Maja Salvador to follow Star Magic's Johnny Manahan to TV5?

by Arniel C. Serato
Sep 22, 2020
Maja Salvador: "Ako po ay taos pusong nagpapasalamat sa mga taong walang sawang sumusuporta sa akin at sa ABS-CBN." Sinabi rin nito: “Mga kapamilya, sasamahan ko po muna ang aking tatay na si MR.M kaya sana wag po kayo magulat kung makikita niyo akong lumabas sa ibang network."
PHOTO/S: Courtesy: @iammajasalvador on Instagram

Si Maja Salvador, 33, na ba ang susunod na Kapamilya star na mapapanood sa TV5?

Ngayong araw, September 22, nagpahiwatig si Maja na lalabas siya sa ibang network matapos pagkaitan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN.

Makahulugang mensahe ng aktres sa kanyang Instagram post: “Ako po ay taos pusong nagpapasalamat sa mga taong walang sawang sumusuporta sa akin at sa ABS-CBN.

“Mga kapamilya, sasamahan ko po muna ang aking tatay na si MR.M kaya sana wag po kayo magulat kung makikita niyo akong lumabas sa ibang network at patuloy makapagbigay ligaya sa inyo kahit sa anong paraan at plataporma.”

Ang tinutukoy ni Maja na "Mr. M" ay si Mr. Johnny Manahan, ang chairman emeritus ng Star Magic, ang talent-management arm ng ABS-CBN.

Isa si Maja sa prime artists ng Star Magic.

Umaasa ang aktres na patuloy pa rin siyang suportahan ng kanyang mga tagasuporta at tagahanga.

Sabi ni Maja, “Sana po ay tuloy tuloy niyo akong samahan at suportahan sa kahit anong landas na aking tatahakin. maraming salamat po.”

Continue reading below ↓

MAJA TO JOIN MR. M'S SHOW ON TV5?

Noong September 15 ay lumabas ang balitang si Johnny Manahan ang magdidirek ng bubuksang Sunday variety show ng TV5 na may titulong Live@5: Ultimate Sunday Party.

Ang napaulat na hosts ng programa ay sina Miss Universe 2018 Catriona Gray, Lani Misalucha, at ang prime artist ng Star Magic na si Piolo Pascual.

Continue reading below ↓

Kung sinasabi ni Maja na "sasamahan" muna niya si Mr. M at makikita siya sa ibang network, ang ibig kayang sabihin nito ay magiging bahagi rin siya ng Live@5?

Kilala ang husay ni Maja sa pagsasayaw kaya posibleng siya ang maging main dancer ng programa.

Ang Live@5 ay ipoprodyus ng Brightlight Productions, isang entertainment company na pag-aari ng dating mambabatas na si Albee Benitez ng Negros Occidental.

Nakakuha ang Brightlight Productions ng malaking blocktime agreement sa TV5.

Ilang linggo matapos mawalan ng prangkisa para sa free-to-air broadcast, ilan sa mga artista ng Kapamilya network ang napabalitang lilipat na sa Kapatid network.

Kung matutuloy, sina Piolo at Maja ang bagong dagdag sa listahan ng ABS-CBN stars na tatawid muna sa TV5.

Nauna na sa kanila sina Pokwang, Ria Atayde, at Jessy Mendiola na may mga palabas na sa TV5.

May balita ring si Billy Crawford ang magiging host ng bagong noontime show ng TV5, kung saan makakasama raw niya ang kaibigang si Luis Manzano.

Continue reading below ↓

Pumirma na rin ang ABS-CBN anchor at DZMM broadcaster na si Ted Failon sa TV5 para sa kanyang show sa radio arm nitong Radyo Singko 92.3 News FM.

Malamang ay sumunod na rin sa kanya ang dating kasamahan na si Korina Sanchez, na magkakaroon din daw ng sarili show sa TV5.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maja Salvador: "Ako po ay taos pusong nagpapasalamat sa mga taong walang sawang sumusuporta sa akin at sa ABS-CBN." Sinabi rin nito: “Mga kapamilya, sasamahan ko po muna ang aking tatay na si MR.M kaya sana wag po kayo magulat kung makikita niyo akong lumabas sa ibang network."
PHOTO/S: Courtesy: @iammajasalvador on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results