Sorsogon’s Isabela Galeria withdraws Miss Universe Philippines bid after surviving COVID-19

by Jet Hitosis
Oct 15, 2020
Miss Sorsogon Maria Isabela Galeria backs out: "I believe now is not the right time to join the pageant. I still feel tired, and I don't think my body will allow me to participate in the activities of Miss Universe Philippines."
PHOTO/S: @mariaisabelagaleria on Instagram

Umurong na sa pagsali sa Miss Universe Philippines 2020 ang pambato ng Sorsogon na si Maria Isabela Galeria.

Inanunsiyo ito ni Isabela sa kanyang social media pages ngayong Huwebes ng gabi, October 15.

Si Isabela ang kandidata ng Miss Universe Philippines na nagpositibo sa COVID-19 nitong September 27.

Sa announcement ni Isabela ngayong Huwebes, ibinalita niyang nagnegatibo na siya sa coronavirus noon pang Linggo, October 11.

Sa kabila nito, nagdesisyon si Isabela na ipagpaliban muna ang pagsali niya sa pageant, na magiging daan sana upang maging kinatawan siya ng Pilipinas sa Miss Universe 2020.

COVID SURVIVOR

Sa Instagram post ni Isabela ngayong Huwebes ng gabi, nagbigay siya ng detalye tungkol sa kanyang pagkakasakit.

Continue reading below ↓

Bagamat nagkaroon ang Bicolana beauty titlist ng mga karaniwang sintomas ng COVID-19, masuwerte pa rin daw siyang hindi umabot sa puntong nahirapan siyang huminga.

Kuwento ni Isabela, tumagal ng mahigit dalawang linggo ang gamutan, bukod pa ito sa 14 araw na kailangan niyang mag-quarantine.

Pagkatapos ng quarantine period, itinakda raw siyang ma-release ng October 8.

Alinsunod sa protocol, dapat wala na siyang anumang sintomas ng COVID-19 tatlong araw bago siya ma-discharge.

Gayunman, ayon kay Isabela, mayroon pa rin siyang mga sintomas nang mga panahong iyon.

Nagpositibo rin daw sa virus ang ama ni Isabela.

Pagsapit ng October 11, idineklara ng mga doktor na “COVID SURVIVORS” na silang mag-ama.

“MY BODY IS NOT WELL CONDITIONED”

Bagamat ligtas na sa COVID-19, nagpasya si Isabela na hindi na lang sumali sa Miss Universe Philippines ngayong buwan.

Nagpasalamat na lang siya sa lahat ng tumulong at sumuporta upang mapabilang siya sa 50 maglalaban-laban para sa Miss Universe Philippines crown.

Continue reading below ↓

Sa October 25 ang grand coronation night ng kauna-unahang Miss Universe Philippines pageant.

Sabi ni Isabela: “I'm forever grateful to each of you who invested so much time and effort in helping me through this journey; however, even with a strong will to fight, my body is not well conditioned yet.”

“NOW IS NOT THE RIGHT TIME”

Ayon kay Isabela, hapung-hapo pa rin ang pakiramdam niya, na epekto ng naligtasang coronavirus.

Natitiyak daw niyang hindi kakayanin ng kanyang katawan ang pre-pageant activities bago ang coronation night.

“With a heavy heart, I believe now is not the right time to join the pageant.

“I still feel tired, and I don't think my body will allow me to participate in the activities of Miss Universe Philippines.”

Hiling ni Isabela ang pang-unawa ng kanyang mga tagasuporta, partikular na ang mga kababayan niya sa Sorsogon.

Ilang araw nga raw niyang pinag-isipang mabuti at iniyakan ang kanyang naging desisyon.

Continue reading below ↓

“I hope you understand this is something beyond my control.

“I've thought hard and cried for so many nights about this. I have the willpower, but my body is not cooperating.

“I'm praying for your utmost understanding.

“I love you all!! Mahal na Mahal ko kamo!! [loudly crying face, heart emojis]”

Continue reading below ↓

HEART’S BET, ANNE’S MEME PARTNER

Isa ang actress-fashion icon na si Heart Evangelista sa masugid na sumusuporta sa pagsali ni Isabela sa Miss Universe Philippines.

Si Heart ang First Lady ng Sorsogon, bilang misis siya ni Governor Francis “Chiz” Escudero.

Noong nakaraang taon, sa Binibining Pilipinas sumali si Isabela. Isa siya sa Top 15 finalists.

Naging pamilyar ang publiko kay Isabela nang mga panahong iyon matapos siyang bumida sa mga memes at online jokes sa social media.

Kasama noon ni Isabela sa memes si Anne Curtis, na isa sa mga hosts ng pageant.

Ginawang katatawanan ng publiko ang matiyagang paghawak ni Anne sa microphone habang sumasagot sa tanong ng panel of judges si Isabela.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Sorsogon Maria Isabela Galeria backs out: "I believe now is not the right time to join the pageant. I still feel tired, and I don't think my body will allow me to participate in the activities of Miss Universe Philippines."
PHOTO/S: @mariaisabelagaleria on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results