Rambo Nuñez defends girlfriend Maja Salvador from bashers

by Arniel C. Serato
Oct 18, 2020
Maja Salvador's performance on Sunday Noontime Live (SNL) becomes a trending topic on Twitter. Her boyfriend Rambo Nuñez posts on Instagram Stories, "You never fail to entertain!"
PHOTO/S: Courtesy: @rambonunez on Instagram

Dinepensahan ni Rambo Nuñez ang girlfriend na si Maja Salvador laban sa mga bashers.

Inakusahan kasi ng iilang netizens si Maja na walang utang na loob dahil sa pagtalikod nito sa ASAP Natin ‘To ng ABS-CBN.

Lumipat kasi ito sa Sunday Noontime Live (SNL) ng Brightlight Productions na nagsimula nang umere kaninang tanghali, October 18, 2020, sa TV5.

Direktang kakumpitensiya ng SNL ang ASAP Natin ‘To, na dating kinabibilangan ng 33-year-old star.

Sa post ni Maja ukol sa show noong Biyernes, October 17, inanyayahan niya ang kanyang followers na abangan ang bagong show niya with Piolo Pascual, Donny Pangilinan, Jake Ejercito, at Catriona Gray.

Sabi niya sa caption, “Sunday Noontime Live! October 18, 2020

“Sunday 12nn

“Directed by: Johnny Manahan

“2 days to go na lang! Exciting!!!!”

Continue reading below ↓

May mga hindi magandang komento dito ang ilang netizens, pero hindi sumagot ang aktres.

To the rescue naman sa kanya ang nobyong si Rambo, na nag-post ng uplifting message para sa girlfriend.

Ang komento niya kagabi, October 17, sa post ni Maja: “I’m very very proud of you!

"People wouldn’t know how you ended up in your situation but all i can say is that you’re blessed with a very good heart.

“all of us who love you are right behind you all the way”

Continue reading below ↓

Kanina habang umeere ang palabas, very supportive bilang boyfriend si Rambo, na ang panay ang update sa kanyang Instagram Stories.

Isa na nga rito ay ang tungkol sa pag-trend ni Maja sa Twitter.

Caption ni Rambo, "You never fail to entertain!"

MAJA FOLLOWS JOHNNY “MR. M” MANAHAN

Nauna nang nagsabi si Maja sa kanyang mga followers noong September 22 na aalis na siya sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Madamdamin at makahulugan ang mensahe ng aktres sa kanyang Instagram post: “Ako po ay taos pusong nagpapasalamat sa mga taong walang sawang sumusuporta sa akin at sa ABS-CBN.

“Mga kapamilya, sasamahan ko po muna ang aking tatay na si MR.M kaya sana wag po kayo magulat kung makikita niyo akong lumabas sa ibang network at patuloy makapagbigay ligaya sa inyo kahit sa anong paraan at plataporma.”

Ang tinutukoy ni Maja na "Mr. M" ay si Mr. Johnny Manahan, na dating chairman emeritus ng Star Magic, ang talent-management arm ng ABS-CBN.

Isa si Maja sa prime artists ng Star Magic.

Umaasa si Maja na patuloy pa rin siyang suportahan ng kanyang mga fans.

Sabi niya, “Sana po ay tuloy tuloy niyo akong samahan at suportahan sa kahit anong landas na aking tatahakin. maraming salamat po.”

Noong mga panahong yun, bali-balita pa lamang ang pagkakaroon ng Sunday musical variety show ng Kapatid network, at mga Kapamilya stars raw ang magiging hosts at performers.

Continue reading below ↓

At kaninang tanghali nga, nagsabong na sa ere ang tatlong Sunday variety shows: ang All-Out Sundays ng GMA, Sunday Noontime Live (SNL) ng TV5, at ASAP Natin ‘To ng ABS-CBN.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maja Salvador's performance on Sunday Noontime Live (SNL) becomes a trending topic on Twitter. Her boyfriend Rambo Nuñez posts on Instagram Stories, "You never fail to entertain!"
PHOTO/S: Courtesy: @rambonunez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results