Did Jerome Ponce, volleyball star Mika Reyes break up?

by Arniel C. Serato
Oct 14, 2020
Administrators of Mika Reyes's Facebook fan page hint at breakup between the volleyball star and actor Jerome Ponce.
PHOTO/S: Courtesy: @mrjeromeponce on Instagram

Hiwalay na ba ang aktor na si Jerome Ponce at ang volleyball star na si Mika Reyes?

Ito ay kung pagbabasehan ang mensaheng nakasaad sa Facebook fan page ni Mika ngayong hapon ng Miyekules, October 14.

Makahulugang post ng administrator nito: “With or without Jerome Ponce, she is still THE Mika Reyes whom people love and support for her swag and charm.”

Kapansin-pansin din ang mga katagang ito: “Cheaters are losers, remember that.”

Continue reading below ↓

At press time ay mayroon na itong 25,000 reactions sa loob lamang ng apat na oras.

Kahapon, October 13, may isa pang post ang isang administrator ng Facebook fan page ni Mika.

Saad dito, “WHAT A STRONG GIRL! She still has this big smile despite everything. Stay strong, Mika! We love you!"

Continue reading below ↓

“KEEP SMILING, OUR SUNSHINE”

Noong October 12 naman, sunud-sunod na mensahe ang ibinahagi ng iba pang administrators ng Facebook fan page ni Mika.

Nakalagay sa unang post, “You are beautiful,

"You are strong,

"You are worth it.”

Caption naman sa isang post, “Sending this girl a one big hug!

"You deserve all the love and support!

Continue reading below ↓

"Keep smiling, our sunshine.”

Kapansin pansin namang matagal nang walang bagong post sa Instagram sina Jerome at Mika na magkasama sila.

In-unfollow na rin nila ang isa't isa sa Instagram.

Continue reading below ↓

FOUR-YEAR RELATIONSHIP

Kung totoong break na sina Jerome at Mika, apat na taon ang itinagal ng kanilang relasyon.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jerome noong July 2019, sinabi nitong hindi mahalaga kung showbiz o non-showbiz ang kanyang karelasyon.

Pahayag ng aktor, “Actually, pagdating sa relationship naman, wala naman 'yang ano, e, wala siyang dapat na kailangang ano.

“Minsan, kailangan niyo lang mag-jive diyan, kailangan mo din lang mag-adjust.

"Kailangan mo lang din minsan mag-connect kahit parehas pa kayong artista, kahit hindi kayo artista, magkaibang propesyon kayo.

“Kung anuman, hindi kayo magkaedad, kung anuman, mas bata, mas matanda, wala, as long as jive kayo, yun yun.”

Bago naging sila ni Mika, ang huling naging girlfriend ni Jerome ay si Elisse Joson. Ngunit matagal nila itong itinago sa publiko hanggang sa naghiwalay sila noong unang bahagi ng 2017.

Nagpadala ang PEP.ph ng mensahe kina Jerome at Mika via direct messaging sa Instagram para makakuha ng pahayag ukol dito. Wala pa kaming nakukuhang sagot at press time.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Administrators of Mika Reyes's Facebook fan page hint at breakup between the volleyball star and actor Jerome Ponce.
PHOTO/S: Courtesy: @mrjeromeponce on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results