Pia Wurtzbach no-show in her weekly online talk show following issue with sister Sarah

by Bernie V. Franco
Oct 13, 2020
Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach (left) was absent in the latest episode of her online live pageant talk show with fellow beauty queens Carla Lizardo and Bianca Guidotti.
PHOTO/S: @piawurtzbach on Instagram / YouTube (Pia Wurtzbach)

Hindi nakasipot si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa online weekly talk show na Queentuhan ngayong gabi ng Martes, October 13.

Ang Queentuhan ang online live pageant talk show na umeere tuwing Martes.

Co-host ni Pia sa show ang kapwa beauty queens at matalik na kaibigang sina Bianca Guidotti (Binibining Pilipinas International 2014) at Carla Lizardo (Mutya ng Pilipinas Intercontinental 2010).

Ito ang unang beses na hindi nakasipot si Pia sa online talk show na nasa season 2 na.

Tumaon ang pag-absent ni Pia sa recent issue tungkol sa di nila pagkakaunawaan ng nakababatang kapatid na si Sarah Wurtzbach.

Pinag-usapan ang Instagram posts ni Sarah noong Linggo, October 11. Dito ay inilabas ni Sarah ang sama ng loob kay Pia at sa kanilang inang si Cheryl Alonzo Tyndall.

WHY PIA IS ABSENT?

Sa pagsisimula ng Queentuhan live ngayong gabi, dalawang windows lang ang bumungad—kina Carla at Bianca.

Nagpaliwanag si Carla kung bakit wala si Pia.

Continue reading below ↓

Sabi niya, “Unfortunately, si Pia will not be able to join us tonight, kasi meron na siyang work scheduled months ago that, unfortunately, coincided with our schedule.”

Pero paniniyak ni Carla, “But don’t worry because, of course, she will be back for our next episode.”

Gayunpaman, ang episode ngayong gabi ay ipinalabas pa rin sa YouTube channel ni Pia. Umeere rin simultaneously ang program sa Facebook at Spotify.

Continue reading below ↓

Samantala, kapansin-pansin din ang pagiging tahimik ni Pia sa social media simula nang pumutok ang isyung kinasasangkutan ng kanyang pamilya.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita ang beauty queen kaugnay ng kontrobersiya.

Hiningi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang panig ni Pia hinggil sa isyu simula nang lumabas ang isyu.

Hindi pa kami nakakatanggap ng sagot. Pero ilalathala namin ito oras na sumagot ang former Miss Universe.

SARAH BACK ON INSTAGRAM

Samantala, naka-public na uli ang Instagram account ni Sarah, dalawang araw matapos niya itong ilagay sa private mode.

Nag-private mode si Sarah matapos mag-viral ang sunud-sunod niyang Instagram Story na naglalaman ng kanyang hinaing laban kay Pia.

Ngayong Martes, October 13, balik public mode ang Instagram account ni Sarah.

May Instagram Story rin siyang may kaugnayan sa kinasangkutang isyu.

Nagpasalamat ang kapatid ni Pia sa mga taong nakipag-ugnayan sa kanya na nakisimpatiya.

Mensahe ni Sarah, “To all the people that took their time to share their stories with me, about hardships in life and about everything else left unspoken.

Continue reading below ↓

"I hear you. I feel your pain. I’m with you.

“Thank you for tonight, it brings me joy for us to find peace in turmoil.

“You know who you all are.” [heart emoji]

Sa mga post ni Sarah noong Linggo, hindi na niya itinago ang mabigat na pinagdadaanan at kawalan umano ng suporta ng kanyang mga kadugo.

Kinabukasan, matapos na tila mahimasmasan, muling nag-post sa Instagram Story si Sarah at nakikiusap na huwag kamuhian si Pia.

Bagamat galit pa siya, hindi raw makakatulong ang negativity ng ibang tao para maresolba ang pinagdadaanan ng kanilang pamilya.

Mananatiling bukas ang PEP.ph para sa panig ni Pia at ng lahat ng sangkot hinggil sa isyung ito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach (left) was absent in the latest episode of her online live pageant talk show with fellow beauty queens Carla Lizardo and Bianca Guidotti.
PHOTO/S: @piawurtzbach on Instagram / YouTube (Pia Wurtzbach)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results