Hindi pa tapos si Miss Taguig City Sandra Lemonon sa pagpapakawala ng mga hinaing niya sa Miss Universe Philippines 2020.
Nagpahiwatig siyang walang dapat katakutan ang taong malinis ang konsensiya.
Sabi ni Sandra sa kanyang Instagram Story, "Only people without a clear conscience should be afraid of truth."
Sinamahan niya ito ng quote na "Defensive Behavior Is a barrier for communication."
Dagdag pa ni Sandra, "Sweet dreams."
Ipinost niya ito bandang 11 p.m. ng Linggo, October 25.
ON HANDLING PAST DEFEATS
Bago ito ay nag-repost pa si Sandra ng comment mula sa isa niyang tagahanga, na nagsabing hindi aalma si Sandra kung walang matinding pinanggagalingan.
Pinaalala ng tagahanga na dalawang beses natalo si Sandra ni Miss Universe 2018 Catriona Gray, pero hindi raw nagkaisyu noon.
Batchmates sina Catriona at Sandra sa Miss World Philippines 2016 at Binibining Pilipinas 2018.
Sabi ng tagahanga ni Sandra, "Sandra Lemonon lost to Catriona Gray twice & she never mentioned any injustices and unfair treatment in the past.
"Therefore, there's really something wrong that made her speak up not only for herself, but also for other contestants."
Sabi naman ni Sandra sa kanyang tagahanga, "soon" ay ihahayag niya ang kuwento sa likod ng kanyang cryptic posts.
Sinamahan pa niya ito ng coffee at clock emojis.
Halos buong araw nag-trend si Sandra noong Linggo dahil sa halos sunud-sunod na patutsada niya sa diumano'y hindi niya magandang karanasan sa pageant.
May Instagram Story siya na "karma is real" at "we deserve justice."
SHAMCEY VS SANDRA'S CRYPTIC MESSAGES
Sa kasagsagan ng isyu, nagpakawala rin si Miss Universe Philippines national director Shamcey Supsup ng paalalang panatilihin ng isang kandidata ang poise at dignity sa kabila ng pagkatalo.
Parehong walang pinangalanan sina Sandra at Shamcey sa kani-kanilang posts, pero mahihinuhang nagsasagutan ang dalawa.
Sumunod na Instagram Story kasi ni Sandra ay sang-ayon daw ito na ang "true mark" ng isang "beauty queen" ay ang magandang pagtanggap ng pagkatalo.
Pero hindi rin daw dapat kalimutan na ang "real queens" ay hindi nandaraya.
SHAMCEY AND MISS ILOILO
Wala pang opisyal na pahayag ang Miss Universe Philippines Organization sa sanga-sangang kontrobersiyang nakapalibot sa grand coronation ng pageant.
Pero kahapon, ibinahagi ni Shamcey na nakasama niya ang newly crowned Miss Universe Philippines na si Rabiya Mateo ng Iloilo City.
Caption niya sa kanyang Instagram post, "Had a quick late lunch before leaving Baguio with @rabiyamateo
"Thank you so much @baguiocountryclub for being our home during our entire journey."
MISS ILOILO'S DEFENSE
Sa parte naman ni Rabiya, nakapanayam siya ng TV5 tungkol sa kanyang saloobin sa mga kumukuwestiyon ng pagkapanalo niya.
Hindi man daw siya ang "frontrunner" para sa iba, kumpiyansa si Rabiya na best effort ang ginawa niya sa pageant.
Wala raw katotohanan ang akusasyong nandaya siya sa Q&A portion:
Aniya, "And yung mga nagsasabi na the question was given to me that’s why I answered that way, it wasn’t given po sa akin.
"I did everything that I could because I want to make Iloilo City proud."
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika