Arnold Clavio takes a swipe at lawmakers over speakership tussle: “Bumabaha ngayon sa Batasan Pambansa ng mga balimbing!!!”

by Arniel C. Serato
Oct 13, 2020
Arnold Clavio calls lawmakers "balimbing" in an Instagram post over speakership tussle in Congress.
PHOTO/S: File / Courtesy: House of Representatives on Facebook

Nagpasaring ang Kapuso broadcaster na si Arnold Clavio sa mga mambabatas bago magdaos ng session ang Kamara ngayong araw, October 13.

Ito ay kaugnay ng kumalat na balitang baka magkaroon ng session sa umaga, na pangungunahan ng presumptive Speaker na si Congressman Lord Allan Velasco ng Marinduque, at sa hapon, na pamumunuan naman daw ni House Speaker Alan Peter Cayetano.

Naihalal ng mambabatas si Velasco bilang House Speaker sa isang impormal na session na idinaos sa Celebrity Sports Plaza, sa Quezon City, kahapon, October 12.

Hanggang kaninang umaga ay hindi pa rin nagko-concede si Cayetano sa kanyang posisyon.

Sa Instagram post ni Arnold, sinabi niyang “maging alisto” ang mga mamamayan dahil nagkalat ngayon ang "mga balimbing" sa Kongreso.

Mensahe niya: “FLASH REPORT!!!!

“Mga iGan!!! Mag-ingat. Maging ALISTO!!!

“Bumabaha ngayon sa Batasan Pambansa ng mga balimbing!!!

“Ang detalye maya-maya lamang.”

Continue reading below ↓

Marahil ang tinutukoy ni Arnold ay ang mga mambabatas na sumusuporta kay Cayetano na babaligtad at susuporta naman ngayon kay Velasco.

Isang kaibigan ni Arnold ang nagkomento sa kanyang post: “Dinaig pa ang teleserye sa kadramahan, Igan. :| Sayang ang buwis.”

Tugon ng broadcaster: “pera lang ang katapat.”

"NADENGGOY?"

Sa nauna niyang post kagabi, October 12, nagbahagi si Arnold ng larawan ni Cayetano na tila may “pisi” sa leeg.

Continue reading below ↓

Sabi niya sa caption (published as is), “Good luck ???? May the best man accepts the result.. ???? hahaha Asa pa ako... #nadenggoy #speaker

Ang salitang “nadenggoy” o “naloko” ay binitawan diumano ni Pangulong Rodrigo Duterte sa meeting nila ni Congressman Velasco sa Malacañang noong Biyernes, October 9.

Sabi ni Velasco sa panayam ng media, "Kitang kita ko yung galit ng Pangulo.

Continue reading below ↓

"Sabi sa akin ni Pangulo, 'Lord, hindi lang ikaw ang napahiya dito, tayong dalawa.'

"Actually, the President used the word, 'Lord, nadenggoy tayong dalawa.'"

Ang tinutukoy ni Duterte ay ang “gentlemen’s agreement” na brinoker niya mismo sa pagitan nina Velasco at ni Cayetano noong 2019.

Lord Allan Velasco, Alan Peter Cayetano, Rodrigo Duterte

Sa nasabing term-sharing deal, magiging House Speaker si Cayetano sa loob ng 15 buwan at si Velasco naman ay hahalili pagdating ng October 2020. Tatayo siyang Speaker sa loob ng 21 na buwan.

Continue reading below ↓

Pero mukhang ayaw na raw itong i-honor ni Cayetano.

Ang pangamba ng Pangulo ay magiging hostage ang budget ng gobyerno para sa taong 2021 sa bangayan ng dalawang kaalyadong kongresista.

Malaking bahagi pa naman daw ng budget ang nakalaan para sa COVID-19 rehabilitation ng gobyerno.

Dahil sa girian ng dalawang kampo, nagkaroon ng coup ang mga mambabatas at iniluklok sa isang impormal na pagtitipon si Velasco kahapon.

Naging opisyal ang pagiging House Speaker ni Velasco nang magdaos sila ng session sa loob ng plenaryo ng Kongreso ngayong umaga ng Martes, October 13.

Kasalukuyan nang tinatalakay sa secial session ng Kongreso ang National Expenditures Program (NEP) para sa 2021.

UPDATE: Nagkaayos na sina Cayetano at Velasco sa isang meeting sa Malacañang na pinangunahan ni Pangulong Duterte ngayong hapon.

Kasama rin sa meeting sina Executive Secretary Salvador Medialdea at Senator Bong Go.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arnold Clavio calls lawmakers "balimbing" in an Instagram post over speakership tussle in Congress.
PHOTO/S: File / Courtesy: House of Representatives on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results