Angel Locsin reveals Neil Arce did not want marriage or kids

Oct 17, 2020
Angel Locsin, Neil Arce
Actress-TV host Angel Locsin and film producer Neil Arce have been close friends since 2010. They officially became a couple in February 2018, got engaged in June 2019, and are supposed to get married in November 2020. However, they had to postpone their wedding to "early next year" because of the pandemic.
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram, Screengrab from The Angel and Neil Channel

Nagbago ang mga plano sa buhay ni Neil Arce matapos mauwi sa romantic relationship ang pagkakaibigan nila ni Angel Locsin.

Kung dati ay walang balak mag-asawa at magkaanak muli si Neil, handang-handa na ngayon ang film producer na magkaroon ng sariling pamilya kasama ang fiancée niyang actress-TV host.

Naikuwento ito ni Angel, 35, sa latest vlog nila ni Neil na in-upload nitong Biyernes, October 16.

Maituturing na authority sina Angel at Neil sa pagpapayo sa mga magkaibigang nagkaibigan.

Ganito kasi mismo ang itinakbo ng kanilang love story.

ANGEL's AND NEIL’S FRIENDSHIP

Kuwento ni Neil, taong 2010 sila naging magbarkada ni Angel.

Kasama sina Angel at Neil sa grupo ng showbiz friends, na kinabibilangan nina Bubbles Paraiso, Paolo Paraiso, Chito Miranda, at iba pa.

Pero pitong taon pa raw ang lumipas bago nila na-realize na higit pa sa pagkakaibigan ang tinginan nila.

Sa simula, naging go-to person nila ang isa’t isa pagdating sa love life.

Continue reading below ↓

Ayon kay Neil, may panahon pang si Angel ang nagse-set up ng date niya sa ibang babae.

Aminado sina Neil at Angel na nagkaroon rin sila ng mga adjustments sa mga unang buwan ng pagiging magkasintahan.

Naroon ang awkwardness, gaya raw noong unang beses silang nag-holding hands.

Kalaunan, naging advantage naman ang ilang taon nilang pagkakaibigan upang mas madali nilang mapag-usapan ang mga seryosong bagay tungkol sa kanilang relasyon.

Continue reading below ↓

Kabilang dito ang future plans nila, gaya ng pagpapakasal at pagbubuo ng sariling pamilya.

ON GETTING MARRIED, HAVING KIDS

Sa vlog, inamin ni Angel na kinailangan nilang magkompromiso ni Neil sa ilang bagay nang magkasintahan na sila.

Noon pa man daw kasi ay alam ni Angel na wala sa isip ni Neil ang pag-aasawa.

Wala rin daw sa plano ni Neil na bigyan ng kapatid ang nag-iisang anak na si Joaquin Arce, 13.

Continue reading below ↓

Hindi isinasapubliko ni Neil ang pagkakakilanlan ng ina ni Joaquin.

“May anak na si Neil,” sabi ni Angel. “Parang…ayaw niyang ikasal. Alam ko yun nung magkaibigan pa lang kami.

“Ayaw niyang ikasal, ayaw na niyang magkaanak uli.”

Ayon kay Angel, naging masinsinan ang pag-uusap nila ni Neil tungkol sa isang bagay na “napakaimportante.”

Taliwas kasi ito sa pangarap ni Angel na magkaroon ng sariling pamilya.

Patuloy ni Angel: “So, kinausap ko siya, na parang… inirerespeto ko yung desisyon mo, yung gusto mo sa buhay.

“’Alam ko iyan bago pa ako pumasok sa ganitong situation.

“’Pero papaano kung ako, gusto kong magkaanak, gusto kong mag-asawa?

“’Kailangan mong respetuhin din yung desisyon ko.’

“So pinag-usapan namin kung papaano. Kung ano yung magwo-work para sa amin,” kuwento ni Angel.

WEDDING POSTPONEMENT

February 2018 nang maging opisyal ang relasyon nina Angel at Neil.

June 29, 2019 naman nang inanunsiyo ng magkasintahan ang kanilang engagement.

Continue reading below ↓

Sa susunod na buwan, November 2020, itinakda ang kasal nina Angel at Neil.

Pero dahil sa COVID-19 pandemic, nagdesisyon silang ipagpaliban ang kanilang wedding.

“It's going to be moved to early next year,” sinabi ni Neil sa panayam ng Metro.Style.

Dagdag ni Neil, “We were thinking, 'Should we do it small?' But that's not us, e. We're friends, we have a group of friends.

“We want everyone to be there. We want everyone to have fun.”

Sa parehong interview, ibinunyag ni Angel na mas hands-on si Neil sa wedding preparations kaysa sa kanya.

“Actually, mas bridezilla siya,” sabi ni Angel tungkol sa fiancé. “Ako kasi, 'Yes or no' lang. 'Okay o hindi.' Ganun lang ako.”

Base sa excitement ni Neil sa pagpapakasal nila ni Angel, walang dudang nagbago na nga ang plano sa buhay ng future groom, at handang-handa na itong magkapamilya kasama ng kanyang future bride.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress-TV host Angel Locsin and film producer Neil Arce have been close friends since 2010. They officially became a couple in February 2018, got engaged in June 2019, and are supposed to get married in November 2020. However, they had to postpone their wedding to "early next year" because of the pandemic.
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram, Screengrab from The Angel and Neil Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results