Daniel Padilla reacts to ABS-CBN star builder Johnny Manahan's transfer to TV5

by Rachelle Siazon
Oct 13, 2020
Daniel Padilla (left) on the deep respect and trust he has for Johnny Manahan (right): "So, tayo, be careful kung sino ang sinasamahan at pinapakinggan natin. Kasi minsan hindi mo alam kung saan ka dinadala nun.Na tayo, sa parte natin, alamin natin ang dapat at hindi dapat pinapakinggan."
PHOTO/S: CTTO via Daniel Padilla Facebook / Star Magic

Inamin ni Daniel Padilla na nagkaroon sila ng pagkakataong mag-usap ng respetadong star builder at TV director na si Johnny Manahan bago nagsimula ng bagong proyekto ang huli sa TV5.

"Oo naman. E, kasi yung mga ganung bagay wala na akong magagawa dun dahil siyempre mga bossing ko 'yan. Nandito lang kami nakikinig," bungad ni Daniel.

"Hindi naman kami puwedeng 'Huwag, huwag.' Hindi ko naman puwedeng gawin yun dahil ako, e, alaga lang ako ng bossing ko, ni Mr. M.

"Kung ano man ang desisyon niya, kailangan natin respetuhin yun."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Daniel sa presscon ng Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience noong October 6.

Si Johnny, o mas kilala bilang Mr. M sa showbiz circles, ay chairman emeritus ng Star Magic, ang talent-management arm ng ABS-CBN.

Siya rin ang director ng ASAP Natin 'To, mula nang mabuo ang weekly musical-variety show noong 1995 hanggang nitong taong 2020.

Continue reading below ↓

Hanggang sa, nitong Setyembre 2020, naiulat na si Mr. M ang huhulma ng bagong weekly musical-variety show na Sunday Noontime Live sa TV5.

Isa itong blocktimer na prinodyus ng Brightlight Productions, na pag-aari ni dating Negros Occidental Third District Representative Albee Benitez.

LIKE AN "ERPAT" TO DANIEL

Ayon kay Daniel, hindi matatawaran ang kontribusyon ni Mr. M bilang star builder ng ABS-CBN.

Parang "erpat" na raw ang tingin niya rito.

Mula nang unang sumabak si Daniel sa showbiz noong 2010—nang ibinilin siya kay Mr. M ng yumaong talent manager na si Douglas Quijano—ay nasa pangangalaga na siya ng Star Magic, na pinamumunuan ngayon ni Mariole Alberto.

Lahad pa ng Kapamilya actor sa PEP.ph: "Hindi naman nagkulang si Mr. M sa dami ng panahon niya na nandito siya sa ABS-CBN.

"Hindi ba lahat naman kami? Almost lahat ng mga malalaking artista ngayon at ang mga nagsisimulang lumaki, e, galing sa kanya.

Continue reading below ↓

"Hawak niya yun, siya nakakakita nun. Siya pa rin ang star creator nating lahat."

Hindi raw nagtatapos ang magandang relasyon ni Daniel kay Mr. M sa paglipat nito ng ibang istasyon.

"Pero hindi naman dahil sa nangyaring iyon, hindi na kami mag-uusap. Magkikita pa rin kami hanggang ngayon dahil magiging erpat ko yun.

"Siya rin ang dahilan kung bakit ako nagka-concert ngayon.

"Siya ang dahilan bakit mayroon akong lakas ng loob na mag-ASAP at kumanta nang live."

Mas nagkaroon daw siya ng kumpiyansang sumabak sa live performance.

"Dahil tuwing may blocking, lalapit lang ako, 'Mr. M ano ba ito? Kaya ko ba ito?' 'Ano ka ba, DJ? Rock and roll lang iyan.'

"Dun na lang, 'tapos iga-guide niya ako sa stage, and that's it.

"Sa kanya ako nagsimulang mag-perform-perform."

Diin pa ni Daniel, "Sa kanya lahat yun, and hindi magbabago kung anuman nangyari sa ating lahat.

"Hindi magbabago ang respeto at pagmamahal ko sa kanya."

Continue reading below ↓

ON HAVING PROPER GUIDANCE

Mahihinuha sa bitiw ng mga salita ni Daniel na malaki ang tiwala niya kay Mr. M.

Sabi niya, "Hindi naman ako lang ito. Proper guidance din ng mga nasa paligid ko. Ang produkto nila—kami.

"So, tayo, be careful kung sino ang sinasamahan at pinapakinggan natin.

"Kasi minsan hindi mo alam kung saan ka dinadala nun.

"Na tayo, sa parte natin, alamin natin ang dapat at hindi dapat pinapakinggan. Ganun lang."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Daniel Padilla (left) on the deep respect and trust he has for Johnny Manahan (right): "So, tayo, be careful kung sino ang sinasamahan at pinapakinggan natin. Kasi minsan hindi mo alam kung saan ka dinadala nun.Na tayo, sa parte natin, alamin natin ang dapat at hindi dapat pinapakinggan."
PHOTO/S: CTTO via Daniel Padilla Facebook / Star Magic
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results