkol dito kagabi.

Sabi ng 44-year-old Kapamilya comedian-TV host, “Tapos na ang pageant sa Kongreso. May nakoronahan na sa wakas.

“Ang tagal din ng pre pageant ha impernez!”

Continue reading below ↓

Pero dahil kagabi ay hindi pa susumuko sa laban si House Speaker Alan Peter Cayetano, muling nag-tweet si Vice.

Saad niya, “So sino na talaga ang pageant winner?

"May Steve Harvey moment ba? Sino ang Colombia at sino ang Philippines????”

Ang tinutukoy ni Vice ay ang nangyaring kamalian ni Steve Harvey sa pagbasa ng totoong winner sa Miss Universe 2015.

Continue reading below ↓

Ang una niyang inanunsiyong winner ay si Miss Colombia Ariadna Gutierrez, at hindi ang pambato ng Pilipinas na si Pia Wurtzbach.

Matapos ang halos apat na minuto, nag-apologize si Steve at itinama ang kanyang pagkakamali.

Idineklara niyang si Pia ang totoong Miss Universe 2015 winner.

CONGRESS FORMALIZES ELECTION OF VELASCO AS HOUSE SPEAKER

Bago magtanghalian ngayong araw, nagdaos ng session ang Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Dito ay niratipikahan ng mga mambabatas ang eleksyon ni Velasco.

Muling nakakuha ng 186 boto si Velasco, ngunit may mga humahabol pang boto at umabot na ito sa lagpas 200 boto.

Sa ngayon, may 299 mambabatas ang bumubuo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

CAYETANO TENDERS IRREVOCABLE RESIGNATION AS SPEAKER

Kasabay ng session sa Kongreso, nagdaos naman ng kanyang Facebook live si Taguig First District Representative Cayetano.

Dito ay sinabi niyang magre-resign na siya bilang Speaker of the House

Deklara ni Cayetano, “I am tendering my irrevocable resignation as Speaker of the House of the Republic of the Philippines.”

Continue reading below ↓

Nauna nang nagkaroon ng iringan sina Cayetano at Velasco dahil sa “gentlemen’s agreement” nila para sa term-sharing deal bilang tagapamuno ng Kongreso.

Ang term-sharing deal na ito ay pinangasiwaan mismo ni President Rodrigo Duterte noong 2019.

Ngunit ilang araw bago ang napagkasunduang petsa, tila ayaw na itong i-honor ni Cayetano kahit makailang ulit na silang humarap sa Pangulo.

Marami naman ang nagsasabing malaki ang naging papel ni Davao City Mayor at Hugpong ng Pagbabago (HNP) chairman Sara Duterte sa palitan ng speakership.

Si Sara rin ang namuno upang mapatalsik si Davao del Norte 1st District Representative Pantaleon Alvarez bilang House Speaker noong 2018, kung saan pinalitan siya ni Pampanga Representative at former President Gloria Macapagal-Arroyo.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda throws shades at speakership battle between Representatives Lord Allan Velasco (left) and Alan Peter Cayetano (right). Today, Cayetano resigned as Speaker as his colleagues elect Velasco as the new House Speaker.
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results