Jake Ejercito hints at number of ex-girlfriends

by Rachelle Siazon
Oct 16, 2020
Jake Ejercito on falling in love: "I believe it just happens. Right place, right time, right person."
PHOTO/S: PEP Exclusives

Inamin ni Jake Ejercito na mabibilang lamang sa isang kamay ang naging karelasyon niya.

Hindi kaila sa publiko na apat na taong nakarelasyon ni Jake ang aktres na si Andi Eigenmann.

Kinumpirma nila ang kanilang hiwalayan noong September 2014.

Mayroon silang anak, si Ellie, na magsisiyam na taong gulang na sa darating na Nobyembre.

Continue reading below ↓

Low-key naman si Jake kung sino ang mga sumunod niyang nakarelasyon.

SINGLE BUT HAPPY

Pero matagal na raw siyang single.

"Oh, yeah, I've been happily single for a while now," nakangiting pahayag ni Jake.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jake para sa PEP Exclusives, na eere sa Sabado ng 8:00 p.m., October 17.

Hindi raw siya nagmamadaling makahanap ng bagong pag-ibig.

"I never look for it. Love, for me, I believe it just happens. Right place, right time, right person."

Naniniwala raw si Jake sa love at first sight.

Aniya, "Obviously, kasama yung looks. Yun yung first thing na mapapansin mo, e."

Pero gusto rin ni Jake na may interesting personality ang isang babae.

"Kasi if she couldn't carry a conversation, so paano mangayayari, di ba?"

Kuwento pa ni Jake, siya raw ang tipo na mas nasusunod ang puso kaysa isip kapag nai-in love.

"Paano ako umasa? It's funny talking about it, pero when I fall for someone, I kind of fall hard.

Continue reading below ↓

"So I will do everything to the point na medyo nagiging unhealthy."

Isang binigay na halimbawa ni Jake ay nangyari raw noong college student siya sa London.

Aniya, "Like, there are times I'd fly from London to Manila just to run after a girl. Wala sa plano and without my parents knowing."

CAREER OVER LOVE LIFE

Sa edad na 30, prayoridad daw ni Jake ang career kaysa ang love life.

Lalo na't nag-uumpisa pa lang siyang sumabak sa showbiz.

Isa si Jake sa co-hosts ng Sunday Noontime Live, ang bagong Sunday musical variety show sa TV5 na iprinoprodyus ng Brightlight Productions.

Kasama ni Jake rito sina Piolo Pascual, Maja Salvador, Miss Universe 2018 Catriona Gray, at Donny Pangilinan.

Hindi naman itatago ni Jake sakaling magkaroon siya ng bagong pag-ibig.

Natatawang sabi niya, "Update ko kayo!"

Ano ang buhay ni Jake noong panahong nag-aral siya ng kursong may kinalaman sa politics sa London? Bakit niya naisipang mag-aral ng marketing para sa kanyang post-graduate studies? Paano nagdesisyon si Jake na pasukin ang showbiz?

Continue reading below ↓

Abangan ang masayang kuwentuhan kasama si Jake sa PEP Exclusives, Sabado 8:00 p.m., sa PEP.ph Facebook.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jake Ejercito on falling in love: "I believe it just happens. Right place, right time, right person."
PHOTO/S: PEP Exclusives
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results