Luis Manzano to Piolo Pascual on transfer to TV5: “di mo kinakaya na mas cute ako sa yo dito sa ABS”

by Arniel C. Serato
Oct 14, 2020
Dinaan ni Luis Manzano (left) sa biro ang paglipat ni Piolo Pascual (right) sa TV5, habang nag- "Congratulations and Goodluck Bro" naman kay Piolo si Vhong Navarro. Lahat sila ay kilala bilang Kapamilya stars.
PHOTO/S: File / Piolo Pascual on Facebook

Sa Linggo na magsisimula, October 18, ang bagong Sunday musical-variety show ni Piolo Pascual sa TV5, ang Sunday Noontime Live (SNL).

Makakasama ni Piolo rito ang mga dati ring talents ng ABS-CBN na sina Miss Universe 2018 Catriona Gray, Donny Pangilinan, Jake Ejercito, at Maja Salvador.

Sa kanyang Instagram ngayong hapon ng Miyerkules, October 14, nagbahagi si Piolo ng promotional poster ng SNL.

Continue reading below ↓

Sa comments section, isa sa mga bumati kay Piolo ay ang dating kasamahan sa ABS-CBN na si Luis Manzano.

Humirit si Luis ng kung bakit daw nilisan ni Piolo ang Kapamilya network para sa Kapatid station.

Sabi ng TV host-actor, “Congrats bro... alam ko naman yung totoo... di mo kinakaya na mas cute ako sa yo dito sa ABS kaya lumayo ka nalang sa gulo. Tama yan.”

Continue reading below ↓

Hindi naman sumagot si Piolo sa biro ni Luis.

Nagpaabot ng pagbati kay Piolo ang It’s Showtime host na si Vhong Navarro.

Mensahe ni Vhong, “Congratulations and Goodluck Bro @piolo_pascual

PIOLO ON TV5

Lumutang ang pag-alis ni Piolo sa ASAP Natin ‘To noong unang linggo ng Setyembre dahil ilang linggo na siyang hindi napapanood sa Sunday musical-variety show ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Sa ulat ng PEP Troika, nabalitaan nilang magiging bahagi ang actor-TV host sa binubuong musical-variety show ng TV5.

Makakatapat nito ang ASAP Natin 'To, na dating kinabibilangan ni Piolo sa ABS-CBN, at ang All-Out Sundays ng GMA-7.

September 14, nakumpirma ang balitang isa si Piolo sa umalis ng ABS-CBN upang maging bahagi ng programa sa TV5 ng Brightlight Productions ni dating congressman Albee Benitez.

May mga nagsasabi namang sinamahahan lang ni Piolo ang tatay-tatayan niyang si Johnny “Mr. M” Manahan, na lumisan na rin bilang direktor ng ASAP Natin ‘To.

Si Mr. M ang magiging direktor ng SNL.

Si Mr. M ang chairman emeritus ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Nag-ugat ang pag-alis ng ilang Kapamilya talents papuntang ibang network dahil sa pagkawala ng ABS-CBN sa free-to-air television.

Ito ay matapos ibasura ng Kongreso ang franchise application ng broadcast giant noong July 10, 2020. Matagal nang pinag-iinitan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Lopez-owned ABS-CBN.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dinaan ni Luis Manzano (left) sa biro ang paglipat ni Piolo Pascual (right) sa TV5, habang nag- "Congratulations and Goodluck Bro" naman kay Piolo si Vhong Navarro. Lahat sila ay kilala bilang Kapamilya stars.
PHOTO/S: File / Piolo Pascual on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results